BURGER

998 16 4
                                    


Nandito ako sa kwarto ng pinsan ko ngayon at nag iinternet. Tambay ako sa bahay nila^__^ Ka chat ko si yza. Medyo hindi ok ang status ng relationship nila ng jowa niya. Haaay ganyan talaga. Hindi palaging masaya. Pero sana, maayos pa nila. Ayokong malungkot ulit ang kaibigan ko..

Wala na akong magawa after mag paalam ni yza na mag log out na siya. Naghihintay lang ako ng text ni Claire.
5:00P.M. na tulog pa din siya? Psh haba ng tulog tapos pag dating ng 9:00 PM tulog ulit, ano kaya tinitira neto at laging antok. Maka hingi kaya? Lagi akong hirap matulog ih hahah.. Medyo naiinis nako dahil wala pa din siyang text. Ayoko ng ganito! Nag hihintay sa wala!! Madaming text at tawag ang natatanggap ko pero hindi si Claire yon. Galing sa mga kaibigan ko na nagyayaya ng jogging, inom, o kaya naman ay laro. At dahil mainit ang ulo ko, nasungitan ko sila.

Dear friends;
Nais kong ipabatid sa inyo na sa mga oras na'to ay mainit ang ulo ko kaya parang awa nyu na, wala sanang dumagdag. Patawad kung hindi ko kayo ma replyan pero sige lang, go lang ako sa lahat ng trip nyong gawin. At wag nyong subukang tawagan ako dahil hindi ko din sasagutin.

Yan ang text ko sa lahat ng makulit kong kaibigan. Pero dahil mababait silang kaibigan, tinawagan at tinext nila ako ng wantu sawa. O diba! Sarap magwala-_-
Hindi naman sila uubra sa'kin kaya tinawagan ko sila isa-isa at sinungitan. Kuwari galit ako hahaha. Epektib naman dahil after non, nag text sila at nag sorry. Hahaha kala nyo ha^____^

Umuwi ako sa bahay na mukang nalugi. Naka pamulsa at malungkot. Nakita ko na hinihintay ako ni nuri.

"O bakit? Trip mo bang asarin ako personally?"

Hahaha hindi noh:) bakit ganyan itchura mo? Muka kang nalugi,.. Si ano ba? Nuri

"Psh wala.. Pwede bang samahan mo ko mag stroll? "

Sure! Yan din ang pinunta ko dito. Magka away na naman kami e. So tara na? Nuri

Nag umpisa na kaming mag lakad. Habang nasa daan ay nag kkwentuhan kami. Para kaming nalugi pareho. Sobrang lungkot. Naka yuko at Parehong nag iisip... Pag angat ko ng ulo ko isang pamilyar na nilalang ang nakita kong makaka salubong namin...

"Uh oh!! Beks 12:00"

Agad naman lumingon si nuri sa direksyon na sinabi ko. Yung ex bf nya kasi makaka salubong namin.

Omg Thei! Ang panget ko ngayon! Ok lang ba? Huhuh muka akong lalaki ngayon hindi ako nakapag shave:'( nuri

"Haha chill ka nga! Bakit lalapitan ka ba nya? Assumero kang baklita ka ih. At kahit gaano ka pa ka-panget ngayon hindi nya mapapansin yon dahil magpapa libre lang ng burger yan. You know, just like the old times^___^"

Grabe ka naman!!! Pero may point ka. Naku baka footlong ipabili nyan this time.

Nang magka tapat na sila ay narinig kong tinawag sya ng ex nya.

"Nuri"... hi Thei! - chad

"Yo!" Yan lang nasabi ko. Yan lang naman lagi kong sagot sa bumabati sakin ih hahah

Uhm hi chad! Kamusta ka na? Nuri

Ayun! At pagirl na po ang boses niya. Pa cute si beks. Sarap sikmuraan ih hahaha

Okay naman. Ikaw ba? Saan kayo pupunta? Chad

Ako na ang sumagot sa tanong ni chad.

"Dun malapit sa court. Bibili ng burger"

Tinignan ako ni nuri na takang-taka. Ngumisi naman ako sa kanya at kumindat. Na gets na yata niya kaya kurot ang ganti sakin.

Ah.. Pwede bang sumama? Chad

"1 point for Thei!! Told yah!!:)"

Napa face palm naman si Nuri at humagalpak ng tawa.

Bakit? Hindi ba pwede? Chad

No! Ofcourse not! Nuri

"Ou nga naman. Tara sama kana. I'm sure gutom ka na:)"

Napa kamot naman sa batok si chad habang si nuri ay tawa pa din ng tawa.

After namin bumili ng burger ay humiwalay ako sa kanila. Bumalik ako sa bahay ng pinsan ko para maki kain. Sila nuri naman ay nasa court. Nanood ng laban at nag kkwentuhan. Bukas ko na lang aalamin kung anong napag usapan nila^_^

Pag dating ko sa bahay ng pinsan ko, nag open ako ng wattpad. Baka kasi may update. Ugali ko din basahin ang convo namin ni Claire don, wala lang miss ko siya ih bakit ba?:) Kahit nga yung story nya paulit ulit ko lang binabasa hahaha. Laking tuwa ko ng makita ko na may message siya^_^

Yiiieeee!!!!!! Cut lang pala unli! Kala ko ayaw nako katext ih^_^
Masaya akong kumain at good vibes na ulit. Nag text naman sakin ang mga kaibigan ko. Nagtatanong kung gv na daw ba ko at pwede na daw ba mangulit?
Ahahah syempre ou na. Napag kasunduan na tatambay kami after dinner. Kaya umuwi na ako para maayos ang tambayan namin^___^

________

Anyare?? Yun na yun????
Ahahaha patawad yan lang ang kinaya ng utak ko. Lasing pa yata hahah^_^

Hi sayo^_^
Miss kita kahapon
Miss din kita ngayon
chaka bukas din:)

Landi much c ako^__^

-always hope but never expect-

OKAY LANG AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon