CHAPTER TWO

3.7K 85 3
                                    

"SINONG Mikael Salvatierra?" tanong niya sa
kasintahan nang sunduin siya nito kinabukasan sa trabaho niya.

"Pinsan ko, hon," sagot ni Rico sa pagtatakang
nasa mga mata ng kasintahan. "Darating siya mamayang gabi sa bahay galing ng Batangas kaya doon ka na rin mag-dinner para makilalamo siya. Hindi ko ba nasabi sa iyong tumawag siya noong isang araw?

Umiling ang dalaga. Nagtataka sa excitement na nasa mukha ni Rico.

"Pero siguro'y natatandaan mong minsan ay
nabanggit ko sa iyo ang tungkol sa kaisa-isang
kamag-anak namin ng Mama?" Tumango ang dalaga kahit na wala siyang natatandaang may nasabi sa kanya si Rico.

"Si Mitch iyon, Nicky. Bibihira siyang dumalaw
rito. Noong panahong dito pa sila nakatira'y parati kaming magkasama bagaman matanda siya sa akin ng anim na taon," wika ng binata. Nasa mga mata ang kakaibang katuwaan sa nakatatandang pinsan who must be thirty two since Rico's twenty six.

"Guwapo at mayaman. Pero mas magandang lalaki ako," sinabayan nito iyon ng malakas na tawa. Nangiti na rin si Nicky. "His mother was my mother's second cousin so that makes us third cousins actually. Ang Papa ni Mitch, si Tiyo Enrique ay dating nagdadala ng mga prutas sa Divisoria. Doon niya nakilala si Tiya Isabel na siyang tumatao sa tindahan ng Mama sa Divisoria. My mother used to have a stall there. Mga processed meatang tinda. To make the story short, nagkapangasawahan sila."

"Nang ipagbili ng Mama ang meat shop, napag-pasiyahan ng mag-asawang sila na ang bumili ng rights at ipinagpatuloy ang pagtitinda. Napagpasiyahang dito sa Angeles manirahan dahil mas malapit ang biyahe ditong di hamak kaysa patungo sa bayan ni Tiyo Enrique sa Batangas which is more than four hours drive kung walang traffic."

Nagpatianod sa usapan si Nicky. "Kaya ko nang hulaan kung ano ang negosyo ng pinsan mong ito sa Batangas: A chain of meat products shop at nagsu-supply sa mga groceries and supermarts sa nearby provinces"

"I knew you'd say that," nakangiting sabi nito.
"Pero mali ka. Hindi naman nadagdagan ang meat stall ng father ni Mitch. He didn't have that much capital at isa pa'y nasawi ito kasama ang asawa sa isang aksidente. Though related pirin sameat products ang negosyo ni Mitch, sa ibang paraan naman. He owned a ranch in Naranghita, isa sa mga baryo sa Batangas."

Umangat ang kilay ng dalaga. "Ränch? The father must have owned a vast of land?"

Matabang na tawa ang pinakawalan ng binata. His parents death made him a rich man. Sa isa sa mga pag-uwi ng mag-anak rito ay nabangga ng isang delivery truck na nawalan ng preno mula sa kabilang lane ang owner-jeep na sinasakyan ng mag-anak. Dead on the spot ang mga magulang ni Mitch samantalang siya'y himalang nabuhay. He was nineteen when it happened."

Bahagyang napahugot ng paghinga si Nicky.
"He--he could have been raumatized," she knew the feeling. She was very young nang ang buhay ng ina'y bawiin rin ng isang reckless driver. Ang kaibahan nga lang niya sa pinsang ito ni Rico ay nariyan pa ang daddy niya. While Mitch lost both parents sa isang trahedyang kasama rin ito. "What happened next?" Tuluyang napukaw ang interest niya.

"Who would have thought that Tiyo Enrique
insured everything" patuloy ni Rico sa matabang  na tinig. "At sa hindi birong halaga, ha? At siyempre, si Mitch ang sole beneficiary. Mitch stayed for a couple of years here bago ipinagbili ang property nila rito at nagpirmi ng Maynila. In ten years' time he tripled his money. Paminsan-minsan ay dumadalaw siya. He was here last year."

"ANO NA naman ang dahilan at naisipan ng
milyonaryo mong pinsang dalawin tayo," si Mrs. Ratilla na ang pagkabanggit sa salitang milyonaryo ay patuya.

"May negosasyon siya sa may-ari ng meat factory dito sa Pampanga, Mama. At tuloy inimbita ko na siya rito."

Nagdikit ang mga kilay ng matandang babae. "At bakit mo naman kailangang imbitahin siya rito? Upang lalo lamang makita ang pagkakaiba ng buhay natin at ng buhay niya?"

My Love, My Hero: Mitch 1-2 (1999)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon