PAUBAYA

39 2 0
                                    

(PART 1, SEPTEMBER 23, 2021)

Nakaupo ako sa bandang dulo na lamesa dito sa reception ng kasal para hindi agad ako makita. Nakatanaw lang ako sa lalaking nasa harap katabi ang babaeng magiging kasama niya habang buhay.

I smiled bitterly while reminiscing our memories together. Mula sa una naming pagkakakilala hanggang sa maging kami.

——————————

It was the first day of school. I was walking in the corridor when I suddenly bumped into a guy. Hindi ko siya nakita kaya nabangga ako sa kanya, muntik pa akong matumba.

"Sorry, are you okay?" Napaangat ako ng tingin nang magsalita siya at bigla akong natigilan.

Sino ba naman ang hindi matitigilan kung bigla mong makaharap si Zeus. Joke! Ang gwapo niya kasi.

"Y-Yes, I'm fine. Ako nga dapat ang mag-sorry sa 'yo," sagot ko at napakamot sa batok.

"It's fine. By the way, I'm Cleid. You?" Inilahad niya ang kanyang kamay na parang gustong makipag-shake hands.

Tinanggap ko ito. "I'm Clover."

Napatitig ako sa mukha niya ng ngitian niya ako. Those hazelnut eyes are hipnotizing me.

Napansing kong ilang segundo na rin kaming nakikipag-kamayan kaya ako na mismo ang bumitaw.

I cleared my throat before speaking. "Anong strand mo?"

"STEM. Ikaw?"

"What a coincindence, we have the same strand," ngiti ko.

"Sabay nalang siguro tayo. Hindi ko pa kasi alam ang pasikot-sikot dito." Awkward siyang ngumiti dahilan para matawa ako.

"Sure," sagot ko at nagsimula nang maglakad.

Habang papunta sa room namin, nagku-kwentuhan kami. Kalilipat lang pala nila dito sa Maynila at doon sila lumipat sa village kung saan ako nakatira. Mukhang hindi lang kami magka-klase, magkapitbahay din pala.

Nang makarating sa room ay pinauna ko na siyang pumasok. At doon nagsimula ang pagkakaibigan namin.

••••

Mas naging close pa kami ng malaman niyang nasa iisang village lang kami nakatira. We've become best friends.

We always help each other, mapa-school works man or personal problems. Takbuhan namin palagi ang isa't isa.

••••

"Clover!"

Mabilis pa sa alas kuwatro akong nakabangon nang may sumigaw ng pangalan ko.

Anak ng.. umagang-umaga, sumisigaw.

Binuksan ko ang bintana at sumilip sa labas. Alam kong hindi mula dito sa loob ng bahay ang sumigaw dahil kung dito man iyon galing, eh, malamang nag-eecho na iyon.

My brows furrowed when I saw Cleid. Halatang katatapos niya lang mag-jogging dahil naliligo pa siya ng pawis.

At dahil pawis na pawis siya, bakat na bakat sa suot niyang sando ang abs niya.

I want to touch—no! Come to your senses, Clover! Aba, best friend mo pinagnanasahan mo?!

"What are you doing here?" tanong ko at lumingon sa may pinto ng kwarto ko kung saan katabi nito ang wall clock. "It's.. It's 5:00 AM! There better be a good reason why you woke me up in my good sleep!"

Tumawa muna siya bago sumagot. "Chill, Clo. Aayain lang naman kitang mag-jogging. Aga-aga, ang init ng ulo."

"Sino ba naman ang hindi maiinis kung gigisingin ka sa masarap at mahimbing mong tulog para lang mag-jogging!" Malakas kong hinampas ang bintana dahilan para magkaroon ito ng crack. Tsh.

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now