Chapter 05

14 5 4
                                    

Saturday.

Mamayang 1 PM magkikita kami ni Asiel sa bayan. Ngayon namin iinterviewhin 'yong Clinical Psychologist na kakila niya. Buti at may kakilala siya para matapos rin namin agad itong activity amin.


May seminar kami next week, Wednesday. Tapos mini break na namin the rest of weekdays. Muntik ko pa malimutan, birthday pala ni Alexa bukas at invited ako.

Bumaba ako ng kwarto, alas-otso palang ng umaga. Nandito pala ang mag-anak ni tita Janine. Nagmano ako at binati sila. Nakaharap na kaming lahat sa pagkain ng umagahan.


Maya-maya'y napa-kwento na si tito Lev, asawa ni tita Janine.

"Tinanong ko si Madam Carol kung nasa'n si Benj Jugo, sabi niya nasa hospital daw sa QC."

Mukhang alam ko na ang kwento na ito at kung sino ang pinag chi-chismisan nila. Iyong kapitbahay namin na mag-asawang Jugo. Si madam Carol Jugo ay isang nurse sa kabilang bayan, may asawa siyang sundalo na retired na. Ang sabi-sabi e, na warshock daw 'yon.


"E, narinig ni kalbo 'yong usapan namin ni madam. Ngayon no'ng makaalis si madam Carol, nagkwento naman si kalbo sabi niya, wala raw sa QC si Benjamin kun'di nasa mental hospital daw sa Nuevo," dugtong pa ni tito. Iyong kalbo naman na tinatawag nila e, codename nila sa kapitbahay naming kalbo.


"Bakit raw?" tanong ni tita.


"Nung gabi raw nagwawala. Ang sabi lang sinugod sa hospital," sagot ni Tito, "Malabong sa QC nga 'yon. Natanong ko rin kasi anak nila e, ang sagot naman nasa Nuevo nga pero hindi naman sinabing mental hospital, magkaiba sila ng sinagot ng nanay niya."


"E, 'di ba papa, may tililing naman talaga 'yon?" dugtong ng pinsan kong si Jace.


"Sundalo siya dati, 'di ba pa?" sabat naman ni Jenjen.


"Oo, retired na," sagot ni tito sa anak niya.


"Na-warshock daw 'yon e, kaya nagka-gano'n." saad ni tita, "matagal na raw."


"Oh, iyon pala e, ibig sabihin may sakit siyang trauma?" matalinong sambit ni Jenjen. Mabuti pa ang isang 'to, malawak ang pagkakaintindi sa mga sakit na pangkaisipan.


"Gano'n rin 'yon, may tililing nga!" natatawang biro ni Jace.


"Shhh, kumain ka nang kumain!" saway ni tita sa kaniya.


"Anong tililing ka d'yan! Problema 'yon sa pag-iisip. Insulto naman 'yang term mo!" saad pa ni Jenjen sa nakatatanda niyang kapatid.


"Ma, masama ba 'yon? E, 'di ba baliw naman din ibig sabihin ng tililing?"

Nang mapatingin sa akin si Jace ay inirapan ko siya. Naiinis ako, ito kasi ang napapala nila sa pag-uusap ng mga tungkol sa pag-iinvalidate ng sakit, kaya nakukuha rin ng anak nila.


Hindi sumagot si tita, kaya ako na ang sumagot. "Ang salitang baliw o tililing ay ginagamit pang insulto sa taong may psychological concerns. Derogatory term siya. Ibig sabihin negative and disrespectful connotation siya. Sa madaling salita, insulto. Gets?" 

Natahimik silang lahat, kahit ang lola ko ay napatingin sa amin mula sa kusina. Buti pa ang mas bata, marunong umintindi. Ewan ko ba sa pamilya na ito, ang daming kuda sa buhay ng ibang tao.

"Tapos na po ako kumain," saad ko at tumayo na.

Kinuha ko rin ang plato ko at hinugasan iyon sa lababo. Kaniya-kaniyang hugas nalang kami ng pinagkainan.

Bawat PiyesaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora