Chapter 24

15 4 0
                                    

Dito ka na lang habang-buhay
habang-buhay...

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko habang kinakanta ang linya na iyon.

"Sorry," sambit ko bago pinunasan ang aking luha. "Ito 'yong line na dinugtong ko.." Huminga ako nang malalim bago kumanta muli.

At kahit na hindi na nagkikita
parating iniisip ang mga segundong
ikaw ang aking nakakasama, sinta

"Asiel, sana magkikita pa rin tayo, ha?" sambit ko, muling pumatak ang aking luha, "sana.. magkaibigan pa rin tayo."

Tumango siya at pinunasan ang luha sa pisngi ko. Sa pagdampi ng palad niya sa pisngi ko, ramdam na ramdam ko ang malamig niyang kamay na dumampi sa pisngi ko.

"Hina, inaantok na ako."


___

"Bakit ka umiiyak?"

Tila umurong ang luha ko nang marinig ko ang boses ng isang lalaki. Agad akong nagpunas ng luha at hinarap siya. Nagulat pa ako nang makitang si Kyden ang taong nasa harap ko ngayon.

Hindi ako sumagot aa tanong niya, sa halip ay binalik ko iyon ng isa pang tanong, "Bakit ka nandito?"

"You didn't answer my question," kamot-batok niyang saad.

"Hindi ako umiiyak," sambit ko kahit halata naman na umiyak nga ako dahil sa namumugto kong mga mata.

"Basang-basa mukha mo ng luha," pagkasabi niya no'n parang may ala-alang awtomatikong nagbalik-tanaw sa pangyayari na tulad nito.

Iyong unang beses na nag-usap kami ni Asiel. Kapareho nito ang nangyari ngayon. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuloy-tuloy na ang pagtulo ng luha ko.

"Hina," lumapit siya sa akin, "I'm sorry about what happened."

"Bakit nandito ka?" tanong ko kahit na may hikbi sa pagsasalita.

"Gusto ko sana dalawin si Asiel," aniya.

Agad kong pinunasan ang luha ko, tutulungan niya sana akong tumayo pero hindi ko na naabot ang kamay niya.

"Tara," saad ko sa kaniya at tumungo kami sa kwarto ni Asiel. Naroon siya't natutulog nang mahimbing. Sa couch naman ay naroon ang daddy niya at nagpapahinga, kagagaling lang nito ng trabaho.

"Maya-maya lang rin ay gigising na si Asi," sambit ko bago tumingin sa mga aparatong nakakabit sa kaniyang katawan.

Tumango si Kyden, bago may kinuha sa bulsa ng kaniyang hoodie jacket na suot. "Ito pala 'yong perang na-raise namin galing sa varsity."

Nakatitig ako doon, bago tuluyang inabot. Nagtataka ako kasi malaking halaga ang binigay niya.

"Nag-raise kami ng funds noon para sa mama niya pero hindi namin naibigay," banggit niya bago nagbuntong-hininga. "I didn't know na magagamit niya 'to," he added.

Tumango-tango ako at tinapik ang kaniyang balikat, "Maraming salamat, Ky."

Maya-maya pa't naalimpungatan si tito, agad niya kaming binati at inalok na maupo sa couch. Inalok rin niya kami na kumain.

Bawat PiyesaWhere stories live. Discover now