CONFESSION

1.2K 35 4
                                    

Thei's

Nandito kami ni jean sa room at nag pe-prepare ng pang dinner. Hindi na namin inabot ang sunset. Medyo traffic kasi. Siya ang nag suggest na magluluto, hinayaan ko na lang siya at pina nuod.

"Hmmn ang bango ah!.. Ang tanong.. Masarap ba 'yan?"

Yabang mo talaga! Syempre masarap 'to ako nagluto nito ih~_~

"Haha chill baby! Wag kang sumimangot binibiro ka lang ih^_^"

Sabi ko sa kanya at niyakap siya from behind.

Ewan sayo! Pssh

Natapos na ang niluluto niya at sabay kaming kumain.. Masarap nga!!^_^

O ano? Masarap diba? ^_^

"Chamba "

~_~

"Haha ui joke lang. Masarap siya. Uhm pag uwi natin ipag luto mo ulit ako nito ha^_^"

Ngumiti lang siya sa akin.
Natapos na kaming kumain. Ako na ang nag ligpit ng lamesa at pinag kainan namin. Pina una ko na siya sa cr para maligo..

After niyang maligo ako naman ang naligo at sabay kaming nagpunta sa dagat bitbit ang kumot cellphone at alak.

Hindi katulad dati na ako ang nag ayos ng lahat. Katulong ko si jean sa pag papa apoy ng bonfire at pag lalatag ng kumot. Nag umpisa kaming uminom pero hindi kami nag papansinan. Tila parehong may problemang iniisip..
Patuloy din sa pagtunog ang cellphone ko. Kung anu anong kanta na ang natapos pero tahimik pa din kami. Nakaka tig apat na bote na kami ng t-ice nung magsalita siya.

Thei,, mahal mo ba si Yza?

Hanu daw????? San galing yun?

"Anong sinasabi mo jn? Lasing ka na ba?"

C'mon Thei. Wag mo ng i deny. Tayo lang dalawa dito so feel free to tell me. don't worry your secret is safe with me.

Huminga ako ng malalim at tinanaw ang malawak na dagat. Bago ako magsalita ay inubos ko muna ang natitirang alak sa bote.

"Oo Jean,,, sobra.. at sobrang nasasaktan ako ngayon..hindi ko alam kung kailan ko umpisang naramdaman. Basta nagising na lang ako isang araw na mahal ko na pala siya. Wala akong ginawa para sabihin o ipaalam sa kanya natatakot kasi ako na kapag nalaman niya e layuan niya ako. Ayokong mawala siya sa'kin Jean:("

Naka yakap na sa akin ngayon si Jean at hinahagod ang likod ko..

Shhh.. Ok lang yan Thei.. Sige ilabas mo lang. Alam kong masakit yan... Hindi naman tayo nag kakalayo ng sitwasyon kaya ramdam kita

Kunot noong napatingin ako sa kanya..

"Bakit Jean, inlove ka na din ba??"

Hindi ko alam na may boyfriend na pala siya? Suplada kasi siya at choosy. Madami na kaming na i set na blind date sa kanya at lahat yun rejected. Tapos ngayon malalaman ko na broken hearted din siya?.. Ngumiti siya sa akin ng mapait at nag salita

Oo Thei. Broken din ako ih. Yung mahal ko, hindi yata ako kayang mahalin. May iba siyang mahal. Ano naman ang laban ko dun e matagal na silang magka kilala? ^_^
Nakaka inis nga ih. Sa dinami dami ng mamahalin ko bakit siya pa? Bakit sa may mahal ng iba? Bakit sa katulad pa niya?

Lumuluha na din ngayon si jean kaya ako naman ang yumakap sa kanya at inalo siya.. Naka yuko siya at patuloy pa din sa pag iyak kaya naman mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya para mas maramdaman niya na andito ako. May kaibigan siyang abnormal, impakta, at walangya pero maganda na handang makinig at damayan siya^_^

Tumunghay si Jean at kita ko ang mga luha sa muka niya. Pinahid ko naman yun using my thumb.

"Wag ka na umiyak ha. Panget ka n nga pinapa panget mo pa"

pang aasar ko sa kanya pero hindi siya kumibo naka titig pa din siya sa akin.. Pilit kong iniiwasan ang mga tingin niya pero parang hinihila ang mga mata ko sa direksyon ng mata niya.

Nagtitigan kami ng matagal at unti-unting naglalapit ang aming mga labi. Pinipilit kong labanan ang kagustuhan ko na halikan ang labi niya. Mali ito! Hindi pwede! Si Yza ang mahal ko at kaibigan ko si jean... Malapit ng maglapat ang mga labi namin ng maka isip ako ng kalokohan.

" uhm Jean,,, uhog mo labas.."

Bwahahahahahahah!!!!!

Whew!! Muntik na 'yon! Wala naman talaga.. Ayoko lang may maganap na kiss na wala naman love. Pinag hahampas niya ako sa sobrang galit at padabog na pumasok sa room namin. Naiwan naman akong mag isa dito at iniisip pa din ang muntik ng halik kaninA

___________

:(

Masakit ang katawan at ulo ko.
Salamat sa bago kong kaibigan na pinag tyagaan akong itxt:)
Lablab friend^_^

OKAY LANG AKOWhere stories live. Discover now