CHAPTER FIVE

2.9K 82 1
                                    

"PARTY?" Inipit niya sa tenga at balikat ang telepono at patuloy sa auditing na ginagawa.

"Bukas ng gabi iyon," si Rico sa kabilang linya.
"Umuwi si Yvette kaninang madaling araw at may party sa kanila bukas ng gabi. It's her birthday and welcoming party at the same time," pumalatak ito. "Nalimutan ko pa nga, eh. So I'll have to rush to buy a gift for her after office. Of course, we are invited. Mitch will be there too."

"Baka ma-out of place lang ako, Rico. Hindi ko
naman mga kaibigan ang mga kaibigan mo."

"Problema ba iyon?" natatawang wika nito. "Di
ipakikilala kitang girlfriend ko. Alam naman ng lahat dito sa atin iyan, di ba?"

"Another thing, pumayag na ako sa boss ko na mag-over time ngayon at bukas hanggang alas-ocho ng gabi. Hindi ko mababawi iyon."

"Ipasusundo kita kay Mitch. Tiyak na nasa kainitan pa lang ng party pagdating ninyo."

"Bakit ang pinsan mo ang susundo sa akin?"
Napalakas ang tinig niya roon at napaangat mula sa pagkakasandal. "Bakit hindi ikaw?"

"Pinakiusapan ako ng Ninang at ni Yvette na siyang mag-asikaso sa mga kakailanganin para sa party, Nicky. Hindi ko matanggihan dahil ang Mama mismo ang kinausap niya. Tulad ngayon, paglabas ko ng opisina'y bibili pa ako ng regalo para sa atin at kakausapin ko ang chairs and tables rentals."

Hanggang sa maibaba ang telepono'y hindi pa rin maisip ni Nicky kung magagalit o hindi sa kasintahan. Pagkatapos ay naisip na nagiging unfair siya. Natural lamang sa magkakapitbahay ang magtulungan. At hindi lamang basta magkapitbahay sina Mrs. Miguel at Mrs. Ratilla. Inaanak ni Mrs. Miguel si Rico.

At nang sumagi sa isip na ipasusundo siya kay
Mitch ay lalong nag-iba ang pakiramdam ng dalaga. Hindi niya gustong makasamang muli si Mitch na silang dalawa lang. Hindi panatag ang loob niya sa lalaking iyon. Lagi na lang siyang kinakabahang hindi mawari.

NAPASINGHAP siya nang makita ang bulto ni Mitch sa may pinto ng opisina habang kasalukuyan siyang nagliligpit. Siya na lang ang tao at ang security guard sa ibaba ng two-storey building.

"A-ano ang ginagawa mo rito?" Hindi niya mawari kung saan na naman galing ang biglang sunud-sunod na bayo sa dibdib.

"Alam kong wala kang sasakyan dahil ako ang
naghatid sa iyo rito kanina. Kung hindi kita susunduin, alas-dies ka nang makauuwi sa inyo."

"Susunduin ako ni Rico. He'll be here any minute," malamig at kalmante niyang sabi. Malakas na isinara ang drawer at ini-lock ito.

"Do you like lying o sa akin mo lang ginagawa iyan?" Tinitigan siya nito, amusement in his eyes. "Alam nating parehong hindi ka masusundo ni Rico dahil abala iyon para sa party ni Yvette bukas at si Rico mismo ang nagsabing daanan kita dito pauwi."

Hindi makapaniwalang tumingala rito ang dalaga. "Hindi ka niya tatawagan para lamang sunduin ako!"

He sighed patiently. "No. But I happened to have a meeting in the vicinity kaya nang makausap ko siya'y nabanggit kong sira ang kotse mo at sinabi kong susunduin na rin kita. Let's have a late dinner, Nicky. Sa Holiday Inn. Alam kong hindi ka pa kumakain. Ganoon din ako."

"Thanks but no thanks, Mr. Salvatierra. I'm too tired to eat anything. Gusto ko nang umuwi na lang agad at sanay akong umuwi ng ganitong oras... nang nag-iisa. Hindi mo ako kailangang sunduin." Mabilis siyang lumakad palabas at pababa ng building. Akmang itataas ang kamay upang pumara ng jeep subalit nahawakan ni Mitch ang braso niya.

"Kung gusto mong gumawa ng eksena, Nicky, kaya kong gawin sa iyo iyon," wika nito sa nagbababalang tinig. "Now, nasa right wing parking ang Range Rover ko. Tara doon."

My Love, My Hero: Mitch 1-2 (1999)Where stories live. Discover now