Chapter 21

11 4 0
                                    

"Pero crush ko na siya," pag-amin ko.


Magkausap kami ni Alexa ngayon sa call, Sabado kasi at wala naman ginagawa. Tumawag ang bruha, nagku-kwento tungkol sa kanila ni Damian, pinakilala niya na ito sa kaniyang pamilya bago sinagot.


Napunta naman ang usapan tungkol sa akin nang tanungin niya ang tungkol sa amin ni Asiel.


"In denial pa kasi, eh! Okay lang naman 'yang nararamdaman mo para sa kaniya. After all, kayo naman ang mas nagkakaintindihan." biglang gumaling sa love advice si ate Alexa!


"Totoo sa inyo 'yong proximity principle," habol pa niya sabay halakhak.


Napairap nalang ako sa kawalan, "Hindi ko naman siya gusto... no'ng una. Bigla ko lang na-realize na parang ang ideal niya for me," bahagi ko, kasunod no'n ay malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan.


"What if umamin ka?" matapang na suhesyon ni Alexa, bagay na hindi ko papatulan.


"What if tumigil ka?"


Narinig ko ang pagtawa niya mula sa kabilang linya, "Hanggang kailan mo balak patagalin ang pagiging maarte mo, te?"


"Hindi ko alam!"


"Ano pa hinihintay mo, makalayo siya? Ga-graduate na tayo. Hihintayin mo pa ba na mawala na lang siya sa paningin mo? O hihintayin mo nalang maglaho 'yang nararamdaman mo?" singhal niya, balak pa nga ata ako nitong sermunan.


"Hindi ko alam. Ibubulong ko nalang sa hangin," biro kong patol.


"Nawa'y dalhin ng hangin 'yang nararamdaman mo patungo sa kaniya." she chuckled, kinabahan ako kasi baka kung anong kalokohan ang gawin nitong si Alexa!


"Hoy, 'wag mo ipagkakalat, ha! Sa iyo ko lang 'to sinabi!" paniniguro ko.


"Ahuh! Mmm. I zipped my mouth na," natatawang sambit niya at nag-akto na ikinandado ang kaniyang bibig.


"Basta ang payo ko sa'yo, go shoot your shot," mungkahi niyang muli.


Natapos nalang ang tawag na iyon nang magpaalam siya, tinatawag na kasi siya ng mommy niya para kumain ng umagahan. Samantalang ako ay bumalik sa pagtulog, wala naman akong ina na mag-aalala kung hindi pa ako nag-umagahan.


"Woi, Beberi, kain na raw sabi ni mamay!" bulabog ng kapatid ko sa kalagitnaan ng aking pagpikit.


"And'yan na si mamay!?" napabalikwas pa ako ng tayo nang marinig 'yon! Ilang linggo na kasing wala sa bahay si mamay dahil umuwi siya ng Laguna noong nakaraan para makita ang iba niyang mga apo doon.


Nang makalabas ako, nakangisi si Yuno habang nakatingin sa akin, "Joke lang! Kain na kasi."


"Hindi naman kasi nakikipagbiruan eh!" angil ko sa kapatid ko. Ginulo niya ang buhok ko habang tumatawa-tawa pa rin, iniisip niyang nauto niya ako this time.


"Ayaw mo pa kasi bumangon eh! Ikaw na nga nilutuan d'yan," reklamo niya pabalik.


"Kailan daw ba uumuwi si mamay?" pag-iiba ko. Lumapit na ako sa hapagkainan, nagluto nga si Yuno ng umagahan naming dalawa. Ang sipag ata ng kapatid kong ito?


"Doon daw muna siya sabi ni auntie, ewan ko lang," tugon niya, "baka bago ang graduation mo."


"Next week na 'yon," saad ko naman. "Bibili nga pala ako ng susuotin para sa graduation ko. 'Wag mo pabayaan 'tong bahay, ah?" bilin ko pa.


Bawat PiyesaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ