Chapter 01

39 5 10
                                    

The hurt just leaves me scared
Losing everything I've ever known

- Atlantis, song by Seafret

_


"Bakit ka umiiyak?"

Tila umurong ang luha ko nang marinig ko ang boses ng isang lalaki mula sa likod ko. Agad akong nagpunas ng luha para itanggi ang paratang sa tanong niya bago siya harapin.

Nagulat pa ako nang makitang si Asiel ang taong nasa harapan ko ngayon.


"Bakit ka nandito?" balik ko ng tanong sa kaniya, imbes na sumagot.


"Hindi mo sinagot tanong ko," saad niya. Kainis, ayaw ko muna sana kumausap ng kahit sino e.


Bakit ba siya nandito?!


"Hindi ako umiiyak," sagot ko naman na may pagmamatigas, para na rin umalis na siya.


"Kitang-kita ko kung paano ka humihikbi kanina."

"Namatay bestfriend ko," maikli kong sagot para hindi na siya mangulit.

"Hala! Seryoso ba?"

"Gago, bakit naman ako magbibiro ng gano'n kasama!?" irap ko, pero natawa rin ako kasi halatang-halata sa mata niya na nag-aalala siya.


"Uy, sorry!" paumanhin niya, bago nagpaalam kung p'wede maupo sa tabi ko. Hindi naman ako tumanggi dahil hindi ko naman pagmamay-ari ang bench na inuupuan ko.


"Aso 'yong bestfriend ko." pagka-klaro ko pa. Mukhang nabunutan siya ng tinik sa dibdib nang malaman na hindi tao ang tinutukoy ko.


"My condolences. Sobrang sakit mawalan ng alaga."


Tahimik lang ako habang tinatanaw at nililibang ang aking sarili sa panonood ng mga ibon na dumadapo sa wire ng poste.


"First pet mo?" he asked after a moment of silence.

"Oo, first best friend din."

"Sad. Pareho pala tayo," malungkot niyang saad.

"Namatay rin aso mo?" pagka-klaro ko.

"Hindi. Namatay first bestfriend ko." Napalingon ako sa kaniya pagkasabi niya no'n. Walang emosyon ang mukha niya, nakatingin lang rin siya sa kulay asul na kalangitan.

"Oh?"

"Noong June lang," dugtong pa niya. Hindi ko alam kung gaano kasakit nararamdaman niya ngayon. Agosto palang kasi at paniguradong sariwa pa ang dalawang buwan.


"Sorry for your loss," pakikisimpatiya ko.


"Suicide," he added. Bagay na mas kinagulat ko, "Sayang. I couldn't save her."

Iyong luha na kanina ko pa pinipigilan ay biglang pumatak. Tangina naman e. Nagbibiro lang naman akong namatayan ako ng aso! Paano ko ngayon ito babawiin? Ang totoo e, nalulungkot lang talaga ako. Kung ano nalang lumabas na dahilan sa bibig ko, putcha! Sorry, that was really a bad joke.


Bawat PiyesaWhere stories live. Discover now