Chapter 08

13 4 1
                                    

3 months have passed.


"Welcome back, seniors!" bati ng mga kapwa namin estudyanteng sumasalubong sa amin sa pagbabalik ng eskwela.

"Akalain mo 'yon, ilang buwan nalang g-graduate na tayo, kahit ayaw na natin mag-aral!?" wika ng katabi kong si Gia, na ngayon ay nagpupuyod ng kaniyang buhok.


"Graduating na, iyon ay kung ga-graduate ba?" asar naman ni Asiel na poging pogi sa bago niyang gupit.


"Iniisip niyo agad 'yan! May OJT pa nga tayo at pre-boards. Matagal tagal pa ang biyahe," saad ko.

"At least, tapos na natin ang madugong thesis paper at defense," pampalubag loob na pahayag ni Janrei na nakikinig pala sa aming usapan.

Good for them kasi napaka-advanced nilang mag-isip, kawawa naman ako na hanggang sa Linggo lang nakikita na future! Hay nako.

Kakaumpisa palang ng linggo ng klase ay tinatamad na agad ako. Nag-aadjust kasi ang school calendar namin kaya naman ambilis lang ng nagdaan na bakasyon. Ngayon nga ay nag-uusap kami kung ano ang mga pinaggagawa namin buong bakasyon.


"Pumunta kami sa Batanes, taga-doon kasi 'yong papa ko, doon kami nag-stay for a month. Masaya, simple ang buhay pero para kang nakatira sa 5-star hotel dahil sa ganda ng view. Kung ako nga papipiliin, mas gugustuhin ko nalang na doon kami tumira," saad ni Andeng, kaklase nila since first year.


"Buti ka pa, ako nga nasa bahay lang. Ambilis nga talaga ng araw kapag walang ginagawa 'no?" tawa naman na pahayag ni Jeya.


"Ikaw, Alexa? Okay ka lang?" natuon naman ang pansin naming lahat kay Alexa na kanina pa tahimik. Tumango lang naman siya.


Hinawakan ko kamay niya at ngumiti, "Namiss kita, Alexa!" saad ko.


"Ano ginawa mo noong bakasyon?" bulong ko sa kaniya. Umiling lang siya, mukhang ayaw niya i-share kaya binaling ko ang aking atensyon kay Asiel na nakikinig rin sa amin, habang nakikipaghalubilo na sa iba naming classmates.


"Kumusta bakasyon mo?" tanong ko.


Pinatong niya ang kaniyang kanang kamay sa ulo ko, "Okay naman. Nakahanap ako ng trabaho."


"Oh? Astig mo talaga! E'di malaki ipon mo niyan ngayon!" biro ko.


"Sakto lang, bakit papalibre ka?" he laughed. Aba! Nanghahamon ata ang isang 'to. P'wede ko ba naman tanggihan ang grasya na lumalapit!?


"Oo ba, turo-turo ulit mamaya?" excited kong tugon, tumango naman siya bilag pagsang-ayon.


"Sama ka, Alexa! Kakain kami ni Asiel mamayang uwian." Ini-cling ko ang kamay ko sa braso niya habang nakaupo ko.


Ngumiti naman si Asiel sa amin, "Clingy mo pala."


"Depende," saad ko at kumawala na sa braso ni Alexa. Natawa nalang si Alexa.


Matapos ang sandaling pagkukulitan, dumating na ang prof namin na babae. Bago siya sa paningin ko, ngayon ko lang siya nakita sapul na nag-aral ako dito sa eskwelahan na ito. Suot niya ay dark blue na dress na lampas sa kaniyang tuhod, matangkad siya at balingkinitan ang pangangatawan.



"Good afternoon," inayos niya ang kaniyang salamin bago ibinaba ang isang sobrang kapal na librong hawak niya. "Thanks for attending our class today. I am Mrs. Maxine Katarina Co, and I will be your professor in Practicum in Psychology 2, which is in a clinical setting."

Bawat PiyesaWhere stories live. Discover now