Chapter 14

9 3 0
                                    

Umagang-umaga, narito ako sa tambayan namin ni Asiel sa school, nakikipag-suyuan sa kaniya. Daig pala talaga ng lalaki ang babae kung magtampo.


"Si, sorry please? Nakaligtaan ko. May pinuntahan lang rin ako, hindi na ako nakaabot. Sorry kung naghintay mama mo."


"Yeah at hinanap ka talaga niya," pang gu-guilt trip niya pero tumawa rin siya pagkasabi no'n.


"Sorry, bawi ako kay tita!" pangako ko.

Pangako na naulit nang naulit sa loob ng isang linggo pero hindi ko matupad-tupad. Sobra akong na gu-guilty kasi baka iniisip niyang dina-dump ko siya. Sa tuwing nakakapag-commit na ako ng lakad kasama si Asiel, palagi rin nag-aaya si Kyden. Hindi ko siya matanggihan kasi iyon nalang rin 'yung pagkakataon na alam kong bumabawi si Kyden sa akin.


Saturday class, maaga akong pumasok ng school. Naabutan ko doon sa classroom si Asiel na mag-isa, nakayuko sa kaniyang desk, mukhang natutulog siya. Lumapit ako do'n at naupo sa seat ko, katabi ng kaniya.

"Asiel, galit ka ba?" I asked, kahit hindi sigurado kung gising siya o tulog. Nagulat ako nang bigla niyang i-angat ang ulo niya at lumingon sa akin bago nag-inat. May airpods pala siya sa tainga!


"Aga mo ah," unang nasabi niya. Kaswal at tila walang hinaing na itinatago sa akin.


"Mas maaga ka, himala?" ani ko. Hindi na siya umimik. Tinanggal niya lang ang isang earbud sa tainga niya at nanatiling hawak niya iyon.


"Anong pinapakinggan mo?" tanong ko.


Tumingin lang siya sa akin bago inabot ang isang piece ng earbud, nilagay ko naman 'yon sa kanang tainga ko, 'yong kaniya ay nasa kaliwa.


Binubulong ang dalanging huwag sana
maglaho sa hangin
Ang bawat piyesa na bumubuo sa 'yo
bawat piyesang nawa'y mapasakin habang-buhay...


Ito ang unang beses na napakinggan ko ang kantang ito. Hindi pa tapos ang kanta, nasa dalawang verse palang ang kanta na pinakinig niya sa akin.


"Ganda ba?"


Tumango ako, "Anong title niyan?"


"Wala pang title, kanta 'yan na sinusulat namin ng kaibigan ko," saad niya. Nagilid ako ng upo, paharap sa kaniya at pinakitaan siya ng mukhang hindi makapaniwala.


"Hindi ko alam na kumakanta ka pala! Hindi mo naman sinasabi."


"Hindi ka naman nagtatanong," he said and laughed.


"So, kumakanta ka nga?"


Umiling siya, "Hindi. Nagsusulat lang ng kanta."


"Nakakaloko kamo 'tong tao na 'to!" reklamo ko at inismiran siya.


Nag-asaran na naman kami at natigil lang 'yon nang dumating si Alexa, lumapit siya sa akin at bumulong, "Hinahanap ka ni Kyden sa labas."


Lumingon ako sa labas ng classroom, kung saan naroon si Kyden, naghihintay sa akin. Nagpaalam ako sa kanilang dalawa na lalabas saglit. Binalik ko na 'yong isang earbuds na pinahiram ni Asi kani-kanina lang.


"Balik ako, may kakausapin lang," ani ko bago tumayo at iniwan ang jacket sa desk ko.


Paglabas ko, naroon si Kyden kasama si Damian, Chester, at Elle pero may kausap si Elle na ka-blockmate nila kaya malayo siya ng kaunti sa amin.


Bawat PiyesaWhere stories live. Discover now