CHAPTER 7

3.4K 77 1
                                    

NAKABIHIS na si Vince nang bumaba. Hinila nito ang silya sa tapat niya at nagsimulang maglagay ng pagkain sa pinggan. Wala silang kibuan habang kumakain.

Sa labas ay patuloy sa paghampas ang malakas na hangin bagaman mahina ang ulan. And this place was a warm, comfortable haven against the weather outside. May kung anong contentment na nadama si Lilia nang mga sandaling iyon, curling around her like love.
She started the day hating him and was ending it with unwarranted contentment.

Hindi rin niya maiwasang ngitian si Vince nang magtama ang kanilang mga mata. And when he smiled back, she felt wonderful.

"W-where... have you been?" hindi niya mapigilang itanong. "Buong maghapon kang nawala..."

"At nakapagtatakang dinatnan pa kita rito," sagot nito. "Though I doubt kung matututuhan mo ang daan patakas sa lugar na ito. I'll find you in no time at all..."

She smiled faintly. Pinaraan ang sarkasmo sa
tinig nito. "Precisely why I didn't dare escape. Besides, tiniyak mo na sa aking wala kang masamang hangarin sa akin, 'di ba?" Hindi niya hinintay na sumagot si Vince, agad na sinusugan ang sinabi. "So kaysa mawala ako sa gitna ng sama ng panahon... iisipin ko na lang na matapos mo akong madala kina Fidel at Thelma, makakauwi na ako..." She shrugged. "Minus the fright that you gave me yesterday, I
could treat this whole thing as something to perk up my boring daily routine."

Ilang sandaling tinitigan siya ni Vince bago, "Tiniyak kong ayos ang gagamitin nating motorboat patungo ng Alabat..." sagot nito sa tanong niya kung saan ito nagpunta.

"I thought I've got it all ready when I planned this whole thing," patuloy nito. "Hindi ko napunang may butas ang tangke ng gasolina sa bangka. Kailangan ko pang magtungo sa bayan upang palitan iyon..."

"Nagtungo ka sa bayan!" gulat niyang sinabi.
"A-ano'ng sinakyan mo? Hindi mo dala ang kotse nang-"

"There are other ways and means, Miss Serrano..."

Wala sa loob na napatango siya.

Pinagmasdan niya si Vince. Patuloy ito sa pagkain. Sa sinabi nito'y natiyak niyang may ibang bahay sa lugar na iyon. Hindi nga lang niya matiyak kung saan banda. Alin na lang sa dalawa, totoong nagtungo ito sa bayan o may inutusang iba.

Siguro'y may caretaker ito na nag-aasikaso sa bahay na iyon kung wala ito. Natitiyak niya iyon dahil alam niyang sa Canada naglalagi si Vince. At nakikita niyang determinado itong dalhin siya kina Fidel at Thelma. Which was ridiculous dahil talagang pupuntahan niya ang mag-asawa kung iyon ang gusto nito.

At patuloy na gumugulo sa isip niya ang maaaring sinabi ng mag-asawang Ventura tungkol sa kanya. Na siyang nagtulak sa lalaki na gawin ang ganito. Definitely nothing good, kung ibabase sa mga insultong inaani niya ngayon mula rito.

"Nag-e-enjoy ka ba sa trabaho mo sa publication?" tanong nitong bigla. "Sa pagkakaalam ko'y mahigpit ang may-ari n'on. But I doubt kung ganoon din ang anak. Considering the kiss you both shared that night?" he said disgustedly.

Gustong mamangha ni Lilia. Ibig sabihi'y naroon si Vince nang ihatid siya ni Ramil sa apartment niya. At dahil nagsimula ito ng mapag-uusapan ay sumagot siya nang maayos.

"Masipag si Ramil, pero hindi niya namana ang lakas ng loob ng kanyang ama," she said. "I love my work, nagiging routine minsan, but it has its moments. Tulad ng pagkakatuklas sa isang mahusay na manuscript sa karamihan ng isina-submit sa publication. At mula roon ay malalaman mo na kung sino sa mga bagong writers ang may potential..."

"Tulad ng unang manuscript ni Tony?" May kung anong mapanganib na himig sa likod ng pagtatanong na iyon, sending cold shivers down her spine.

Na patuloy niyang inignora. "Hindi ako ang nag-handle niyon," she answered carefully. If he wanted a fight, hindi niya iyon ibibigay rito kahit nagsisimula na naman ang tensiyon sa pagitan nila. "It was a new project, a daring one-ang mag-publish twice a year ng makakapal at bestsellers na libro a la-Sidney Sheldon et al. It was Mr. Cuesta who handled it. Actually, si Tony ang ikaapat na writer na sumubok at nakapasa..."

ALL-TIME FAVORITE: Sinner or SaintWhere stories live. Discover now