EASY ON ME

26 2 0
                                    

(JANUARY 19, 2022)

Bumangon ako mula sa pagkakahiga dahil nabulabog ang masarap kong tulog. Tumayo ako at sumilip sa bintana. Nakita ko ang isang lalaki sa may gate at nagpapatugtog ng malakas, not minding that he'll wake all the people that's sleeping in this house.

Sinuot ko ang jacket at may kinuhang gamit mula sa drawer saka lumabas ng bahay.

Habang papalapit sa lalaki ay nagiging malinaw sa akin ang kantang pinapatugtog niya. It's Easy On Me by Adele.

Nakatayo siya sa gate at nakatalikod sa akin kaya hindi niya ako mapapansin. Tahimik akong naglalakad habang kinukuha ang kutsilyo mula sa likod.

Nang makalapit sa kanya ay agad ko siyang sinaksak sa likod at bumulong.

"I'll go easy on you," I grin.

Sinaksak ko siya sa ng dalawang beses sa likod. Sinaksak ko rin siya sa paa at kamay saka kinuha ang panyo sa jacket ko at tinakpan ang bibig niya. Sinipa ko ang likod ng tuhod niya dahilan para bumagsak siya.

Dahil sa mga sugat na natamo niya, wala na siyang lakas pa para lumaban.

Ilang araw ko 'tong pinagplanuhan at ngayon, makakaganti na rin ako sa gagong 'to.

Dinala ko siya sa basement at tinali sa upuan. Nilapag ko ang kutsilyo sa lamesa kung saan may nakalagay rin na iba't ibang armas.

"Pakawalan mo ako rito, Jaja!" pagpupumiglas niya.

Tumawa ako at kinuha ang isang dagger. Natigil siya sa ginagawa nang mapatingin siya sa hawak ko.

"A-Anong gagawin mo? B-Bitawan m-mo 'yan!"

Tumayo ako sa harap niya inukitan ng letter J ang pisngi niya. Sigaw siya nang sigaw at nagmamakaawang tumigil na ako pero hindi ko siya pinansin.

"Manahimik ka nga!" sigaw ko. Ibinaon ko sa hita niya ang dagger dahilan para mapasigaw na naman siya.

Lumapit ulit ako sa mesa at kumuha ng kutsilyo saka bumalik sa harap niya. Binunot ko ang kutsilyo at ibinaon na naman sa kabilang hita. Sumigaw na naman siya at kinuha ko ang pagkakataong iyon para mahawakan ang dila niya at putulin ito.

Malakas akong tumawa at pinakita sa kanya ang sarili niyang dila.

"Well this is satisfying," tumawa ako. "I didn't know that cutting your tongue would make me so happy."

Tumalikod ako sa kanya at inilapag sa mesa ang mga hawak ko.

"I wanna kill you in an instant but I stop myself. Why?" Lumingon ako sa kanya. "Dahil gusto muna kitang saktan ng husto. Gusto kong mamatay ka ng dahan-dahan."

"Kung tutuusin, kulang pa nga ito kumpara sa naranasan namin ng mga kapatid ko mula sa kamay mo." Kinuha ko ang isang latigo at tumayo sa harap niya.

Hinataw ko siya ng paulit-ulit. Bumubuka ang bibig niya pero walang lumalabas na ingay dahil nga wala na siyang dila. Nang makitang dumudugo na ang katawan niya ay doon pa lang ako tumigil.

Bumalik na naman ako sa mesa at kumuha ng gunting. Pumwesto ako sa likod niya at pinutol ang kanyang buhok pero hindi ako nakuntento kaya sinaksak ko ang gunting sa likod ng leeg niya.

Nang mapansing hindi na siya gumagalaw ay doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. Kumuha ako ng tuwalya at pinunasan ang kamay na puno ng dugo.

Lumabas ako ng bahay at tumayo sa labas ng pinto. Kinuha ko ang posporo mula sa bulsa at sinindihan ito.

"Tapos na ang paghihirap ko," bulong ko at hinagis ang posporo sa loob ng bahay.

Lumabas ako ng gate at pinanood ang bahay na nilalamon ng apoy.

Tumingala ako sa langit.

"Nabigyan ko na kayo ng hustisya, Ma, Pa, Ate, Bunso. Wala na ang lalaking naging sanhi ng pagkamatay niyo at ng paghihirap ko." Hinawakan ko ang puson ko. "Wala na ang lalaking pumatay sa Daddy mo, baby. Love, I'm now free."

@cloudnine

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now