DARE

1.2K 31 2
                                    

Jean's

Hindi ko gustong iwasan siya at hindi kausapin.. Natatakot kasi akong mas mahulog pa ng sobrang lalim sa kanya. Mahihirapan akong umahon pag nagkataon:(

Alam naman natin na hindi ako yung gusto niya. At alam ko din na sumuko na siya kay Yza. Ayoko lang ng pakiramdam na parang ginagamit nya lang ako para mag move on.

Sa van kanina, alam ko na naiinis siya sa'kin kasi hindi ako sa kanya tumabi. Hindi niya lang alam kung gaano ko kagustong makatabi siya palagi. Nung nagsibabaan naman ang lahat, nag paiwan ako kasi ayokong makipag siksikan sa mga kaibigan ko na sobrang excited. Nagulat na lang ako na tatlo na lang kaming naiwan. Sa dami ng pwedeng maka sama, silang dalawa pa talaga yung kasama ko na nagpa huli ng baba. Ramdam ko na nahihirapan si Thei na mag move on kay yza lalo na at lagi niya pang nakaka sama. At kanina, pakiramdam ko na pang gulo lang ako kasi mukang nag uusap yung mga mata nila habang titig sa isa't isa. Kaya nung nagtanong siya hindi na ako sumagot.

Tinawag na kami para kumain. Palabas na ako pero pinigilan nya 'ko.

"Jean"
Hindi ko pinansin ang tawag nya at palabas na ako ng hawakan nya ang kamay ko at i-lock ang pinto.

Thei ano ba?! Anong problema mo?!!
Nagulat yata siya sa sigaw ko kaya mabilis niyang binitawan ang kamay ko. Naka bawi naman siya agad at sinagot ako.

"Ikaw!!.. Ikaw anong problema mo at bakit ganyan ka sa'kin?!!May nagawa ba'ko?!! May nasabi ba'ko? Naguguluhan kasi ako ih!.. Bigla ka nalang iiwas at hindi mamamansin!!!"

Naiinis nga siguro siya dahil pasigaw na din yon sabi niya.

Ikaw Thei! Ikaw ang problema! Alam natin pareho na nag momove on ka kay yza pero wag mo naman sana akong gamitin!! Ano dahil meron na siya ako naman?! Please thei, wag ako:(

"Ano?!! Anong pinag sasabi mo? Oo nag momove on ako. Oo masakit. Oo mahirap pero hindi kita ginagamit! Ganyan ba kasama tingin mo sa'kin jean?? Pssh"

Yun lang at iniwan akong naka tanga. Lumabas na din ako para kumain. Buong araw siyang tahimik at walang pinapansin..
Kinagabihan ay napag kasunduan ng barkada na mag bonfire sa tabing dagat. Inuman at kantahan... Syempre games na din. At mawawala ba ang truth or dare jn??
Pero iba ang mechanics ng game ngayon.. Pipiringan ang taong magpapa gawa ng truth or dare at magpapa tugtog. Habang ang iba nmn ay naka upo na paikot at hawak ang bote ng alak na walang laman. Pipindutin ng naka piring ang kanta para tumigil. Ang matapatan ng kanta ang sasalang sa truth or dare.

Dahil si mairish ang pasimuno, siya na ang nagpa piring. Pinindot niya ang cp niya at nagsimulang tumugtog. Pinindot niya ulit para tumigil.sakto naman na kay arth napa tapat ang bote

Ok arth.. Truth or dare? - mairish

Kunwari ka pa honey. Cge dare- arth

Hihih kiss me. Torrid ha. For 30 secs.-mairish

Sinunod naman siya ni arth. Natapos ang 30 secs. Umupo c mairish at c arth naman ang pipiringan. Nagsimula ulit tumugtog at tumigil ulit ang kanta. Natapat ito kay rein.

Dude, truth or dare? -arth

Truth - rein

Bakit binalikan mo si yza?-arth

Tinagay muna ni rain ang shot niya bago sumagot.

Kasi nagkamali ako. Mahal na mahal ko pala siya at hindi ko kaya na wala siya-rein

Nakita kong naka yukong umiiling si thei habang naka ngisi. Habang si yza naman ay naka ngiting nakatingin kay rein.

Si rein na ang magpapa tugtog at natapatan nun ay ako.
Tumayo ako at lumapit kay rein

"Dare" - ako

Ok.. Kiss someone you like for 30 seconds sa lips ha-rein

0_0 ako
Ininum ko muna ang tagay ko bago pumunta sa taong hahalikan ko. Tahimik na nanunuod ang lahat. Nang matapat ako sa taong pakay ko ay lumuhod ako at hinalikan siya sa lips. Hindi na nagulat ang lahat. Pinag tuksuhan pa kami. Pero si Thei, tumayo na.

"Uhm excuse muna guys mY kukunin muna ko sa room" -thei

Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Ang sakit, at maging ang luha na nangingilid na...

____________________

Bawi taym beybe.... Gumana na naman ang malusog kong utak^_^
Pero next chapter na:)

Hi sau friendship^_^

OKAY LANG AKOМесто, где живут истории. Откройте их для себя