VACATION

1.2K 35 3
                                    

Thei's

May lakad ang barkada ngayon... Naisipang mag lamyerda sa dako pa roon^_^ hahaha

Vacation for 1 week ang trip nila. Laiya Batangas lang ang destinasyon...
Nasa byahe na kami ngayon at wala kahit isa sa mga kasama ko ang nangahas mangulit sa'kin. Ewan ko ba bakit mainit ang ulo ko. Dahil ba sa hindi sa akin tumabi si jean? Parang nung last week lang okay na okay kami tapos ngayon parang hindi ako kilala-_-

Mairish(driver) arth(bf ni mairish)
Paul-Yza-rein
Frank-lhea-rick-jean
Ako-vaugn-nuri-dave

Yan pwesto namin..

Sinalpak ko ang headset sa tenga ko at nilibang na lamang ang sarili sa pakikinig ng music at pag tingin sa tanawin.. Hindi ko mapigilang hindi tumingin sa pwesto ni jean. Sa tabing bintana ako at ganun din siya. Sa kanan nga lang ang pwesto niya..

Nakita ko na panay ang kwentuhan nila at ngitian kaya nainis ako. Napa simangot at napa irap na lang. Hindi ko alam na kanina pa pala nka tingin ang tatlong tukmol na katabi ko kaya pang aasar na naman ang inabot ko-_-

{Oh no, i should have
known friendzoned ba't
Hindi ka crush ng crush mo}

Yan ang kantang banat netong mga katabi ko.. Tinignan ko lang sila ng masama at binalik sa daan ang tingin ko. Everytime na titingin ako sa side ni jean, nag ha-hum ang mga abnormal kong katabi. Nang aasar as usual..

Napansin yata ng driver at kaibigan kong isa't kalahating bully. Meron pala siya ng kantang yun kaya kinonek sa car speaker yung phone niya at nagpa tugtog.

Ang ganda ng view! Sarap lumubog sa kinauupuan ko dahil naka tingin sila sa akin habang kinakanta yan. Bilang protesta, sinimangutan ko sila. Umupo ng naka de kwatro para masikipan tong mga katabi ko, at naka halukipkip ang kamay sa dibdib.-_-

Napansin ko na sila Yza at Jean lang ang hindi nakiki sali..

Aba dapat lang! Sobra naman na yata kung pati sila e sasali pa. Duh!! Na friendzoned nila ko noh!.

Teka pati din ba si Jean? Crush ko na din ba siya? Kay Yza, sure ako na okay na'ko. Ala na 'ko laban, sila na ih. E kay jean??? Hay juice ko pow! Sign naman po jan kung ano tong nararamdaman ko:(

Friend, naguguluhan ka? Gusto mo linawin natin yang nararamdaman mo^_^ bulong ni vaugn. Aba at naka ngisi pa

Tumingin ako sa direksyon nila at pati pala yung 2 katabi namin naka ngising naka tingin na.. Inirapan ko lang sila.
Narating namin ang resort at isa-isang bumaba ng sasakyan. Hinintay ko na maka baba lahat. Ayokong makipag sabayan at makipag tulakan sa mga atat kong kaibigan. Naka yuko ako at kinakalikot ang phone ko. Pag tunghay ko nakita ko sila Yza at Jean na naka upo pa.. Anong trip ng dalawang 'to?-_-

Naka tingin si jean sa bintana sa side niya. Si Yza naman ay sa likuran ng van
Ako naman ay sa driver's seat

--- ---
YZA--- --
--- --- --- jean
Ako--- --- ---

Yan position namin. Imaginin nyo na lang po^_^

K-A-T-A-H-I-M-I-K-A-N

" uhm hindi pa ba kayo bababa?" -ako

Walang sumagot kaya bumaba na ako.. Ayokong mag tagal don sa loob. Nakamamatay! Hahaha

Dalawang room lang kinuha nila. Hiwalay ang boys sa girls. Bawat room ay may dalawang kama. So sa kwarto ng girls, 2 ang magka partner sa bed.

Yza-rein mairish-lhea jean-ako???

Okay.. No choice kasi naunahan na kami kaya kami na ang mag partner. Wala naman kasi sanang problema. Hindi ko lang maintindihan si jean bakit ganyan siya umarte.-_-

Tinawag na kami ng iba naming kasama para kumain. Nag uunahang lumabas ang mga kasama namin. Naiwan kami ni jean kasi inaayos pa namin ang gamit namin. Walang nag sasalita. Kaya naisipan kong basagin na ang katahimikan..

"Jean" -ako

Hindi siya umimik. Hindi rin nag abalang tignan ako. Akmang lalabas na siya ng hawakan ko ng mahigpit ang kamay nya at ni lock ang pinto.

_________________

AN:
Anyare?? Hahaha pacenxa na po na walei ako^___^

FRIENDZONED.... Trulalu yan^_^

Pic ni Thei sa taas

OKAY LANG AKOWhere stories live. Discover now