CHAPTER ONE

3.1K 79 5
                                    

NANG magising si Nicky kinabukasan ay mag-isa na lang siya sa kama. Limang minuto makalipas ang alas-dies ang itinuturo ng mga kamay ng relo. Napabangon ang dalaga at isa-isang dinampot ang pantulog at panloob at isinuot. Lumabas ng guest room at nagtuloy
sa sariling silid. Naligo at nagbihis. She welcomed the warm water in her aching but pleasured body.

"Breakfast is ready," ani Mitch nang lumabas siya sa kusina. Isang tipid na ngiti ang isinagot niya at naupo sa silyang hinila nito. Nagsimula silang kumain. And to her disappointment ay hindi nagsasalita si Mitch at tahimik lang na kumakain. Ni hindi siya tinitingnan nito.

Saka niya naalala ang sinabi nito kahapon. If I'll take you, paano ka pag-alis ko? Bukas ay babalik na ito ng Maynila. Ang halos magdamag nilang pagtatalik ay hindi nangangahulugang mahal na rin siya nito.

"H-hindi mo ako ginising," she said accusingly
upang pagkatapos ay pamulahan ng mukha. Naalala kung bakit napuyat siya. "Kalahating araw na lang ang ipapasok ko."

"Hindi ka papasok, Nicky," kaswal na wika ng
binata at tinitigan siya. Nakabakas pa sa mga labi niya ang nagdaang gabi. There was a slight bruised in herblower lip.

Tumayong bigla ang dalaga. "Ako ang nakakaalam niyon, Mitch," dinala niya ang mga pinagkainan sa lababo at sinimulang hugasan.

"Hindi sa pagkakataong ito."

Kung ano man ang isasagot ng dalaga'y hindi na niya naisatinig dahil sa sunud-sunod na mga katok mula sa pinto.

"I-I don't think I can face anyone now," aniya.
Wala siya sa kundisyong humarap sa kahit na sinong bisita. Gusto niyang magkulong sa kuwarto. Mag-isip at mag-iiyak.

"Kaya mong harapin ang bisita mo, Nicky," mariing wika nito na humakbang patungo sa sala.

Napilitang sumunod ang dalaga. Nagulat pa siya nang makitang nasa pinto si Rico.

"At dito ka nga natulog?" galit na singhal ni Rico.

"Oh, yeah. Ipinagluto ko ng hapunan si Nicky,
nanood ako ng TV bago natulog at nagluto ako ng almusal. Want to know what we had?"

"Si Nicky ang gusto kong kausapin, hindi ikaw,"
ani Rico na pumasok nang mapunang nakatayo sa entrada ang dalaga.

"M-maupo ka, Rico," banayad niyang sabi at
itinuro ang sofa habang humakbang palapit dito.

"Alam kong tinakot kita, Nicky. Umasa akong
tatakbo ka sa akin, tatawagan mo ako. Hindi ko alam ang naging epekto ng ginawa ko sa iyo. I am so sorry, honey," humakbang ito palapit sa kanya. "Hindi mo maiaalis sa akin iyon, hon. Nasaktan ako. Nanibugho sa pinsan ko. Hindi ko basta-basta matatalikuran ang lahat sa atin. I love you, Nicky."

Hindi makasagot si Nicky. Ang nasa isip ay ang
binitiwang salita nito kay Mitch bago umalis...ang tungkol sa ibang babae...ang pang-iinsulto na ipinagpalit niya ito kay Mitch dahil mas may pera ito...ang mga pambabato sa bahay niya at ang pagharang ng mga barkada nito at ang vandalism sa kotse niya.

Ang pananahimik niya'y ipinagkamali ni Rico na pagsang-ayon at pagpapatawad. Iyon din ang nasa isip ni Mitch nang titigan siya. Tumiim ang mukha ng huli.

"Bale-wala sa akin kung dito man natulog si Mitch, hon," patuloy ni Rico na inabot ang mga kamay niya at hinawakan, dinala sa bibig at hinagkang isa-isa. Ni hindi makuhang mag-protesta ni Nicky. Ang nasa isip ay hindi na siya magagawang linlangin ng mga ganoong pangungusap ni Rico. "Kilala kitang higit, hon. Hindi ka patutukso lalo sa isang estrangherong tulad niya. Ako ang bahala sa Mama at sa tsismis na maaaring ibunga ng pagtulog niya rito. Gusto ko pa ring pakasal tayo."

"At maging ama ng sarili kong anak?" matalim na wika ni Mitch sa pagkamangha ng dalawang lumingon dito. "Napakadakila naman yatang pag-ibig niyan, Rico?"

Marahas na tinitigan ni Rico ang pinsan. Hindi
makapaniwala sa sinasabi nito. "Hindi totoo iyan!" sigaw nito. Muling nawala ang maskara at umiral ang bayolenteng pagkatao. "Hindi ang tulad ni Nicky ang-"

"Titigan mo siya," utos ni Mitch. "Suriin mo kung nagsisinungaling ako."

Napapikit si Nicky. Alam niyang makikita ni Rico ang kaibahan. Hindi na siya ang inosenteng si Nicole. Mitch has turned her into a woman. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit sinasabi ni Mitch ang ganoon sa pinsan. Siguro'y umiral na naman ang protective instinct nito na maaaring iniisip na patatawarin niya si Rico at tanggaping muli.

"You whore....!" si Rico at akmang itataas ang
kamay sa nakitang ekspresyon ng mukha niya.

Subalit hindi iyon nakadapo sa mukha ng dalaga. Tila bakal na kamay ang pumigil sa braso nito. Ibinababa ang kamay ni Rico, slowly and painfully na tila walang kahirap-hirap.

"Pasalamat ka't hindi tumama sa mukha ni Nicky ang palad mo," mapanganib nitong sabi. "Umuwi ka na, Rico. Hindi pakakasal sa iyo si Nicky. At ni hindi mo na siya mapupuwerhisyo pa pag-alis ko bukas dahil isasama ko siya pabalik ng rancho."

"Kung sa palagay mo'y nakaganti ka, Mitch, then you're very wrong!" poot nitong sigaw habang lumalabas sa pinto si Rico.

My Love, My Hero: Mitch 1-2 (1999)Where stories live. Discover now