HURTING INSIDE

1.2K 6 4
                                    


Ang hirap naman intindihin ng trip ng katulad nila:(
Aware kaya sila na nakaka baliw yung ginagawa nila? Hahah i'm sure hindi^_^
---------------

Fresh na fresh ako ngayon!^_^
Katatapos ko lang maligo. Nakatambay ako sa bagong spot na naman ng bahay.. Sa garage!! Hahaha...

Hanggang ngayon hindi pa din ako maka get over sa nangyari kanina.
Hindi ko naisip na after 8 years, mangyayari ulit sa'kin yon. At sa same public place pa:(

Flashback...

Dito ako sa computer shop ngayon.. Bakit? Kasi today is FRIENDSHIP DAY!! Ipo-post ko sa fb namin yung gift ko for her. Chaka titignan ko na din yung sinasabi niyang bago nyang fave song.

Post.. Done!!
Youtube naman! Search ng kanta..
Yun! Play!

^____^......°_°......-_-.....T_T

Yan ang ichura ko.. Para 'kong sumakay sa space shuttle ng EK..

Excited ka sa una, kasi di mo alam kung ano yun, sa unti unting pag kanta, naiintindihan mo yung message, hanggang sa masakit pala sa puso^_^

Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko habang tinatapos pakinggan yung kanta na gusto niya. Ewan ko kung bakit, pero nasaktan talaga ako.. Pakiramdam ko para sa'kin yon.. After ng kanta, nag text ako sa kanya.

Maganda pala ha? E ang sakit neto ih^_^

Maganda kaya! Ikaw nga naisip ko nung narinig ko yan

Aruy!! Sapul! So para sa'kin nga????
Hindi ko kaya. Ansaket!! Nagulat na lang ako ng may pangahas na kamay ang humawak sa kamay ko na nakapatong sa table. Gustuhin ko man alisin e di ko magawa dahil wala akong lakas. Nanghina yata ko dun sa narinig ko. Tumutulo na pala ulit ang luha ko. Eto yun ih!

Yung binaon ko sa limot 8 years ago. Yung nasa computer shop ka at umiiyak dahil sa sakit na pinaramdam sayo. Etong - eto yun!

Naka tungo lang ako at hinintay kong tanggalin nya yung kamay niya na naka patong sa kamay ko.
Pero tulad ko, hindi din siya kumikilos.
Inis na tinignan ko siya at sinigawan.

Kamay mo! ~_~

S-sorry..

Nagulat yata siya.. Sa mga oras nato wala akong pakelam kung sino siya. Kung Kilala ba nya ko o hindi.. Tumayo ako at nag bayad na..

End...

Sinubukan kong tanungin siya kung ano ang maganda sa kantang nagustuhan niya. Sabi kasi niya sa'kin maganda daw yon at ako daw ang naisip niya don.
Gusto ko din malaman kung mali nga lang ba ko ng interpretation dun, hindi naman sa humohopia ako, pero hindi naman siguro niya sasabihin na para sa'kin yon kung hindi maganda yung reason?

I honestly don't know:)
Yan sagot niya..

Hindi niya alam?? E ako naisip niya don tapos hindi niya alam?? Niloloko naman ako neto ih-_-

Ay ambubu ko!! Manhid nga pala siya-_-
So malamang hindi niya naisip na makaka sakit ng very light yun hahah.

Wala na akong maisip na pwedeng pag usapan, ayoko din naman na matapos lang sa malungkot na pakiramdam ang buong araw ko. Sinabi ko sa kanya na maganda yung kanta. Kahit ang totoo, masakit yon.
At dahil dakilang manhid talaga siya, hindi niya naisip na masakit talaga yon.

Hindi ko naisip na isang kanta lang ang magpapa mulat sa'kin ng lahat. Pakiramdam ko, sinasabi sa kantang yun ang mga bagay na hindi niya masabi sa akin..

Pero kahit ganon ang nangyari, dedma pa din ako.. Ayokong iparamdam na nasaktan ako. Masaya pa din akong nakikipag usap sa kanya. Isa pa, special day to para sakin.
Ayoko din saktan pa lalo ang sarili ko sa pag iisip sa bagay na yon.

-----------------

Sa nangyari ngayon, isa lang ang na realize ko.. I'm still lucky coz i have her
Lucky coz she treated me as a friend.
Lucky coz she makes me feel special
Lucky coz she made me feel appreciated.
She never failed to complete my day; lahat yata ng pakiramdam e naramdaman ko na sa kanya, syempre except sa magalit.
Wala naman reason para maramdaman ko yun sa kanya.

Masaya na akong minahal niya din ako..
Hindi man sa way na gusto natin pero mas okay na, Kasi alam mong hindi mawawala sayo. At kung mawala man, alam mong hindi ka nag kulang sa pagpapa ramdam kung gaano siya ka special sayo. Kung gaano siya kahalaga at kung gaano mo siya kamahal^_^

END OF STORY

====================================
A/N

Tama beybe^_^
Tapos na ang story na 'to..
Sad ba ending?? Hindi naman..
Kasi umpisa pa lang wala nang SILA..
FRIENDSHIP,, un lang ang meron sila na hanggang ngayon at bukas at sa susunod na bukas at sa sa isang buwan at sa isang taon at hanggang sa madami pang taon, FRIENDS pa din sila^__^

Assumera lang talaga ang pabidang palaka hahahaha!
Maraming maraming salamat sa mangilan ngilan na nagbasa^_____^

OKAY LANG AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon