CHAPTER SIX

3K 86 6
                                    

MARAMING tao sa party. Namumukhaan niya ang iba. Mga tagaroon din ang mga kabataang nakikita niyang nagsisipagsayaw. Naroon din ang ilang malalapit na kapitbahay ni Mrs. Miguel at sa iisang mesa nakaupo kasama si Agnes Ratilla.

Natanawan siya ni Rico. Kausap ng isang babaing naka-mini skirt ng makintab at kulay tsokolateng palda at blusa. Naka-high-heeled boots. At maganda. Hinawakan ni Rico ang kausap sa braso na sa tantiya niya'y ang Yvette at inakay pasalubong sa kanila.

"Hon," agad na inilingkis ni Rico ang braso sa
beywang ng dalaga. Tiningala ang pinsan. "Salamat, insan, sa pagsundo mo sa hihipagin mo."

"Mitch," si Yvette sa binata. Kumikislap ang mga matang hinagod ito ng tingin. "This is really a surprised!"

"Hello, Yvette. You haven't changed. Lalo kang
gumanda sa ibang bansa."

"You bet," si Rico. "Humiyang sa Australia ang
kababata natin, 'insan."

"I'm so glad to see you here, Mitch," malambing
na wika ng babae. Ikinapit ang braso sa braso nito. "Mabuti at natutuhan mo ang daan pabalik dito sa atin."

He chuckled. "Look who's talking." Nilinga nito
si Nicky, na nanatiling nakamasid at nakalimutan ng sariling nobyo. "Siyanga pala, I'd like you to meet Nicky. Rico's fiancée," binigyan nito ng emphasis ang huling salita sa pagtataka ni Nicky.

"So this is the lucky lady," si Yvette na tila noon
lang napuna si Nicky. "I've heard a lot about you, Nicky..."

"Hi," nakangiti niyang bati. "At ikaw ang kukunin naming bridesmaid, Yvette..."

"Magtatampo ako kung hindi," sagot nito subalit ang atensiyon ay na kay Mitch na uli. "Dance with me." Hinila na nito ang lalaki sa gitna ng dancing floor.

Naiwan ang magnobyo. Si Nicky ay sinundan ng tanaw ang dalawa. May kung anong kakaibang damdaming sumisingit sa dibdib pagkakita sa dalawang halos magkayakap na sa dancing floor.

"How old is she?" curious niyang tanong.

"We are of the same age," sagot ni Rico na sinundan ng tanaw ang dalawa. "Dating kasintahan ni Mitch si Yvette noong narito pa si Mitch. At kahit nang lumuwas ng Maynila ang pinsan ko'y umuuwi rito tuwing weekend upang dalawin si Yvette."

May mga pinong kurot siyang nararamdaman sa dibdib sa bagong kaalamang iyon. Dating magkasintahan ang dalawa. "W-what happened to the relationship?" wala sa loob niyang tanong.

Nagkibit ng mga balikat si Rico. "Mitch got so
busy with his new business. Napabayaan si Yvette, so she decided to accept her father's offer na mag-aral sanAustralia. Doon nakabase ang Papa niya. A couple of years later, Mitch got married."

"May asawa na si Mitch?!" bulalas ng dalaga.
Something inside her seemed to crumble.

"Haven't I told you about it?" Lingon ng nobyo sa kanya. Wala sa loob siyang umiling. Parang gusto niyang umiyak sa sandaling iyon. At hindi niya naiintindihan kung saan galing ang mga ganoong damdamin. "Siguro nga'y hindi ko nasabi sa iyo. Pero hindi nagtagal ang pagsasama ni Mitch at ng asawa niya. He filed an annulment six months after the marriage," nagkibit ng mga balikat si Rico. "Hindi ko alam kung bakit..."

"W-what happened to the... wife?"

"She died. Hindi ko alam ang istorya. Mitch never talked about his wife. Anyway, bakit ba sila ang pinag-uusapan natin?" Hinapit siya ng binata at niyaya na ring magsayaw.

Habang nagsasayaw sila'y hindi niya maiwasang hindi sulyapan ang dalawang parehas. Nakangiti si Mitch habang nakatunghay kay Yvette. They were talking intimately. Kulang na lang ay tumingkayad si Yvette at hagkan ang lalaki. Kaya naman nagulat siya nang mag-angat ng mga mata si Mitch at salubungin ang tingin niya, na tila ba aware ito kung nasaan sila nakatayo ni Rico at at alam na tinititigan niya.

My Love, My Hero: Mitch 1-2 (1999)Where stories live. Discover now