DEAR LIE

1.2K 33 4
                                    

Thei's POV

"Hello"
"Mamaya? Anong oras?"
"Ok sige game kami"
"Bye"

Tumawag si Nuri. Nag aaya mag bar mamaya. Isama ko daw si yza.
Tinawagan ko naman agad si yza.

"Hey yza, bar tayo mamaya. Kasama sila Nuri. Wala ka naman pasok bukas kaya dadaanan kita mamaya."

Hindi ak----

Hindi ko na siya pinatapos mag salita.

9:00PM ang usapan. Magkikita kita na lang kami sa bar.
8:30 ko dadaanan si yza, medyo malapit lang naman yung bar.
Malapit na ako sa bahay ni yza nang mapansin ko ang isang kotse na naka park sa tapat ng bahay niya. Napatingin ako sa pinto at nakita ko doon ang ex niya. Si Rein?? Magka yakap sila at.... nagkikiss???

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko.. Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinext siya.

"Hi yza. Ready ka na ba? " send

Thei sorry. Hindi ako makaka sama. Next time na lang

"Ha? Bakit? May nangyari ba?"

Binisita kasi ako ng pinsan ko.

Bakit ganon ang reply niya? Bakit kailangan niyang mag sinungAling sa'kin??

"Ganun ba? Sige enjoy na lang kayo ng pinsan mo." Send

Solo akong pumunta sa bar.
Nakita ko sila Nuri na naghihintay sa akin.

O bakit ikaw lang? Saan si yza? -nuri

"Uhm may bisita. Dumating ang pinsan nya"

Sinakyan ko na lang ang trip ni yza. Wala naman ako magagawa kung hindi ako ang gusto niyang kasama.. Hindi ko din sinabi sa mga kaibigan ko ang totoo.

Chill lang pala ang bar na'to. Akala ko naman yung typical na bar na maingay. Acoustic ang tugtugan dito. Pwede ka din mag request ng kanta or ikaw mismo ang kumanta..

Pumasok kami sa loob ng bar at tinungo ang table kung saan naroon na ang mga kasama namin. Nagulat ako dahil nandun pala si jean.

Hi Thei! Surprise^_^

"Hello!" Pilit na ngiti ang ganti ko sa kanya. Malungkot kasi ako.

May kanya kanyang business ang mga kasama ko dito. Si toni naka hilig ang ulo sa balikat ng boyfriend niyang si harold. Si lhea naman yakap ng boyfriend na si frank. Si nuri naman holding hands with boyfriend vaugn. Kami lang ni jean ang walang partner dito.

Thei are you okay?

"Yup! Why? ^_^"

Muka ka kasing problemado.

" okay lang ako jean. Dont worry thankie"

Tumayo si Frank at lumapit sa vocalist ng banda. Nag request pala siya. Dedicated daw para kay lhea. Sweet. Inggit much!

Habang kumakanta si vocalist ay nag hug naman si frank kay lhea.

Pssh e di kayo na may lablayp~_~

After ng request session, tumayo ang vocalist at nag speech. May segment pala na pipili sila ng bisita para kumanta.
Nakaka ilang bote na kami nang matapat sa pwesto namin ang ilaw na hudyat na may napili na sila. Kulay blue ang ilaw. Nagpalakpakan ang lahat. Hindi namin alam kung sino sa amin ang natapatan ng ilaw. Bigla naman ang bukas ng green na ilaw na saktong tumama sa muka ko. Nasilaw ako kaya napatayo ako. Nagpalakpakan naman lahat. Napatingin ako sa mga katabi ko at pati sila ay naka ngiti na pumapalakpak. Nagulat ako ng hilahin ako ng vocalist at dalhin sa stage. Hala anong kakantahin ko? Medyo may amats na'ko nakaka hiya naman

_________________

OKAY LANG AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon