Chapter 12

10 5 0
                                    

Hinari Blue's POV

Nag-release na si Ma'am Maxine ng listahan ng mga institution at facilities na p'wede namin pasukan para sa clinical internship namin. We already processed our papers from school and in a week or two, dapat mayroon na kaming nahanap o 'di kaya ay nasisimula na kami. Naging usap-usapan nga iyon sa buong klase. Ang tight na rin kasi ng schedule namin dahil kailangan pa namin mag-review for pre-boards. Naalala ko tuloy itong si Alexa, nagsabi ako sa kaniya na magkasama kami na mag a-apply for internship, ang kaso hindi niya naman kami pinapansin.


"Tara, sa rehabilitation nalang tayo mag-internship. Nakakatakot kasi sa mental," Adi laughed as he thought what he said is a funny joke.


"Takot ka sa baliw pero sa kriminal hindi? Maganda kaya sa Nuevo! 'Wag ka na mag-intern, magpa-admit ka nalang," dagdag na pilosopong sagot ng kaibigan niyang lalaki.


"Criminals are psychopaths," natatawang sambit pa niya.

Grabe, hindi ako makapaniwala na nakaabot sila ng 4th year na may ganitong klaseng pag-iisip. Sobrang lala ng stereotypes at generalization.


"Maraming nakakatakot na baliw do'n!" sagot ni Adi.

Tumayo ako para pagsabihan sila, hindi ko na napigilan. Akala ko pipigilan ako ni Asiel pero kinampihan niya ako.


"Bakit gan'yan kayo mag-isip? Para kayong hindi Psychology major ah!" singhal ko sa harap ni Adi at ng mga kaibigan niya. Naglingunan naman ang mga kaklase naming nakarinig, lahat sila sumang-ayon sa akin.


"Wag gan'yan, pre," ani Asiel sa kanila, "mas maganda pumasok ka palagi sa klase kasya na magpa-admit ka doon. Mas marami kang matutuunan kaysa mararamdaman." Asiel threw a 'not so funny' joke pero the two took it as a joke kasi tumawa sila.


Nabaling naman ang atensyon nila kay Alexa nang irapan sila nito. They cracked the most sensitive words to her, kaya naiintindihan ko rin kung bakit nagalit si Alexa.


"Ganiyan pala kapag may bipolar." Nagtawanan silang magkakaibigan dahil sa sinabing 'yon ni Adi.

"Hindi ginagawang biro ang sakit, Adi!" singhal ni Kyla, girlfriend niya. Halatang na-off rin ito sa narinig na salita mula sa kaniyang kasintahan.

"Natawa lang e," iring pa ni Adi.

Nagulat kami lahat nang tumawayo si Alexa at hinarap si Adi, walang anu-ano'y bigla siyang sinampal nito, "Sorry, hindi ko sinasadya. Umatake kasi pagiging bipolar ko."


Agad niyang kinuha ang bag niya sabay tumakbo palabas ng classroom. Nabuo naman ang tensyon sa pagitan ni Adi at ni Asiel. Tinulak ni Asiel ang dibdib ni Adi, agad naman namin silang dalawa naawat. Sinundan namin ni Asiel si Alexa. Bago lumabas ay narinig pa namin ang sigawan nila sa loob.

"Tangina, Adi! What the fuck?!" galit na suway sa kaniya ni Kyla.

"Mag sorry ka kay Alexa.."




*****


"Alexa, mag-usap nga tayo," saad ko. Naiinis na ako kasi mag-iisang buwan na kaming walang maayos na usap. Hindi naman namin siya matutulungan kung panay ganito lang kami.

Bawat PiyesaWhere stories live. Discover now