CHAPTER 11

3.7K 81 6
                                    

HINDI pumayag ang mag-asawang Ventura na hindi siya roon magpalipas ng magdamag. Kinabukasan na siya umalis at gabi na nang makabalik sa Maynila.

Sa tapat ng gate ng apartment nila ni Cynthia ay may taksing nakaparada. Ipinarada niya ang Mazda sa likuran niyon. Hustong nakalabas siya ng kotse nang lumabas si Cynthia.

"Kumusta ang lakad? Hindi ka ba pinahirapan niyang regalo ni Mr. Loverboy?" nakatawang sabi nito.

"Loka." She smiled at her friend. Iyon lagi ang tawag nito sa Mazda-regalo ni Mr. Loverboy. "May pasalubong ako sa iyo."

"Mas prefer ko ang update tungkol kay Super
Gorgeous! Pero bukas na at late na ako. 'Buti nga't nag-abot pa tayo."

"Hindi mo ba gagamitin ang kotse?"

"Nope. At kanina pa naghihintay ang taksing iyan. Bye..." At sumakay na ito sa likuran ng taxi.

Sinundan niya ng tingin ang palayong taxi. Alam niyang "drama" ng kaibigan ang pagta-taxi nito upang bilhan na ito ng boyfriend nitong businessman ng bagong
kotse. Sasabihin na naman tiyak ni Cynthia kay Amado na nasa talyer ang kotse.

Ipinasok niya ang Mazda. Bumaba upang isara ang gate nang isang pamilyar na bulto ang lumitaw mula sa mga anino. Napalunok siya, hindi inasahang makikita roon si Vince. In semi-darkness he looked savagely satanic.
Her heart thumped violently. Ano ang ginagawa nito rito?

"So, iba naman pala ang pinupuntirya mo ngayon, ha!"

Walang sabi-sabi itong pumasok sa gate.
Parang gusto niyang ginawin sa tinging ibinigay nito.

"Pagkatapos kay Loverboy, kay Super Gorgeous naman. Baka gusto mong sa akin magkuwento? Hindi naman ako nagmamadali."
Ito na mismo ang nagsara ng gate.

Napaatras siya, hindi alam kung ano ang gagawin at sasabihin. Para siyang lokang nakatanga rito. Kinakabahang nakabadya sa mukha niya ang pananabik kay Vince.

"Sawa ka na rito?" sarkastikong sabi nito. Hinaplos ang Mazda. "Gusto mo ng mas maganda? Dapat lang. A Mercedes? BMW? Dapat ay magpalipat ka na rin sa condo. Hindi bagay sa mga tulad mo ang mga ganitong apartment. O baka naman nagpapa-demure ka pa?"

Sa tingin ni Lilia kay Vince sa mga sandaling iyon ay tila handa nitong pira-pirasuhin ang Mazda ni Cynthia with his bare hands, Kung posible nga lang ay baka natunaw na ang kotse sa apoy na nagmumula sa mga mata nito.

Napabuntong-hininga siya. Wala na ang pagnanais na ipagtanggol ang sarili mula sa mga insulto nito. And she was tired driving for hours. The last thing she needed was a confrontation with him.

"Kung gusto mong makipag-usap sa akin, sa ibang pagkakataon. So please leave..."

Pumasok siya sa apartment.

"The hell I will!" Vince snapped. And it made her sick nang makitang kasunod niya ito.
"Why, you look so tired and exhausted! Sinulit ba ni Loverboy ang salaping ibinigay niya sa iyo sa araw na ito? But the night's still young! Bakit? Kailangan bang umuwi sa misis niya si Mr. Loverboy? O si Super Gorgeous?"

Lilia groaned. She didn't deserve this!
May ilang sandaling tinitigan siya ni Vince bago walang pasintabing dumeretso ito sa kusina.

Nahahapong nakasunod ang mga mata ni Lilia rito. Iniisip kung ano ang gagawin ni Vince doon nang marinig niyang bumukas ang cupboard at ang pagsara nito. Ilang sandali pa'y lumabas itong muli at may dala nang dalawang mugs ng kape para sa kanila.

She almost rolled her eyes. Hindi niya kailangan ng caffeine sa gabing iyon. She wanted to take a hot shower at magpahinga pagkatapos. Pakiramdam niya'y magko-collapse siya sa pagod anumang oras,

ALL-TIME FAVORITE: Sinner or SaintKde žijí příběhy. Začni objevovat