Chapter 20

14 4 0
                                    

"My name is Asiel Hirata," umpisa ko.


Naalala ko kung gaano ako katapang na humarap noon sa maraming tao at kung paano ko pinagmalaki ang aking ina sa harap nila. Na kahit may kaba sinubukan kong ipunin ang kumpiyansa ko sa sarili na sabihin ang tunay na dahilan kung bakit ako nandoon sa apat na sulok ng kwartong 'iyon.


"I mentioned before that I took up Psychology for my mother. She was diagnosed with schizophrenia and I badly want to cure her," saad ko kahit na ramdam na ramdam ko ang panginginig ko habang nagsasalita, sinubukan kong huwag mautal sa harap ng maraming tao.


Ramdam na ramdam ko ang mga matang sa akin nakatutok. Ang ilan sa mga nakikinig sa sinasabi ko ay pilit itinatago ang luhang nais kumawala sa kanilang mga mata. Ngunit, naagaw ng atensyon ko ang babaeng matagal ko nang nakasama, si Hina.


Dapat ngayon ay nasa facility kami para sa huling araw ng aming internship program, it was supposed to be a happy occasion for all of us, but for me, it was the other way around.


Nakatayo ako ngayon sa simbahan, sa harap ng mga kamag-anak namin at malalapit niyang kaibigan habang nagsasalita sa eulogy ng aking pinakamamahal na ina.


"My mom died just 3 days ago," I tried to hold back my tears, but before I could do so, they had already fallen, "I was devastated by the fact that the only reason I took up Psychology in the first place was gone.. and I am deeply saddened that she's gone before I could provide the life I wished for her." Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko ang pagtulo ng mga luha ng aking mga kaibigan.


"Bata pa lang ako nang ma-diagnose si mama na may schizophrenia, growing up, hindi ko talaga siya naiintindihan kung bakit iba siya kumilos kaysa sa ibang mga nanay na nakikita ko. It was difficult for me to handle everything at once, lalo na nang tamaan siya ng sakit na cancer, I was only 15 years old. I was born to take care of her, and I live to take care of her because that disorder and cancer took her away from me. It took away her chance to parent me, pero sa kabila ng mga iyon, nasaksihan ko naman ang kaniyang matamis at magandang mga ngiti sa tuwing siya ay nagsasalita..." huminto ako sa pagsasalita upang bigyan ng tyansa ang sarili na makahinga nang maayos.


"Ma, saksi ako kung paano ka lumaban sa mga sakit mo. Ngayon, hindi ko alam kung paano pa haharapin ang mga susunod na bukas gayong alam ko na sa paggising ko ay wala ka na. Gayunpaman, nawa'y bigyan mo ko ng lakas para ipagpatuloy ang nasimulan kong pangarap para sa'yo... Tulungan mo kong malampasan at kayanin ang lahat ng ito."

Wala nang luha na tumulo sa mga mata ko. Naalala ko lang na ayaw na ayaw ni mama na nakikita akong umiiyak kasi kahit hindi man niya direktang sabihin, alam kong nasasaktan rin siya para sa akin.


Lumipas ang isang linggo na hindi ko alam kung paano ko nalagpasan. Pumasok na ako sa school dahil finals namin. Nilapitan ako ng mga kaklase ko na nakiramay at nakisimpatya sa pagkawala ng aking ina. Narito rin ngayon sina Damian at ibang malalapit naming kaibigan sa kabilang block.


"Condolences, Asi."


Ito na ata ang pinakamasakit na salitang ayaw kong marinig sa buong buhay ko. I never wanted mom to leave, pero ayaw ko rin siyang iwan kung ako man ang mauna.


Lutang akong nagsagot sa unang subject ng exam namin pero ginawa ko ang best ko para masagutan 'yon nang maayos at tama. I promised mom na tutuparin ko pa rin ang pangarap ko para sa kaniya, kahit wala na siya.



__

Hinari's POV

Tapos ang final exams, maigi't na-survive namin ang week na ito, lalo na si Asiel. Naaawa ako sa kaniya kasi halos hindi siya nabigyan ng oras para
magluksa, nagsabay kasi ang requirements namin para sa finals at graduation requirements.


Bawat PiyesaWhere stories live. Discover now