BLUER THAN BLUE

5.2K 77 18
                                    

Naka tulala na naman siya. Kelan ba ako bibisita dito na masaya na ulit siya? Nahihirapan at nasasaktan ako para sa kanya. Bakit??? Kasi mahal ko siya. Yes, inlove ako sa kaibigan ko.

I'm Raven Althea "thei " Domingo. 28 years old at BI ako. May business ang family namin kaya i don't need to work. Yung babaeng mahal ko?
Siya si Khryza Athena "yza" Garcia. Same age kami. School mate ko siya nung college. Pareho kami ng sinalihang org at doon nag start ang friendship namin.

After you go
I can catch up on my reading
After you go i have
A lot more time for sleeping
And when you go looks like
Things are gonna be a lot easier
Life would be a breeze, you know
I really should be glad

But im bluer than blue
Sadder than sad
You're the only life
This empty room has ever had
Life without you is gonna be
Bluer than blue

Yan ang naabutan kong pinapa kinggan nya. Nakatulala at may luhang tumutulo sa kanyang mga mata.

Da pak yza, sana alam mo din na yan ang nararamdaman ko everytime na nakikita kitang nasasaktan dahil sa mga walang kwenta mong ex:'(

"Hey, umiiyak ka na naman ba? Tama na yan. Hindi iniiyakan yung mga ganung tao. They don't deserve your tears." Ako

Sorry Thei , hindi ko mapigil ang sarili ko na isipin siya:(
Hindi ko maintindihan.. Ano ba ang mali o kulang sa akin para iwan ako palagi? Ganun ba ako kahirap mahalin?? - yza

Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya..
Yan din ang tanong ko yza.. Ganyan din ba ako kahirap mahalin? Bakit kasi hindi na lang ako:(

"Anu ka ba? Wag mo nga isipin na may kulang sayo. Perfect ka yza! Nasa 'yo na lahat. Hindi lang talaga sila marunong makuntento at naghahanap pa ng iba. Tumayo ka jan. Sumama ka sa'kin may pupuntahan tayo" utos ko sa kanya.

Pinahid niya ang kanyang luha at dumerecho sa cr para mag bihis.
Hindi ko alam kung magugustuhan nya ang pagdadalhan ko sa kanya. Maganda doon. Madalas ako pumunta sa lugar na iyon. Dahil din sa kanya. kapag sobrang nasasaktan ako everytime na tatawagan nya ako ng umiiyak dahil sa mga walang kwentang ex nya. Pssh maganda pa ako sa mga 'yun ih! Wala lang talaga akong lakas ng loob para aminin sa kanya kung ano ang nararamdaman ko.
Oo mahilig akong sumugal sa mga ganitong bagay pero hindi sa kanya. Masyadong malaki ang nakataya. Hindi ko kakayanin na masira kung ano ang meron kami. Kaya kahit sobrang sakit na, kinakaya ko. Para sa kanya.

Saan tayo pupunta? 3:00 PM pa lang tirik na tirik ang araw. Maganda ba doon? Mag eenjoy ba ako dun? Makakalimutan ko ba siya? -yza

~,~ nakaka inis ang babaeng 'to! Ako kasama nya papunta doon pero yung ex pa din nasa isip.

"Lintek yza!! Sa disyerto! Ibabaon kita doon at didiligan para dumami pa ang mga abnoi na katulad mo!!" - ako

Nakaka asar. Napaka talaga.. Kahit mahal ko siya dapat ipakita ko pa din na hindi ako nadadala. Masungit, mataray at maiksi ang pasensya. Yan ako. Pero hindi ko magawa sakanya kasi nga mahal ko yang abnoi ba yan.

Taray -_-
Nagtatanong lang ih
~pout~ yza

"Hoy wag ka mag pout muka kang hito"
Pang iinis ko sakanya.

Hinawakan ko ang kamay nya at sabay namin  na tinungo ang sasakyan ko na naka park sa labas ng bahay nila.
Saan ko siya dadalhin? Sa dagat.. Lulunurin ko. Gusto na daw mamatay ih. Bwahahahahah!!!
Syempre hindi.. Mahal ko yan ih.. Dadalhin ko sya sa beach at sabay panunuorin ang sunset at aabangan ang moon.

Relaxing sa akin ang titigan ang moon. Pakiramdam ko hinihigop nya yung sakit na nararamdaman ko.
Sunset naman,, nakaka ramdam ako ng peace of mind. Nakaka pag isip ako ng matino.

--------------

AN:

Okay ba? Seryoso ako sa sunset at moon na yan. Gawain ko yan ih hehehe.
okay ba? Dahil malakas ka sa akin, hindi na ako nagpa tumpik tumpik pa at kara karakang ginawa ko ito^_^

OKAY LANG AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon