Chapter 22

22 3 0
                                    

Alexa's POV

Araw ng graduation, ang aga ko nagising halos hindi na nga ata ako nakatulog. Hindi dahil sa excited ako, kun'di dahil kasama kong aakyat ng stage ang magulang ko. All of my life, I've been trying to be good just to please them.

After I get diagnosed with bipolar disorder, napansin kong mas nalapit ang loob nila sa akin. Suportado nila ako sa gamutan at atensyon na kailangan ko. Minsan, naiisip ko ito pa palang sakit na 'to ang magiging dahilan kung bakit mas naramdaman kong mahalaga ako. Hindi ko pala gusto mawala na lang nang tuluyan. Takot lang akong hindi makita, hindi mapakinggan, at hindi mahalin.

I have friends na hindi nawala sa tabi ko. I have Damian who witnessed my ups and downs, natatakot rin ako minsan na baka masira kami dahil sa kondisyon ko. Kapag nasa depressive mood kasi ako hindi ko maiwasan 'yong hindi magparamdam. I have this feeling na ayaw ko ng may kausap, nawawalan ako ng gana sa lahat ng bagay, kahit pa sa mga bagay na gustong-gusto kong ginagawa. I just lash out to him, like I'm venting in a wrong way. I hurt people I love the most.

"ALEXA! Let's go!" nabalik ako sa wisyo nang marinig ang tawag ng nanay ko mula sa kabilang kwarto.

Tinignan ko ang orasan, bago kinuha ang aking gamot at ininom ito. Guess, this will make me feel better. Siguro ito na rin ang kaibigan ko habang-buhay.

Napangiti tuloy ako, naalala ko kasi ang sinabi ni Damian noon nang sabihin kong mag u-undergo ako ng medication.

"It's okay if you buy your serotonin," nabasa ko na 'yon somewhere sa social media pero iba pala ang pakiramdam kapag narinig mo 'yon mismo sa taong nag-iingat at nagpapahalaga sa'yo.

Tumulo ang luha ko sa naalala, nakakainis. I'm crying a lot already, nagpatong na naman mga iniisip ko. Ang hirap rin ng ganito, masyado akong anxious sa maraminh bagay. Tulad ngayon, hindi ko maiwasan isipin na mukhang matagal na naman kami magkikita ng mga kaibigan ko. Hay!

I messaged Damian na papunta na ako sa venue. Magkakasama kami nila mommy pumunta doon, sakay ng kotse, si daddy ang magda-drive. Hindi pa kami nakakaalis nang maghabol ang bunso kong kapatid, nagmamakaawa na sumama pero wino-worry ko baka isa sa kanilang tatlo ang hindi makapasok dahil dalawa lang ang guest per graduate.

From: Damian
: Sino kasama mo? Ate ko lang kasama ko

Parents! :
Gusto nga sumama ni Aika :

: Isama niyo po, may isa pa akong ticket dito

Ang laki ng ngiti kong lumabas sa kwarto at tinawag si Aika para makapag-ayos na siya. Sandali lang naman ang tinagal no'n at nakapag byahe na rin kami papunta sa venue.

Sa pagbaba namin ng kotse, agad na sumalubong sa amin ang mga nagtitinda ng bouquet of roses and pictures outside the venue. Nagpapicture kami ng doon, kasama ang buong pamilya ko.

Agad rin akong nahanap ni Damian nang makarating siya, nagmotor pala sila ng ate niya papunta dito. Ipinakilala niya ako sa ate niya at gano'n rin siya, ipinakilala ko siya sa pamilya ko. Nahiya pa ako nang abutan niya ako ng dala niyang bungkos ng pulang mga rosas. Wari ko'y kakulay na ng mga rosas na ito ang pisingi ko sa ginawa niyang iyon. Parang sasabog ang puso ko any moment.

Hindi naman unalma o anupaman ang magulang ko tungkol sa aming dalawa. Masaya pa nga sila dahil may nakakaintindi raw sa ugali ko, ang offensive pero natawa ako doon. Tama naman kasi sila.

Bawat PiyesaWhere stories live. Discover now