CHAPTER SEVEN

2.9K 78 4
                                    

NICKY collapsed slowly to the floor. Her heart
racing and her body trembling. Kung gaano siya katagal doon ay hindi niya alam.

Then she started to rise slowly at humakbang
patungo sa silid niya. Hindi na pinagkaabalahang hubarin ang damit at ibinagsak ang katawan sa kama.

Higit kailanman ay ngayon niya natitiyak ang sarili. Bagaman hindi niya naiintindihan si Mitch sa mga ikinilos nito. He kissed her like a mad man at kasabay niyon ay tila kinasusuklaman nito ang sarili dahil sa ginawang iyon. At kung sakaling tuluyan siyang inangkin nito'y natitiyak niyang hindi siya tatanggi.

She was filled with shame.

Buong panlulumong napaiyak si Nicky. Anong
bukas ang naghihintay sa kanila ni Rico kung pahihintulutan niyang makasal silang dalawa?

It was Mitch that she wanted. At dadayain niya si Rico kung pakakasal siya rito.

Dadayain din niya ang sarili niya.

MASAKIT ang ulo nang magising ang dalaga
kinabukasan pero gumayak pa rin patungo sa trabaho niya. Nagsuot siya ng long-sleeved blouse upang matakpan ang mga gasgas niya sa braso. Walang problema sa mga binti niya dahil sa suot na black stockings. Sinikap niyang isubsob ang ulo sa trabaho upang makalimutan ang nangyari ng nagdaang gabi.

Bandang hapon ay dumating si Rico upang sunduin siya. "Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin kagabi na uuwi na?" sita nito sa nagtatampong tinig.

"Anong oras mo nalamang wala na ako sa party?" pormal niyang sagot habang isa-isang inililigpit ang mga gamit sa ibabaw ng desk.

Nagkamot ng ulo ang binata at ngumisi.
"Well....about eleven-"

"Iyong totoo, Rico."

"All right, I'm sorry kung iniwan kitang mag-isa
but I'm glad Mitch took you home. Sabi ng Mama ay lasing ka raw, totoo ba iyon?"

Naningkit ang mga matang nilingon niya ito. "Nahilo ako sa ininom ko kagabi. Ano ba naman ang malay kong alak pala naman iyong inilagay mo sa mesa."

"Hindi ko rin alam," sinserong wika nito. "Anyway, hindi ko naman pinansin ang sinabi ng Mama na halos nakayakap ka na kay Mitch. Alam kong hindi siya pabor sa pinsan ko at-"

"At sa akin din?"

Umiwas ng tingin si Rico at sinikap na ibahin ang usapan. At nahuhulaan na ng dalaga na more or less ay may sinabing hindi mabuti sa kanya si Mrs. Ratilla.

"Let's have early dinner kung saan mo gusto,"
anyaya ng binata.

Minabuti na rin ng dalagang sumang-ayon upang kausapin ang binata sa nabuong desisyon. Subalit ilang sandali na sila sa restaurant ay wala pa ring masabi si Nicky. Paano ba sinasabi ang ganoon? Paano ba basta na lang nakikipag-break nang walang nasasaktang damdamin?

"Kanina mo pa ako tinititigan, hon," nakangiting
sabi ni Rico, patapos na itong kumain. "At bakit hindi yata nababawasan ang pagkain mo? May problema ba?"

"I can't marry you, Rico," diretsang sabi niya. Ano pa ba ang maaaring sabihin?

"What?"

"I can't marry you," she repeated in a calm voice bagaman malayo iyon sa nararamdaman.

May ilang sandaling nakatitig lang si Rico sa kanya. Hindi makapaniwalang sinabi niya iyon.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Nicky," wika
nito makalipas ang ilang saglit. "Bakit kailangang pansinin mo ang mga sinasabi ng Mama. All right, medyo nainis ako nang sabihin niya kagabing kulang na lang ay hagkan mo si Mitch sa pagkakakapit mo dito pero kilala ko ang Mama, Nicky. Alam kong hindi siya pabor sa balak nating maagang pagpapakasal kaya natitiyak kong eksaherado ang sinabi niya."

My Love, My Hero: Mitch 1-2 (1999)Where stories live. Discover now