CHAPTER TEN

4.2K 87 3
                                    

"A-ANO ang inutos mo sa kaibigan mo?" si Nicky na hindi mapigil ang kuryusidad sa tinig. Kasabay niyon ay ang matinding panlulumo at shock sa ginawang kataksilan ni Rico sa pinsan. Gayundin si Rowena.

Patuyang ngumiti si Mitch. "Pinasok niya ang condo ko kinabukasan ng umaga at naglagay ng videocam sa silid ko."

"Oh!" bulalas niya. "And what happened next?"

"Sinabi ko sa kanyang magpa-file ako ng annulment."

"HINDI mo magagawa iyan!" pahisteryang sigaw ni Rowena. "Tatanggalin ko ang batang ito, Mitch," banta nito. "Wala kang katibayang hindi mo ito, anak."

Sandaling hindi kumibo si Mitch. Totoo ang sinabi nito. Paano kung anak niya ang bata Maaatim ba niyang ipalaglag ni Rowena iyon? At kahit na ba hindi siya ang ama ng dinadala nito, kaya rin ba niyang dalhin sa konsensiya ang gagawin ni Rowena kung sakali?

"Tuso ka, Rowena, naniningkit ang mga matang wika niya. "Pero huwag kang mag-alala, matagal ang proseso ng annulment. Karaniwa'y inaabot ng taon. Maipapanganak mo na ang bata at malalaman ko kung anak ko nga. Pansamantala'y umalis ka sa bahay na ito at bumalik sa trabaho mo. Wala kang makukuha sa akin kahit na isang sentimo!" malupit niyang sabi.

"No. You can't do this! Hindi ako basta makababalik sa trabaho ko? Ano ang sasabihin ko sa kanila?"

"That is your own problem. Inisip mo sana ang
konsekuwensiya bago mo ginawa ang kataksilan ninyo ni Rico."

"Your cousin seduced me," katwiran nito. "Sinamantala niya ang boredom ko rito sa bahay."

"Nang magpakasal tayo'y pareho tayong walang pagtingin sa isa't isa, Rowena. Pareho nating alam iyan. Pero inisip ko na dahil pareho na tayong nasa hustong gulang, parehong edukado at maganda ang pananaw sa buhay ay magiging matagumpay ang pagsasama natin and soon love will grow. But I made a mistake."

"Because I hated it here!" sigaw nito. "Kasalanan mo dahil mas gusto mong dito manirahan sa walang kakuwenta-kuwentang lugar na ito!"

Umiiling na lumabas ng silid si Mitch.

"H-how did she die?" si Nicky nang hindi na
nagkukuwento si Mitch. Nakatanaw ito sa labas ng bintana ng ospital.

"She went to a quack doctor and had an abortion to spite me. She hemmoraged..."

Napapikit si Nicky. Hindi niya kayang isipin ang
ginawa at sinapit ni Rowena.

"Believe me, Nicky, hindi ko gusto ang ginawa ni Rowena. Maraming gabi kong inisip kung sa akin ang buhay na nasa sinapupunan niya..."

"Hindi mo kasalanan ang nangyari, Mitch. She
brought it upon herself."

"Yeah," tumango ang lalaki.

"At si Cynthia, wala siyang alam sa totoong
nangyari. Puro kasinungalingan ang sinasabi sa kanya ni Rowena upang pagtakpan ang sarili..." hindi pa rin lumilingon si Mitch at nanatiling nakatanaw sa bintana.

"S-sa silid ba natin-"

Doon lumingon si Mitch. "No. Ipinadagdag ko ang dalawang magkarugtong na silid na iyon na nakaharap sa mga bundok nang sabihin ni Rowena na nagdadalang-tao siya. The adjacent room was intended as nursery. Hindi nagkaroon ng pagkakataong magamit ang mga silid na iyon."

"Ikinalulungkot ko ang nangyari sa...sa inyo..."

"Matagal na iyon," he snapped. "Hindi ko pinanghinayangan ang pagsasamang sa simula pa lang ay mali na. And again I made the same mistake..."

Bigla'y tila may patalim na itinusok sa dibdib ni
Nicky. Gusto niyang mag-panic. "A-ano ang ibig mong sabihin?"

"Bakit hindi mo sinabi sa aking nagdadalang-tao ka?" he rasped angrily.

My Love, My Hero: Mitch 1-2 (1999)Where stories live. Discover now