SUNSET

2.3K 51 5
                                    

Yza's POV

Hi!! I'm Khryza Athena. Friend ko si Thei. 2 months na after ng break up namin ng ex girlfriend ko. Yup! Girlfriend. Kung hindi nasabi sa inyo ni Thei, bi din po ako.

At katulad ng naabutan nya, tulala at iniiyakan ko na naman si ex ko. Hindi ko mapigilan ih. Masyadong masakit. Two years kaming nag sama pero dahil lang sa iba nagawa nya akong iwan:(
Tama naman si Thei, hindi nila deserve ang mga luhang ito. Kaya nung niyaya nya ako sumama agad ako. Gusto kong subukan na alisin sa isip ko ang walang kwentang ex ko.

Na curious ako kaya nagtanong ako. Masyado yata madami ang tanong ko kaya sinungitan ako ng impakta. Knowing her, ayaw nya ng makulit at nagger. Oo makulit ako pero hindi ako nagger ha.minsan lang^_^

Pagkatapos ng mahabang byahe ay narating din namin ang pinag mamalaki niyang destinasyon daw namin..
At aaminin ko.. Ang ganda!!!!!

Sakto lang ang dating namin. Ilang oras na lang palubog na ang araw.. Nauna akong pumunta sa dalampasigan. Habang sya naman ang abala sa pag asikaso ng tutuluyan namin. Oo dito kami magpapa lipas ng gabi kasi may ipapa kilala daw sya sa akin. Nung una hindi ako pumayag kasi wala akong dalang damit. Pero dahil girlscout ang kaibigan ko, sinabi nya na naipag impake na nya ako habang nasa cr ako..

Naka tayo ako sa tabing dagat at pinapa nuod ang unti unting pag lubog ng magandang araw.
Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin mula sa likuran.

"Ang ganda noh? " thei

Oo. Bakit dito mo ako dinala? Akala ko ba ibabaon mo ko sa disyerto? Pang aasar ko sa kanya.

Ngumiti lang siya s akin at pinisil ang ilong ko.

"Baliw ka ba? E di ako din ang nahirapan pag ginawa ko yun. Isang Yza nga lang pahirap na. Ano pa kaya yung madaming Yza? Hahaha"

Baliw talaga tong taong to.

Salamat thei ha. Ako

Nginitian lang nya ako at bumitaw sa pagkaka yakap sa akin.

"Iiwan muna kita dito.. Doon ako sa banda dun" thei

Nagtaka naman ako at naka kunot ang noo na tumingin sa kanya. Nabasa nya yata ang iniisip ko. Ngumiti siya at nagsalita.

"Pababayaan kitang isipin siya at iyakan. Ilabas mo lahat at huwag ka ng mag tira. Pero promise me na last na to. Last na pag iyak mo na to.. Mas nasasaktan ako pag nakikita kitang nasasaktan............." Thei

"Kaibigan kita ih" thei.

Ngumiti siya at tinalikuran ako. Naka pamulsa na naglakad palayo habang naka yuko. Masaya ako na may kaibigan ako na katulad nya. Naiintindihan nya ako.

Ginawa ko ang sinabi nya. Nakaupo ako sa dalampasigan na yakap ang tuhod ko. Inalala ko ang huling pag uusap namin ng ex ko.

Flashback....

No. Please babe don't leave me:(
Gagawin ko lahat. Magbabago ako for you. Ano bang ayaw mo babaguhin ko just please... Stay:'(
Umiiyak na pag mamaka awa ko sa kanya.

"Im sorry. Were done. Im not happy anymore. "

Yun lang at tinalikuran na nya ako. Masakit.. Sobrang sakit. Naiwan akong luhaan at pinag titinginan ng mga tao sa loob ng restaurant.

End of flashback...

Pinahid ko ang mga luhang pumatak sa pisngi ko. Tinignan ko ang palubog ng araw at pumikit. Pinangako ko sa sarili ko na huli na ang pag iyak na'to..

"Tapos ka na? ^__" Thei

Naka ngiting tanong nya sa akin. Nag nod lang ako. Inoffer nya ang kanyang kamay para alalayan akong tumayo.
Tinanggap ko naman ang kamay nya.

Saan ka nakarating?
Tanong ko sa kanya.

"Uhm dun sa kabila"

Napansin ko na namumula ang ilong at mga mata nya. Umiyak sya?

Umiyak ka ba?? Yza

"Ano naman ang iiyakan ko? Dami mong napapansin. Tara na nga dun sa room natin. Mag prepare na'ko ng dinner natin. May ipapa kilala pa ako sa'yo mamaya ih" thei

May pag kindat pang nalalaman ang kumag na'to. Sinabit ko na lamang ang kamay ko sa braso nya at sabay na pumunta sa room para mag prepare.

------------

AN:

So kamusta?? Drama ba? Hehehe
Crush, hindi ko alam kung yan ba eksaktong ngyari sayo pero sana nagandahan ka^_^

OKAY LANG AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon