CHAPTER EIGHT

2.9K 72 0
                                    

HINDI alam ng dalaga kung bakit subalit sinunod niya ang payo ni Mitch na umuwi ng maaga. Tinanggihan niyang mag-overtime at sumabay sa ibang empleyado pag-uwi nang bandang alas-singko.

Tulad ng dati'y naparaan siya sa kanto kung saan may maliit na basketball court. May mga kalalakihang naglalaro na nang makilala ang kotse niya'y ni hindi umaalis sa daan.

Iyon ang mga barkada ni Rico. Halos umuusad
siya makaraan lamang kasabay ng marahang busina. Ilan sa mga ito'y pinupukpok ang hood at salamin niya. May isa pang inikot nang inikot ang side mirror niya. At ang isa pa'y natitiyak niyang ginuhitan ang pintura ng kotse.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Umahon ang takot sa dibdib. Gustuhin man niyang patakbuhin nang matulin ay hindi maaari dahil naroroon at nakaharang ang mga ito.

Binalak niyang buksan ang windshield upang
paalisin ang mga ito subalit nagbago ang isip niya. Hindi siya nakatitiyak sa maaaring gawin ng mga lalaking iyon. Tinanaw niya ang tindahan sa kabilang kalye na halos katapat lang nito. Subalit tila walang pakialam ang naroroon kung may tao man. Isa pa'y sa kabilang kalye nakaharap ang groserya.

Gusto na niyang maiyak nang may isang bumusina sa likod. Isang kotse na dadaan din at napilitang mahawi ang mga ito. She sighed her relief. Mabilis na pinatakbo ang sasakyan paliko sa kalye nila.

Mabilis siyang bumaba at sa nanginginig na mga kamay ay binuksan ang gate at muling bumalik sa kotse upang ipasok sa gate. Pagkatapos ay nagmamadaling pumasok ng bahay. Isinusi ito. Isinara niyang lahat ang mga bintana.

Ano ang nangyayari? Ito ba ang ibig sabihin ni
Mitch kagabi? Inutusan ba ni Rico ang mga barkada upang puwerhisyuhin siya? Mabilis din siyang umiling. Hindi magagawa ni Rico iyon?

Lumung-lumo siyang napaupo sa sofa. Pero bakit ngayon din lang nangyari ito sa loob ng kulang isang taong pananatili niya sa lugar na iyon?

Gumuhit sa isip ang mukha ng mga lalaking iyon. Some pointed dirty fingers at her. Ang iba'y kabastusan ibinubuka ng mga bibig. At ang vandalismo na ginawa sa kotse niya.

She shivered at the thought.

Oh, Dad! pahikbi niyang sabi.

NAPABALIKWAS ng bangon si Nicky nang marinig ang pagbagsak ng nabasag na salamin. Tiningnan niya ang relo sa night table. Alas-dies ng gabi. Kinakabahang bumangon ang dalaga upang alamin kung ano ang nabasag na iyon nang isa na namang salamin ang bumagsak. Sa mismong silid niya!

May bumabato sa bintana niya. Tinamaan ang
salamin at nabasag. "Oh, god!"

Nanginginig ang mga kamay na dinampot niya ang telepono at naupo sa paanan ng kama at dumayal. Matapos ang apat na ring ay may sumagot. Si Mrs. Ratilla.

"M-Mrs. Ratilla...g-good evening ho. N-nandiyan ho ba si Rico?"

"Wala ang anak ko rito! At hindi ko alam kung
bakit kailangang tawagan mo siya matapos mong tumalikod sa plano ninyong pakasal!" pagkasabi niyo'y ibinagsak nito ang telepono. Napaigtad si Nicky sa naging epekto niyon sa tenga niya.

Muli na namang may bumato sa bahay nila. Sa
pagkakataong iyon ay sa bubong. Hindi na siya umalis sa kinauupuan sa sahig sa takot.

Sino ang tatawagan niya? Pulis. May darating na pulis subalit walang makikitang taong aakusahan. Aalis at muli na namang may mambabato!

Ikinulong niya ang mukha sa mga palad. Ano ang nangyayaring ito? Sino at bakit binabato ang bahay niya? Nasa ganoon siyang ayos nang makarinig ng sunud-sunod na katok sa labas. Mabilis siyang tumayo at lumabas ng silid.

"S-sino iyan?"

"Buksan mo ang pinto, Nicky, si Mitch ito."

Tinakbo ng dalaga ang pinto at mabilis na binuksan ang binata kasabay ng pagkapa sa switch ng ilaw sa may tagiliran ng pinto. Nagsalubong ang mga kilay nito sa takot na nasa mukha niya.

My Love, My Hero: Mitch 1-2 (1999)Where stories live. Discover now