OKAY LANG AKO

1.3K 38 5
                                    

Yza's POV

Hindi ko nasabi kay thei na kami na ulit ni rein. Alam ko na hindi niya gusto para sa'kin si rein dahil minsan na niya akong nasaktan...
May nag doorbell. Si rein na siguro yun. Tumawag siya sa akin kanina na pupunta daw siya dito. Susunduin daw ako. Manunuod daw kami ng gig ng pinsan niya sa isang bar.

Naka rating kami sa bar at naabutan namin na kumakanta na ang pinsan niya. Maganda ang boses niya at maganda din siya.
Nag speech ang vocalist about dun sa segment nila. Ang galing naman may ganito pala hahah.
Nagpa ikot-ikot ang asul na ilaw at tumapat sa isang barkadahan sa bandang sulok ng bar. Dito kasi kami naka pwesto malapit sa table ng banda.
Maya maya pa ay green na ilaw naman ang bumukas at tutok na tutok sa isang tao na pamilyar sa akin.. Pinuntahan siya ng vocalist at hinila.. Pareho kaming nagulat ng magtama ang mga mata namin.. Nagpa lipat lipat ang tingin niya sa amin ni rein.

Napansin siguro yun ni rein kaya inakbayan niya ako. Yumuko na lang ako nang makita ko na nangingilid na ang luha sa mga mata nya.

Thei bakit? Anong problema? Bakit malungkot ka? Bulong ko sa sarili ko..

Nag usap sila ng mga kabanda ng pinsan ni rein kung ano ang kakantahin niya. Bago mag umpisang tumugtog ang banda ay nagsalita si thei.

"Hello everyone!! Pag pasensyahan nyo sana ang boses ko. Kasalanan ng berdeng ilaw na yun kaya ako ang nandito sa harap nyo ngayon"

Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi niya. Nag umpisa ng tumugtog ang banda at kumanta siya.

AYOKO NANG MALAMAN PA
KUNG SINO SIYA AT SAAN KA NAGPUNTA
HINDI NA LANG TATANUNGIN
PARA HINDI MO NA KAILANGAN PANG UMAMIN.

OK LANG AKO...
OK LANG AKO...

Naka pikit siya habang kinakanta yan. Bakit yan kinanta nya? Pakiramdam ko para sa akin yun. Tinamaan ako. Kasi nag sinungaling ako sa kanya.

LAHAT AY AKING GAGAWIN
PIKIT MATANG TATANGGAPIN
MAS KAYANG MASAKTAN PAMINSAN-MINSAN
'WAG KA LAMANG MAWALA NG TULUYAN

Feel na feel nya yung kanta..

MANINIWALA NA LANG AKO
SA LAHAT NG SASABIHIN MO
DI NA KITA KUKULITIN
PARA DI NA KAILANGAN PANG MAG SINUNAGLING

OK LANG AKO..
OK LANG AKO OOOOHHH...

LAHAT AY AKING GAGAWIN
PIKIT MATANG TATANGGAPIN
MAS KAYANG MASAKTAN PAMINSAN-MINSAN
'WAG KA LAMANG MAWALA NG TULUYAN

Ano bang meron?? Bakit parang umiiyak siya?? Love problem ba? Bakit hindi ko alam?

HINDI KO KAKAYANIN MAWALA
KA SA AKIN
KAHIT NA MAG MUKHA AKONG TANGA
SA MATA NG IBA

LAHAT AY AKING GAGAWIN
PIKIT MATANG TATANGGAPIN
KUNG MERONG MAGTANONG TUNGKOL SA AKIN
SABIHIN MO.....

OK LANG AKO...
OK LANG AKO...
OK LANG AKO....

Nang patapos na yung kanta tumingin siya sa direksyon ko at kinanta yung last 3 lines..

Thei,, :(

Nagpalakpakan lahat. Syempre feel na feel niya yung kanta kaya maganda ang kinalabasan. Sinalubong siya ng mga kaibigan niya at isa-isang binatukan siya. Ang kukulit ng mga kaibigan niya:)

Gusto kong lumapit at yakapin siya. Syempre ang galing niya. Proud friend here^___^
Pero nahihiya ako. Pakiramdam ko malaki ang kasalanan ko sa kanya:(

_____________________

AN:

OK LANG AKO yan po title nung kinanta ni Thei. Parokya ni Edgar ang kumanta niyan pero dahil masakit sa part ni Thei, version ni Regine Velasquez ang pakinggan nyo:)

OKAY LANG AKOWhere stories live. Discover now