CHAPTER 5

3.6K 72 5
                                    

PAGKATAPOS nilang magtalo ay lumabas ng bahay si Vince. Sa labas ay patuloy ang malakas na alulong ng hangin bagama't pabugso-bugso ang buhos ng ulan.

Ilang oras na pinag-iisipan ni Lilia ang sitwasyon nila. Naisip niyang nalason ang isip ng lalaki sa mga sinabi rito nina Thelma at Fidel sa panahon ng pagdadalamhati ng
mga ito. At ngayon ay kumikilos ito bilang "tagapaghiganti" ng pamilya.

She sighed heavily. Pumasok sa banyo at naglinis ng katawan at nagpalit ng oversized T-shirt na siya niyang ginagamit na pantulog. Wala siya halos itinulog sa nakalipas na gabi dahil nga kinailangan niyang maagang gumising para sa biyahe niya. At mahigit apat na oras ang ibiniyahe nila kanina. Now she was dead tired and would drop anytime.

At dahil iisa ang kama sa itaas, she naturally assumed na magtitiyagang mamaluktot sa kapirasong sofa sa ibaba si Vince. He was a tall man, at dahil maliit ang sofa, mahihirapan itong mahiga. At ang kaisipang iyon ay
ikinasisiya niya.

Subalit kahit pagod at inaantok ay hindi niya
makuhang matulog. Inaantabayanan niya ang pagbabalik ni Vince. Hindi niya maisip kung nasaan ito sa kalagitnaan ng bagyo. May isang oras nang nakahiga si Lilia bumukas at sumara ang pinto sa ibaba. Mayamaya lang ay naririnig na niya ang yabag nito papanhik. Naalarma siya, napaupo siyang pasandal sa headboard.

"B-bakit?" aniya nang sumungaw sa may hagdan si Vince kasabay ng pagtaas ng kumot sa leeg niya. Basa ang buhok nito. Ganoon din ang suot na polo shirt.

Subalit hindi sumagot ang lalaki at nagtuloy-tuloy sa itaas. Nanlalaki ang mga mata ni Lilia nang simulan nitong hubarin ang pang-itaas.

"Kailangan kong mag-shower bago matulog," wika nito at inihagis ang pang-itaas sa laundry basket na nasa isang sulok. Pagkatapos ay pumasok sa banyo.

Inilabas ni Lilia ang pinipigil na paghinga. She waited. Then wondered kung bakit hindi nito ginamit ang banyo sa ibaba. Dahil ba nasa itaas ang mga damit nito? Pero maaari naman nitong kunin ang mga damit at bumaba upang doon mag-shower.

At nang lumabas mula sa banyo si Vince ay hindi niya inaasahang tuwalya lamang ang suot at nakatapis sa balakang nito. Her eyes were wide as she fixed with apprehension on his magnificent torso. Ang maninipis na
balahibo nito sa dibdib ay mamasa-masa pa.

Her throat suddenly dry.

Kaswal na lumapit si Vince sa direksiyon niya, waring may hinahanap. She was literally holding her breath. Nilingon niya ang kinuha nito sa ibabaw ng silya ng tokador. Ang roba.

Napasinghap si Lilia kasabay ng pagpikit nang walang pakialam nitong kalasin ang tuwalyang nakatapi sa balakang nito. Dumilat lang siya nang tiyak niyang suot na nito ang roba.

"Ano ka, exhibitionist?" She glared at him angrily.

"Kung maghubad ka'y parang walang ibang tao sa silid na ito!"

Umangat ang mga kilay nito sa mapang-uyam na paraan. "Huwag mong sabihing naiiskandalo ka? I was even expecting na tititigan mo ako at ikokompara sa ibang
mga lalaki mo..."

"Bastos!" she hissed. Namumula ang mukha sa galit.

"Hypocrite!" he countered back. Lumapit ito sa kama at umupo roon. "Now move over."

"What!" she said in horror. "You can't sleep here!"

Muling umismid si Vince. "This is my bed, lady, gusto kong ipaalala sa iyo kung nakalimutan mo. Wala akong ibang tutulugan. Ni walang banig ang bahay na ito."

Hinagod siya nito ng painsultong tingin. "And stop acting like an outraged virgin. Which we both know you are not. Now move. O gusto mong ako ang mag-usog sa iyo?"

ALL-TIME FAVORITE: Sinner or SaintWhere stories live. Discover now