CHAPTER NINE

3.4K 70 10
                                    

HINDI niya mahihintay ang pag-uwi ni Mitch.
Naliligalig siya. She wanted to talk to him once and for all. Pipilitin niyang malaman mula rito ang buong katotohanan.

Ipinalabas niya ang kabayo sa kuwadra kay
Caloy.

"Bakit hindi ka magpamaneho kay Caloy patungo sa kamalig, Nicky?" si Nana Senyang.

"Ayokong gamitin ang Range Rover," she shivered a little nang lingunin sa garahe ang Range Rover na ang crack sa salamin sa may pinto ay naroon pa rin. Sa Maynila pa iyon dadalhin kaya hindi agad napalitan. "Sariwa pa sa isip ko ang muntik ko nang pagkapahamak, Nana Senyang. Wala pang isang linggo mula nang mangyari iyon."

"Magpasama ka kay Caloy," giit ng matandang
babae.

"Hindi na ho," nginitian niya ang matanda. Lightning doesn't strike twice on the same spot, ang isip niya. "At wala akong dalang pera at maaliwalas ang panahon." Hindi pa siya sanay patakbuhin ang kabayo ng matulin kaya makapag-iisip siya nang mabuti para sa gagawing pakikipag-show down sa asawa.

MAY ISANG kilometro na siya mula sa bahay. At kanina pa may pakiramdam siyang tila may lihim na sumusunod sa kanya. At kung lilingon naman siya'y wala siyang nakikita. Ni walang maririnig kundi ang mga yabag ng sariling kabayo at ang huni ng mga ibon at pang-araw na mga insekto.

Binagalan niya ang pagpapatakbo sa kabayo at nakiramdam na mabuti. Natitiyak niyang may sumusunod sa kanya sa madilim na bahagi ng gubat sa kanan. Umaabot sa tenga niya ang mga naapakang tuyong sanga.

Unti-unti nang bumabangon ang kaba niya. Hindi marahil siya mahusay na mangangabayo but she could handle this horse in one way or another. At mapapatakbo niya ito ng mabilis at bahala na.

Kasabay ng pagbaling niya sa renda ng kabayo pabalik sa pinanggalingan ay umalingawngaw ang isang putok ng baril. Humalinghing ang kabayo na natakot at bumilis ang takbo.

Sa gulat ay napadapa si Nicky at napakapit nang mahigpit sa leeg ng kabayo kasabay ng pagtili. Muntik na siyang mahulog subalit hindi siya bumitaw at habang mabilis na tumatakbo ang kabayo'y sinikap niyang iayos ang sarili sa ibabaw ng hayop. Kung masisiraan siya ng loob ay mapapahamak siya.

Gusto niyang umiyak sa takot. Takot para sa kanila ng nasa tiyan niya. Paano kung parehong may mangyari sa kanila ng anak niya?

"Ho! Ho!" pagpapahinto niya sa kabayo. Unsure
if there was really a sound that came out from her throat. She closed her eyes in terror. Kung kailan hihinto sa pagtakbo ang kabayo at kung saan siya dadalhin ay hindi niya alam.

May pakiramdam siyang nahihilo siya at tila
kumikirot ang kaliwang balikat niya. She opened her eyes only to be terrified even more. Umaagos ang dugo sa manggas ng puting polo niya.

May sugat siya!

Tinamaan siya ng kung sino man ang bumaril na iyon sa kanya. At kung sino man iyon ay tangka siyang patayin!

Agad ang reyalisasyon sa nanlalabong isip. Hindi siya tangkang harangin noong una nang dahil sa pera. Gusto siyang patayin ng humarang sa kanya!

"Mrs. Salvatierra!"

Sa nahihilo niyang kaisipan ay narinig niya ang
tumatawag na iyon na lalo lamang nagpadagdag sa takot niya. Naririnig niya rin ang mga yabag ng mga kabayong humahabol at papalapit.

"Nicky!"

She was losing consciousness slowly. Sa sama-
samang takot at sa sugat na hindi niya matiyak kung saan siya tinamaan. Pero malinaw ang tinig na iyon ni Mitch.

Humigpit ang hawak niya sa leeg ng kabayo kahit na alam niyang unti-unti na siyang pinapanawan ng lakas.

"Nicky, please hold on!" sigaw ni Mitch. Ilang
metro pa ang layo mula sa kanya kasunod ang dalawang mga lalaking nakakabayo rin. "Nicky, please, don't fall!" Mitch shouted in terrified voice. At sa kauna-unahang pagkakataon ay hinapit ng latigo ang kabayong sinasakyan upang makahabol bago mahulog at mapahamak ang asawa.

My Love, My Hero: Mitch 1-2 (1999)Where stories live. Discover now