POLAROID

17 2 0
                                    

(FEBRUARY 4, 2022)

Nagbibihis ako ngayon dahil nag-aaya si Shen na gumala sa amuesement park. Humarap ako sa salamin at tinignan ang suot ko.

"Pwede na 'to." Kinuha ko na ang sling bag ko at ang bago kong camera na bigay sa akin ni Tita no'ng birthday ko.

Lumabas akong kwarto at naabutan si Mama na nanonood sa sala.

"Ma, alis po muna ako. Gagala kami nina Shen," paalam ko at humalik sa pisngi niya.

"Sure, just be back before dinner," sabi ni Mama. Nakangiti naman akong tumango at lumabas na ng bahay.

Agad naman akong nakarating sa park. Nasa isang stall sila ng street foods. Kumpleto na sila at mukhang ako nalang ang hinihintay.

"Hey." Kumaway ako at lumapit sa kanila.

"Max, kuha ka lang ng gusto mo, libre lahat 'to ni Dave," sabi ni Shen at inabutan ako ng stick.

"Hoy, anong libre ko lahat?! Sabi mo hati tayo!" reklamo ni Dave.

Natawa nalang ako at kumuha na ng pagkain. Nagsisimula nang magbangayan sina Dave at Shen pero hindi ko na sila pinansin.

"Oy, Max, ano 'yang hawak mo?" tanong ni Cole at ininguso ang kamay ko.

Tinapon ko muna ang stick bago siya sinagot. "Bago kong camera, bigay ni Tita. Ngayon ko pa lang gagamitin 'yan kasi gusto kong picture nating barkada ang unang malalagay d'yan."

"Kikiligin na ba kami?" biro ni Talia. Tumawa lang ako.

Biglang kinuha ni Renz ang camera kaya nagulat ako. Muntik ko na siyang masapak kung hindi lang siya nakalayo.

"Picture tayo, bilis!" sabi niya.

"Pwede mo namang kunin sa akin ng maayos! Hindi 'yong nanggugulat ka!" Inambahan ko siya ng suntok pero agad siyang tumakbo papunta sa likod ni Dave para magtago.

"Tara, tara, picture na tayo." Kinuha ni Cole ang camera mula kay Renz. Lumapit siya sa isang babae at nag-request kung pwede ba niya kaming picturan.

Agad kaming pumwesto ng pumayag ang babae. Katabi ko si Talia at Shen habang naka-squat naman sa baba namin ang tatlong lalaki.

"1, 2, 3, smile!"

"Thank you," pagpapasalamat ko at kinuha ang camera. Lumapit sila sa akin para tignan 'yong picture.

"Naks! Kahit kailan, ang gwapo ko talaga!" mayabang na sabi ni Renz at nag-pogi pose pa.

Inirapan ko siya. "Saan banda, aber?"

"Nasa dugo namin ang pagiging gwapo, Max," sagot niya.

"Kaya pala hindi ko makita kasi nasa dugo at wala sa mukha," pang-aasar ko. Parang nainis naman siya doon at lumakad papunta sa mga bench.

Napailing nalang kami at sumunod sa kanya.

May pabilog na mesa dito at pwedeng umupo ang anim na tao. Nagkukwentuhan lang kami habang kumakain at hindi na namalayan ang oras.

"Uy, malapit na palang mag-alas sais. Kailangan ko nang umuwi," sabi ni Cole at tumayo.

"Sabay-sabay na tayo." Niligpit na namin ang kalat at nagsitayuan.

Hindi pa kami nakakalayo nang biglang may nakakabinging pagsabog at naramdaman ko nalang ang pagtilapon ng katawan ko.

Ang mga duguang katawan ng mga kaibigan ko ang huli kong nakita bago dumilim ang lahat.

••••

Dumilat ako at puting kisame ang bumungad sa akin. Napahawak ako sa ulo ko at dahan-dahang umupo. Based on the surroundings and the smell, I'm guessing nasa ospital ako.

Nanlaki ang mata ko nang biglang maalala ang mga kaibigan ko.

Nanghihina man ay sinubukan kong tumayo pero hindi ko pa naaapakan ang sahig ay bumukas ang pinto.

"Max!" Dali-daling lumapit sa akin si Mama at inalalayan akong umupo.

"M-Ma, nasaan ang mga kaibigan ko? Okay lang ba sila?" Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat.

Tumingin sa akin si Mama at malungkot na ngumiti. Mas lalo akong kinakabahan dahil sa pinapakita niya ngayon.

"Y-Your friends.. didn't make it.." Para naman akong nabingi sa sagot ni Mama.

‘No.. It can't be. Hindi nila ako iiwan, hindi!’

"Haha, this is a joke, right? Sabihin mo, Ma, joke lang 'to." Pilit akong tumawa at pinipigilan na maluha.

"I'm sorry.." Nagsimula na siyang umiyak dahilan para hindi ko na mapigilan pa ang luha ko. "Ikaw lang ang naka-survive sa pagsabog, 'nak. Wala na ang mga kaibigan mo."

••••

Lumuluha ako ngayon habang hawak ang naka-frame naming litrato ng magkakaibigan. Ito 'yong huli namin picture. Hindi nasira ang camera ko kaya nai-print ko pa ang picture namin.

Napatingin ako sa limang kabaong sa harap ko. I want to shout, cry, and beg them to wake up kasi hindi ko pa rin matanggap.

Ang sakit.. Ang araw na magiging masaya kami ay ang huling araw na makakasama ko sila.

"We took a polaroid, you signed your name upon it.. I put it in my wallet, hoping I'd see your face again.." Hinalikan ko ang frame at napaluhod.

Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak dahil iyon nalang ang magagawa ko. Hindi ko na maibabalik pa ang mga kaibigan ko.

@cloudnine

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now