THE PAST

1.2K 32 11
                                    

REIN

Yun! May linya din pala ko!^_^

(Ayaw ko man pero kelangan. Heyt u)
-author-

Ako si Breiana Jordan. Ex ni yza. Oo aaminin ko, malaki talaga ang kasalanan ko sa kanya dahil sa pang iiwan ko. Isa sa mga rason kung bakit ko ginawa yun ay dahil sa nasakal ako sa kanya.. Gusto nya lahat ng kilos ko alam nya. Gusto niya lagi ko siya ka text. Gusto niya lagi ako naka dikit sa kanya. Nung una, natutuwa ako kasi pakiramdam ko sobrang mahal na mahal niya ako.

Pero nung dumating sa point na lagi na lang kaming nagtatalo dahil sa pagiging selosa niya at tamang hinala ay nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya. Hanggang sa nakilala ko nga si jezza.
Maganda siya at sexy. Naka palagayan ko siya ng loob at hindi nagtagal ay niligawan ko.

Alam niya ang tungkol sa amin ni yza pero okay lang sa kanya. Ilang buwan ko din siya niligawan at sinagot din ako. Naka ramdam ako ng freedom sa kanya. Ibang-iba sa relasyon namin ni yza. Nakipag break agad ako kay yza nang sagutin ako ni jezza.

Okay ang relationship namin ni Jezza. Masaya at chill lang. Three months na ang relasyon namin.
Pero may isang tao ang nagpapa gulo sa isip ko ngayon..

Si Yza.. Hindi ko maalis sa isip ko ang pag kumparahin sila ni Jezza.
Oo malaya ako kay Jezza, hindi ako nasasakal sa mga gusto o desisyon nya pero may katangian si Yza na wala kay Jezza at hanggang ngayon ay pilit kong hinahanap 'yon.

"Maalaga"..... 'yan si Yza.

Sweet lang si Jezza kapag magkasama kami. Pero pag hindi na, parang wala na siyang pakialam. Walang pakialam kung okay lang ba 'ko? Kung kumain na'ko? Kung inaantok na ba 'ko?
Puro siya lang..

Dahil dun, naisipan kong makipag hiwalay na sa kanya at balikan si Yza. Ang taong mahal ko at Mahal na mahal ako.

"Patawarin mo ako Yza kung nasaktan kita. Pero eto na'ko. Babalik ako. Babalikan kita at sana hindi pa ako huli. Sana ako pa din. Pag nangyari yun, hindi na kita pakakawalan pa. Hinding hindi na kita iiwan..."

Hindi naging mahirap sa akin ang hanapin siya dahil tadhana ang nag lapit sa amin. Hindi sinasadyang nagkita kami sa bookstore sa isang mall. Hindi ko na sinayang ang pagkakataon ko at niyaya ko agad siya ng date. Hindi naman ako napahiya dahil pumayag siya. Medyo natagalan nga lang dahil sa kaibigan niya na ayaw sa'kin.
Hindi ko siya masisisi kung galit siya sa'kin. Sinaktan ko ang kaibigan niya kaya sino ako para hindi harapin ang galit niya diba??

Nasundan nang nasundan yung pag labas namin. At yung huling date nga namin ay tinanong ko na siya kung pwede ba akong bumalik sa kanya... Inamin niyang mahal na mahal pa din niya ako. Masayang masaya ako ng araw na 'yon. Gagawin ko ang lahat para mapatawad at matanggap ako ng mga kaibigan nya.

________________

AN:

Tama na. Madami ka ng nasabi para sa araw na'to. Reserve mo yan para sa ibang araw ~_~

Patawad, masama lang talaga pakiramdam ko.
Cough and colds. Body pain,head ache.

Sana nag enjoy ka dito sa pov ni rein

OKAY LANG AKOWhere stories live. Discover now