CHAPTER 3

4.1K 83 0
                                    


SHE WAS in the middle of the living room at ang mga mata niya'y pinag-aralan ang loob ng kabahayan. Dalawang palapag ang hindi kalakihang bahay na iyon. Adobe ang ibaba at kahoy ang itaas. Yari sa maninipis na kawayan ang interior at ilan sa mga piling kasangkapan.

Sa ibaba ay ang sala, at ang sofa ay yari sa pinong rattan. Ang pinaka-rug kung saan nakalagay ang center table ay magandang klaseng banig. Ang side table sa dulo ng sofa
ay isang pinutol na puno ng kahoy, may natural na barnis.

Dumako ang mga mata niya sa hindi-kalaparang hagdanang kahoy na ang nakapagitan sa sala at dining room.
Ang rug sa paanan ng hagdan ay yari sa abaka. At nagulat pa siya nang magbukas ng switch ng ilaw lalaki at nagliwanag sa paligid. Hindi niya inaasahang may kuryente sa lugar na iyon.

"S-saan galing ang kuryente sa ilang na ito?"

"May generator sa likod ng bahay," walang-anumang sagot nito at humakbang patungo sa dining room.

Para siyang robot na humahakbang ng isa... dalawa... at sinusundan ng tingin ang ginagawa ng abductor niya.

Nasa gitna ng komedor ang pandalawahang mesang bilog na yari sa pinong kawayan at napapaibabawan ng salamin. Mula sa kisame ay may drooping light sa loob ng isang tila salakab. At sa likod ng mesa ay ang tiled counter at lababo. Sa ibang pagkakataon, she would surely love the house. Small and cozy. Ang mga kasangkapan ay yaon lamang kailangan.

Naglagay ang lalaki ng tubig sa takuri at isinalang sa kalan. Sinindihan iyon subalit nakailang flick na ito ay hindi iyon nagsindi. Yumuko ito at sinuri ang tangke ng gas.

"Damn!" usal nito.

Natitiyak ni Lilia na wala nang lamang gas ang tangke sa anyo ng lalaki. Hawak ang takuri ay lumabas ito sa isang pinto. Nararamdaman ni Lilia na may ginagawa ang lalaki roon. Nakaamoy siya ng gaas at hindi nagtagal ay nakita niya ang anino ng pagsiklab ng apoy.

Sinundan ni Lilia ang lalaki. Huminto siya sa may pinto at bumungad siya sa isang dirty kitchen. Isang abuhan iyon. A primitive stove. Pugon sa ibang salita. May kalang bakal na ginagamitan ng kahoy at may malaking chimney sa ibabaw niyon. Sa ilalim ng abuhan ay mga panggatong.

Somehow, sandali niyong ipinaalala ang bahay nila sa probinsiya. And a certain longing filled her heart. She hadn't been home for the last five years. Nag-init ang sulok ng mga mata niya.

Iyon ang nalingunan ng lalaki sa kanya. She was staring at the fire absentmindedly, sadness and yearning in her eyes, not fear: Sandaling nagsalubong ang mga kilay nito.

Pagkuwa'y, "Kung gusto mong magkape, ihanda mo ang mga tasa at platito. You can find them in the cupboard. Sandali lang ito."

Napapitlag muli si Lilia sa pormal at malamig na tono ng lalaki. Hindi siya sumagot at umalis sa may pinto. Bago pa siya makahakbang ay kasunod na niya ito. Nilampasan siya at binuksan ang ref na nasa sulok na noon lang
napansin ni Lilia. Mula roon ay may kinuha sa chiller ang lalaki. Ham and bacon. Pagkatapos ay isang balot ng slice bread ang inilabas nito mula sa ref at inihagis sa mesa.

"Stale bread, pero pamatid-gutom din iyan kasabay ng mainit na kape." His lips twitched in one corner sa isang tila ngiti. Ngiting natitiyak ni Lilia na hindi nito gustong
gawin at hindi namalayang ginawa.

And she almost gasped aloud. Her abductor's smile was lethal! And it wasn't even a real smile! At hanggang sa bumalik ito sa dirty kitchen ay nanatiling nakatanga si Lilia sa pintong dinaanan nito. She was insane! Ngiti lang ay tila gusto pa niyang mag-swoon na tila teenager.

Ipinilig niya ang ulo at lumakad patungo sa cupboard. Sandali siyang nag-atubili kung dalawang tasa at platito ang kukunin niya. Kung gustong magkape ng lalaking iyon ay bahala itong kumuha ng sariling tasa!

ALL-TIME FAVORITE: Sinner or SaintWhere stories live. Discover now