CHAPTER FIVE

3.1K 73 4
                                    

"ALA-UNA pasado na, Nicky. Bakit hindi ka pa
kumain?" si Nana Senyang na nilapitan siya sa
pagkakatayo sa tabi ng bintana.

"Hihintayin ko. na ho si Mitch, Nana Senyang."

"Baka maraming trabaho sa koral kaya naantala," wika ng matanda bago tumalikod.

Isang buntung-hininga ang pinakawalan niya at tinanaw ang daan nang matanaw ang pagdating ng Jeep ni Cynthia. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makapasok ng bahay. Nalingunan siya nito nang papasok na sa library...

"Kung hinihintay mo si Mitch ay mapapanis ka
riyan," nakangiting wika nito. "Pag-uwi ko kanina'y dumating siya sa bahay. Doon na rin siya nananghalian. His marriage with you didn't change a thing, Nicky. Tulad din noong panahon ni Rowena. Dati na niyang ginagawa ang mananghalian sa bahay."

"Ang akala ko ba'y sa bayan ka nakatira."

"Bayan na ang boundary ng rancho. At mas
kumbenyente iyon para kay Mitch."

Kumbenyente para saan? Naguguluhang sinundan niya ito ng tanaw pagpasok sa library.

NAIAYOS na niyang lahat ang mga gamit at pababa na siya nang marinig ang paghinto ng sasakyan sa tapat. Nang silipin niya ito'y ang Range Rover. Mabilis siyang lumabas ng silid at pumanaog. Nasa kabahayan na si Mitch nang makababa siya.

"Hi," wika nito nang makita siya. "Kumusta ang
maghapon mo rito?" banayad nitong tanong kasabay ng pagsasalubong ng mga kilay sa anyo niya.

"Mabuti," malamig niyang sagot. Hindi napawi
ng maghapon ang galit niya rito na malamang
magkasama ito at si Cynthia na nananghalian.
"Ipinakita sa akin ng Nana Senyang ang buong bahay at ang solar sa likod."

Umangat ng husto ang mga kilay ni Mitch, nasa mga mata ang pagkamangha. "I'll be damned! Ito ang ikaapat na araw mo rito at nakasundo mo si Nana Senyang?"

"Hindi ako nagpilit. Magkasama kaming nag-
almusal and everything went just fine."

Doon sumungaw si Nana Senyang. "Ihahanda
ko na ba ang hapunan?" pormal nitong tanong. Ang mga kilay ay nagsasalubong sa pagkakatingin kay Mitch.

"Susunod na ako. Magpapalit lang ako ng damit." Pumanhik na ito at naiwang nakasunod ng tingin si Nicky.

Makalipas ang sampung minuto'y tahimik na silang kumakain. Tahimik niyang pinagmamasdan ang asawa. Bagong paligo, naka-boxer shorts at nakabakat ang matipunong dibdib sa manipis na puting kamesa de chino. He looked so wonderful that it made her think of the night they'first made love.

Subalit sumisingit sa isip ang galit na kasama nitong nananghalian si Cynthia sa unang araw matapos ang kasal nila. At gumaganang mabilis ang imahinasyon niya sa kung ano ang ginawa ng mga ito sa bahay ng babae.

Pagkatapos kumain ay nagpahatid ng kape si
Mitch sa library. Inakbayan nito ang asawa. "Gusto mo bang makita ang ginagawa ni Cynthia? Being a genius in figures, I'm sure you'll be shocked by her system."

"Ganoon naman pala, ano ang ginagawa niya rito?" angil niya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Mitch na niyuko siya. "I got used to it. Naiintindihan ko naman. But if you want to-"

"No," mabilis niyang agap. "If you think I'll fix her job for you, then you're wrong."

Bumitaw sa pagkakaakbay si Mitch. Umikot sa
likod ng desk study at naupo sa swivel chair. Itinaas ang dalawang binti sa mesa at hinagod siya ng tingin.

Isang simpleng soft maong ang suot niya. Sleeveless at ang haba'y umabot sa kalahati ng binti. Humapit sa katawan niya ang malambot na tela. She was angry and yet the way his eyes surveyed her body made her warm inside.

My Love, My Hero: Mitch 1-2 (1999)Where stories live. Discover now