CHAPTER FOUR

3.1K 79 0
                                    

NAKITA niya ang sandaling pagkislap sa mga mata ni Mitch nang makita siya. She was sure it was admiration pero iglap lang iyon at muli ring nawala. Ganoon pa man, Mitch was both attentive and sweet. A picture of a loving groom.

Ikinasal sila sa loob ng study nito. Ang tumayong witness ay ang ama at ang madrasta.

Pagkatapos ng kaunting kainan at kuwentuhan ay nagpaalam na ang daddy niya at si Pattie. Binigyan siya ni Mitch ng tsansang makausap ng sarilinan ang ama nang ihatid nito sa pinto ang nagkasal sa kanila na nagpaalam na rin. Si Pattie ay nauna na sa sasakyan.

"Gusto ko ang asawa mo, Nicky. Ngayo'y mapapanatag na ako na walang anumang mangyayari sa iyo. Mitch will take care of you," wika ni Orlando sa anak.

"He doesn't love me, Dad..." malungkot niyang
sabi at mahigpit na yumakap sa ama. "I wish I could tell you how he ended up marrying me."

Isang ngiti ang pinakawalan ng matandang lalaki at tinapik sa pisngi ang anak. "Mitch invited us to visit both of you sometime in the future. At saka mo ikuwento sa akin ang lahat. I don't know why you said he doesn't love you. I saw differently," she tried to protest pero pinigil siya ng ama. "You love him. I can see it in your eyes. And he loves you too, darling...'

Hindi na kinontra ni Nicky ang ama. Kung sa
ganoong paniwala'y mapaliligaya niya ito'y bakit niya sasalungatin. She kissed her father goodbye.

Pinigil ang nagbabadyang mga luha nang umalis na ang mag-asawa. Now she's on her own. Sa isang estrangherong lugar kasama ang isang estrangherong asawa.

"Hey," ani Mitch na hinapit siya sa beywang. "Sa Maynila lang uuwi ang daddy mo, hindi sa ibang bansa. There's no need to be misty eyed."

Wala siyang tsansang sumagot dahil kasabay ng pagliko ng sasakyan ng Daddy niya'y siya namang pagpasok ng isang Owner-Jeep. Mula roon ay umibis ang isang magandang babae. In a very tight black jeans and black sportshirt tucked inside her jeans.

"Am I late?" nakangiting tanong nito kay Mitch
habang lumalapit. Pagkatapos ay ikinawit ang kamay sa leeg ng lalaki at hinagkan ito ng mariin sa labi. "Bagaman nagtatampo ako'y binabati pa rin kita. Congratulations..."

Pinakawalan ni Mitch ang sarili at nilinga si Nicky. "Cynthia, this is my wife, Nicky. Nicky, this is Cynthia Delgado, my part time accountant-cum-secretary. Sa bayan siya nakatira."

Totoong nakangiti ito nang lingunin siya pero hindi iyon umabot sa mga mata. "So this is the young bride. Best wishes." Kinamayan siya nito sandali.

"Thank you."

"Gusto kong magtampo sa iyo, Mitch," malambing na sabi nito. Nagpatiunang pumasok sa kabahayan at nagtuloy sa bar at sinalinan ang sarili ng alak. "Hindi mo inabiso ang pag-uwi mo. At kararating ko lang galing Anilao kahapon. Kung hindi pa sa isang tauhan mong nakasalubong ko'y hindi ko malalamang
nakabalik ka na. But what really shocked me most ay ang nagpakasal ka na uli. And I almost didn't make it today."

"This was supposed to be a family affair, Cynthia."

"I am almost a family, Mitch, kung hindi man
matagal mo nang empleyado," tila may himig ng bahagyang galit ang tinig nito na agad ding sinundan ng ngiti. Pagkatapos ay agad nitong nilingon si Nicky. "Sa palagay mo ba'y kaya mong hawakan ang napangasawa mo, Nicky?" nakatawang tanong nito.

"Being Mitch's wife isn't easy. Kung ang pagbabatayan ko'y ang failure ng first marriage niya."

Agad ang pagtingala ni Nicky sa asawa. Iyon ang kauna-unahang pagbanggit tungkol sa pagkakaroon nito ng unang asawa sa mismong harap niya. Hindi niya matiyak kung ano ang inaasahan niyang magiging ekspresyon ni Mitch. Something like guilt perhaps, dahil wala itong sinasabi sa kanya.

My Love, My Hero: Mitch 1-2 (1999)Kde žijí příběhy. Začni objevovat