Chapter 25

14 4 0
                                    

"Have you ever heard or listened to a song
and remembered what life
was like when you first heard it?"

"Have you ever heard or listened to a song and remembered what life was like when you first heard it?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



___


Some of the ones we love are only meant to walk with us to a certain point in our lives. Not all of them are meant to stay with us forever. I have always believed that this is one of the hardest truths of life. It is painful to think that the people we love and cherish will one day leave us.


I released a weak sigh before gazing at the ground where we buried the time capsule. The time capsule that we promised to open after five years. My heart feels heavy as I remember the memories we shared when we buried it.


"Hina, gawa tayo time capsule."

"Time capsule? Sige! Tapos after ilang years natin bago ulit huhukayin?"

"Ten?"

"Masyadong matagal naman! Three years?"

"Make it five."

"Okay, five years."


Sa loob ng stainless steel na canister ay nilagay namin doon ang mga bagay na gusto namin muling balikan sa hinaharap. Naroon ang mga larawan, tulad ng graduation pictures, family pictures, at pictures naming dalawa. Kalakip rin no'n ay mga sulat namin para sa sarili namin sa hinaharap at sulat namin para sa isa't-isa.


Nagulat pa ako dahil medyo marami-rami ang mga letra na nilagay niya sa loob ng canister.


"Pirmahan natin," sambit ko na agad naman niyang sinang-ayunan.


Open on December 30, 20**
Hinari Blue Icara & Asiel Hirata



"Ilang araw nalang. Sayang, hindi mo manlang nahintay ito," bulong ko sa hangin. Sandali pa akong tumitig sa eksaktong puwesto kung saan namin binaon ang time capsule.


Kinuha ko ang dala kong handheld shovel at inumpisahan nang bungkalin ang lupa na tumatabon sa canister na aming binaon. Inabot rin ako ng ilang minuto sa paghuhukay bago maramdaman ang plastic na tumama sa panghukay na gamit ko.


Nang mahukay ko iyon ay agad ko namang kinuha ang gunting upang alisin ang plastic na binalot namin sa canister para hindi tuluyang masira ang loob. Malinaw pa rin ang pirma na nakasulat sa loob noon. Tumungo ako sa sementeryo para dalawin siya. Gusto ko pa rin itong buksan kasama siya at basahin sa kaniya ang sulat ko.


Bawat PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon