SUNDAE FRIES

1.3K 34 3
                                    

Thei's POV

Pasalampak na humiga ako sa kwarto ko ng makauwi ako sa bahay. Nagpa tugtog ako ng rock songs.. Dati hindi ako mahilig dito, dahil sa maingay ang nanay ko at napaka bungangera e naisipan ko mag download ng mga rock songs. Ano nanay! Panis ka sa Linkin Park ko at Disturbed bwahahahah!!!
Pero ngayon, nagpapa tugtog ako ng rock kapag galit, inis, gusto magwala, walang magawa at kung anu-ano pa.

Naiinis ako!!! Bakit ganon siya?? Ganun ba niya kamahal yung ex nyang yon???! Nauna ako ih:(
Hindi ba talaga siya maka move on sa panget na yon???

Minadali ko ang ipinag utos ni nanay sa akin na daanan ko at sunduin ko ang pinsan ko sa bahay nila para dalahin sa amin. Wala kasi siyang kasama baka mainip...

Nung nag text si yza na nasa bookstore siya, bumili agad ako ng 2 movie ticket. Eto yung gustong gusto niyang panuorin. Matutuwa siya nito^____^

Pinuntahan ko siya sa bookstore. Pero nainis ako sa naabutan ko. Kausap niya si Rein. Ex niya. Kelangan makipag date para mabili ang joke book??

Hindi na uy!!! Kaya ko mag joke sa sarili ko. Pesteng ex na yan sarap pektusan..
Kinuha ko ang libro at binalik sa rack.
Sinabi kong hindi ko gusto yun. Hindi naman talaga dahil ampangit ng cover. Mukang walang nakaka tawa dun. Tsk bakit ba eto napili ng babaeng to? Pssh

Hinawakan ko ang kamay nya at hinila palabas ng bookstore pero parang natigilan siya. Nang nilingon ko siya, nakita ko na hawak ng impaktang ex nya yung isang kamay niya.
Hinahamon ba ako neto??

Sinabi ko na may lakad kami ni yza ngayon at bitiwan na ang kamay nya. Pero ngiti lang ang sinagot sa akin ng impakta.

Ggrrrrrrh!!! Tumingin ako kay yza na nagsasabing sumama siya sa akin. Pero da pak lang dahil nag suggest pa siya na mag sama kaming tatlo.

Anong trip ng babaeng to? Joke time ba 'to???

Tinanong ko din siya kung nag jojoke ba siya pero yumuko lang siya..
Nasaktan ako. Hindi din naman ako mag eenjoy na kasama ang ex nya.

Psshh ano peg namin BARNEY AND FRIENDS?? Un ex nya c barney bwahahahah^___^

Hindi ko kayang makipag friend sa taong nanakit sa mahal ko noh-_-

Binitiwan ko ang kamay niya at nilagay duon ang 2 movie tickets na binili ko para sana sa amin..

Habang nag lalakad ako palayo ay medyo naluluha ako. Pinigil ko lang sa pamamagitan ng pang aasar kay barney sa isip ko..

"Pssh pa ngiti ngiti ka pa ha kamuka mo naman si barney!!"

"Ampanget mo! Bakulaw! Maligno! Tyanak! Undin! Unggoy! Palaka!"

Heheh bitter much?? Man lalait na lang sasagarin ko na^_^

Naka higa pa din ako sa kama ko at sinasabayan ang mga rock songs ko. Nag beep ang phone ko. Nag text si yza.

Thei sorry:(

Babawi ako sayo promise

Wag kana magalit

Bati na tayo please:(

Yan ang sunod-sunod na text nya.
Ano ganun lang yun?? Nagmukang tanga kaya ako dun. Pinag palit niya ang isang Dyosa kay Barney??! No way!! Marunong din naman akong magpa kipot noh?

Hindi ako sumagot sa mga text nya. Tinulugan ko lang siya..

-------

Nagising ako ng maramdaman kong yumugyog ang kama ko. Pag mulat ko ng mata ko ay isang diwata agad ang nakita ko.. Ang ganda talaga ng mahal ko^_^

Wag ka na magalit sa'kin please:(

Hindi ko pa din siya pinapansin. Pumikit na lang ako. Naramdaman ko na humiga din sya sa tabi ko at yumakap sa'kin.

Ho may!!! Parusa naman to ih!!
Dumilat ako at tinignan ang taong naka unan sa braso ko. Inamoy ko ang buhok nya..

Hmmmn ambango^_^

Baka maubos ang amoy nyan ha^_^

Ang surot na 'to! Naka tingin na pala sa'kin.

"Sinabi ba ng ex mong mabango buhok mo? Wag kang maniwala binobola ka lang niya. Ang totoo niyan amoy baby ang buhok mo"

Hahah talaga ^____^ ??
Ngiti pa more yza^_^ basag ka sa'kin

"Oo naman.. Amoy baby... Amoy lungad!" ^________^ bwahahahahahahah

Agad siyang lumayo sa akin at pinag hahampas ako ng unan. Hahahah pikon!

Nakaka inis ka naman ih! Nag punta ako dito para makipag bati sayo pero nilait mo lang ako:(

"Hoy hindi kita nilalait ha. Makikipag bati? E nasaan ang peace offering mo?"

Eto o!!

Abot nya sa monster hot fudge at large fries from mcdo.
Yiiiie sarap!!! Alam na alam talaga panuhol sa'kin hahaha.

"Sharaap!!! Cge bati na tayo"

Ngumiti naman siya at yumakap sa akin.

Kung masaya ka sa kanya,,, sige pababayaan kita:(

_____________________

AN:

Hello ^__^
Ayos ba ud ko? Taba ng utak ko noh?
Hahahaha
Lab lab^_^

OKAY LANG AKOWhere stories live. Discover now