Chapter 17

9 4 0
                                    

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" I asked him, habang ginagamot ang sugat na natama sa kaniya ng mama niya.


"Maayos na," he answered in a slow and weak voice. "Ri, thank you, ha."


Tumingin ako sa kaniya at ngumiti, "Wala 'yon! Maliit na bagay," I teased him bago diniinan ang paggagamot sa sugat niya.


"Ouch."


"La, hindi naman malakas!" saad ko sa reklamo niya nang marahan kong hinampas ang binti niya.


"May pasa ako d'yan e." kamot batok niyang saad.


"Tingin!"


He showed his bruises, "Ang laki! Hala, sorry."


"Kakahampas mo 'yan eh!" biro niya sabay tawa.


"Uy, sorry, hindi ko naman sinasadya."


Bigla siyang tumawa at ginulo ang buhok ko, "Sira, biro lang! Pasain talaga ako. Hindi lang d'yan." Pinakita niya ang mga pasa niya sa iba't ibang bahagi ng katawan niya. Mayroon sa braso, malaki sa binti, sa likod banda, sa balikat niya, sa tuhod.


"Ang dami, Asiel! Saan galing ang mga 'yan?!"


Nagkibit-balikat siya, "Normal naman 'yan sa akin." He scratched his nape at yumuko.


"Hindi ka pa ba nagpapa-check up?" saad ko. Hindi pa man siya nakakasagot ay dire-diretso ko na siyang sinermunan, "Bakit hindi pa? Magpa-consult ka kaya, bakit nagkakaroon ka ng ganiyan." I worried a lot. Lately kasi madalas ko rin napapansin na matamlay siya.


He sighed, "Nakapag-blood test na ako last week."


"Ano raw sabi!?"


"Don't worry hindi pa naman ako mamamatay," saad niya. Nakuha niya pa talaga magbiro, ah. Hindi ako umimik.


Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon dahil sa kalagayan niya, hindi ako sanay na ganito siya katamlay. Naalala ko tuloy si ate Sachi, sinabi niya rin na kaya niya at malakas pa siya pero huli na pala ang lahat.


"Uy, umiiyak ka ba?" he laughed, nang makitang seryoso ako na nagpunas ng luha ay agad rin siyang sumeryoso.


"Sorry, gusto lang kita patawanin, ang seryoso mo naman kasi," aniya't ginulo ang buhok ko, "wag ka mag-alala, I went to the hospital last week at sinabi ko 'yung about dito sa mga pasa ko. They took some blood and said there was some abnormalities, babalik ako doon next week for follow up."


"Bakit next week pa!?"


"Iyon ang available na araw ko e?"


Pinunasan ko ulit ang luha ko, "Sama ako."


"Ano as guardian?" he gasped the air, "thank you, I really need you."


Around 5:30 PM, pumasok ako sa school. 7:30 PM ang uwian namin and after no'n, dumaan muna ako sa bahay nila Asiel bago umuwi sa bahay. Hindi na nga sana ako papasok kanina sa school dahil isang subject lang naman ang klase pero na-convince niya pa rin akong tumuloy para daw may source siya if ever may ipinagawa sa subject namin. Kanina kasi bago ako pumunta ng school ay biglang dumugo ang ilong ni Asiel, sabi niya ay sobrang init daw kasi ng panahon. Nataranta nga ako kasi sabi ko pumunta na kami hospital pero wala naman magbabantay sa mama niya dahil nakauwi na ang daddy niya.


Bawat PiyesaWhere stories live. Discover now