CHAPTER THREE

3.1K 85 5
                                    

WALA silang imikan sa loob ng Range Rover habang marahan itong tumatalhak sa madilim na kalye. Sa kanto, sa may groserya ay may mga istambay na nakaupo sa tapat ng tindahan. May mga hawak na beer ang mga ito habang naghuhuntahan. Sandali pang nilingon ang sasakyan nang mapadaan sila.

"Sila ba ang sinasabi ni Rico na mga tambay dito?" tanong nito sa kanya nang makalampas sila. "Mga kaibigan at barkada ni Rico ang mga iyon. Mga taal na taga-rito."

"I know. Rico made an issue out of it," pormal
niyang sagot. "Your cousin was so protective at hindi niya gustong maglakad akong mag-isa pauwi sa amin.

Sa totoo lang, hindi niya gustong maglakad mag-isa pauwi dahil bagaman hindi naman siya nilalapitan ay sinipulan siya ng mga ito. Satuwing nagdaraan sila ni Rico roon at naroon rin lang ang mga ito ay hindi maaring hindi siya sipulan at ulanin ng mga tukso.

"Matagal pa ba,pare? Aba 'y inip na inip na
kami, ah."
"Humihina ka yata, ha, Rico?"

Hindi niya gusto ang mga ganoong pasaring,
nababastos siya sa pakiramdam niya. Lalo at nag-tatawanan pa ang mga ito. Pero ano ang magagawa niya? Isa pa'y natural lang sa mnga lalaki ang ganoong tuksuhan. At lalong hindi niya gustong makipag-away si Rico sa mga kaibigan dahil lang doon.

Sa mga ganoong pagkakataon ay ngumingiti lang si Rico at saka magmamadaling ilalayo siya roon. Pero may palagay siyang higit na mapanganib si Mitch kaysa sa mga istambay na iyon.

Pagdating sa kanila'y nilingon niya ang lalaki at
umusal ng pasasalamat. "Thank you." Subalit sa pagtataka niya'y nauna pang bumaba ang lalaki at umikot sa pinto niya at binuksan iyon. Bumaba siya at nagmamadaling binuksan ang gate at akma ring isasàra nang pigilin ito ng lalaki.

"I could use a cup of coffee."

"W-what?"

"Tiya Agnes made it impossible for me to eat my food. Ganoon ka rin. Nilaru-laro mo lang ang pagkain mo. Cofee's fine or hot chocolate."

There was a challenge in his voice. At ilang
sandaling nag-atubili si Nicky. It wouldn't be wise to let him in. Pero ang hamon sa tinig nito'y hindi niya basta-basta mabale-wala. Binitiwan niya ang gate at nagpatiuna. Sumunod si Mitch na tinitigan ang naka-paradang Kia Pride sa garahe.

"May pagamit na bang kotse ngayon ang kumpanya para sa mga bagong auditors?"

"Wala ba akong karapatang magka-kotse, Mr.
Salvatierra?" she snapped, pabalyang binuksan ang pinto at pagkatapos ay kinapa ang ilaw at binuksan ito.

"That was an honest question, Nicky. You don't
have to be so edgy. O sa akin ka lang ganyan."

"I am not edgy," naiinis siya sa hindi malamang
kadahilanan pero kinalma niya ang sarili."I igagawa kita ng kape..."

"Thank you," wika nito and made himselfcom-
fortable. Naupo sa mahabang so fa. Sandaling inikot ang mga mata sa kabahayan. "Sino ang nag-aayos ng mga kasangkapan at nag-decorate ng bahay?"

"The house was furnished when I occupied it,"
sagot niya mula sa adjacent dining room habang kumukuha ng mainit na tubig sa electric pot. Nagmamadaling tinimplahan ng kape.

Gusto niyang umalis na ito matapos uminom ng kape. Kinakabahan siyang hindi mawari sa presensiya ng lalaki. Mas kay Mitch dapat na mangilag sí Rico kaysa sa mga naroong istambay. This man was so sure of himself. Magagawa ang anumang gustuhin. Walang nakatitigatig. So untouchable. No wonder
Mrs. Ratilla didn't like him.

"Sino ang kasama mo rito?" muli nitong tanong
kasabay ng pag-abot sa kapeng ibinaba niya sa gitnang mesa.

"There was supposed to be another auditor but she resigned a week before I arrived," sagot niya at nanatiling nakatayo. Hindi siya mapanatag sa lalaking ito at hindi niya iyon maintindihan dahil wala naman itong ipinakikitang kagaspangan, so far.

My Love, My Hero: Mitch 1-2 (1999)Where stories live. Discover now