ICE CREAM CAKE

24 2 0
                                    

(JANUARY 18, 2022)

Papunta ako ngayon sa condo ng kaibigan ko habang bitbit ang isang ice cream cake. Birthday niya ngayon at mamayang gabi pa ang party pero gusto kong ibigay sa kanya ngayon umaga ang cake na binili ko. Ice crean cake is her favorite cake.

"Good morning, Ma'am," bati ng guard nang makapasok ako sa building. Kilala na niya ako dahil pabalik-balik ako dito. Close na nga kami nitong kuyang guard.

"Good morning, kuya," bati ko pabalik at binigay sa kanya ang isang paper bag.

"Ano po 'to, Ma'am?" Sinilip niya ang loob.

Ngumiti ako. "Pasensya na, kuya, at medyo late ang regalo ko," I chuckled. "Kahapon ko lang kasi nalaman na birthday niyo pala no'ng isang araw."

Nanlaki ang mata niya. "Ay, nako, salamat po, Ma'am."

"You're welcome. Una na ako, kuya, at pupuntahan ko pa si Liz," paalam ko.

"Sige po, Ma'am. Pakisabi po kay Miss Liz na happy birthday," sabi niya.

Nakangiti akong tumango at sumakay ng elevator. Nasa 19th floor kasi ang condo unit ni Liz kaya kailangan mo talagang sumakay ng elevator.

Nang makarating sa floor na 'yon ay ang tahimik na hallway ang sumalubong sa akin. Tahimik talaga itong floor na 'to kasi si Liz pa lang ang nakatira.

Magdo-doorbell na sana ako nang biglang bumukas ang pinto.

"You're early. Mamayang gabi pa ang party," sabi ni Liz at mahinang tumawa.

"Well, I wanna give you something early," sagot ko at pumasok. Sinara niya ang pinto at sumunod sa akin papuntang kusina.

Nilapag ko ang cake sa mesa. Nang dumapo ang tingin niya sa cake, bigla nalang siyang tumili.

"Oh, my gosh! My favorite cake! Ahh! Thanks, Alexa!" Kinuha niya ang cake at kulang nalang yakapin niya ito.

Umupo ako sa stool na upuan sa may counter at pinanood lang siya. Kumuha siya ng kutsara at agad na nilantakan ang ice cream cake. Bigla nalang akong napangiti. I'm happy that she's happy but I'll be more happy kung mawawala na siya sa buhay ko.

Napatayo ako nang bigla siyang matigilan at mabitawan ang hawak niyang kutsara. Napahawak siya sa leeg niya at umuubo. Lumingon siya sa akin at kita ko ang unti-unting pamumula ng mukha niya.

I slowly walk towards her with a grin plastered on my face. Unti-unti naman siyang umaatras na parang gustong lumayo sa akin.

"Masarap ba, Liz?"

"Wha.. What d-did you do to.. to me?" tanong niya habang nahihirapang huminga.

"Oh, nothing. I just put some poison on your favorite ice cream cake," nakangisi kong sagot.

"B-Bakit.. Bakit, A-Alexa? Ano.. Anong ginawa kong m-masama sa 'yo?"

"Nagmamaang-maangan ka pa? You didn't thought I wouldn't know that you're doing shits behind my back?!" sinigawan ko siya. Nawalan siya ng balanse at bumagsak sa sahig.

"W-What?"

"Akala mo hindi ko malalaman na ikaw ang dahilan kaya hindi ko nakuha ang scholarship ko?! Kasi binayaran mo ang school?! Akala mo hindi ko malalaman na ikaw ang kabit ng boyfriend ko?! Akala mo hindi ko malalaman na ikaw ang anak ng kabit ng Papa ko?! Ang dahilan kung bakit nagkanda-leche-leche ang buhay namin ni Mama?!"

Nanlaki ang mata niya at umawang ang bibig. "A-Alexa.."

Umupo ako sa sofa. "You only have 2 minutes left, Liz. Any last words?"

"A-Alexa, I'm.. I'm s-so sorry.." Gumapang siya papunta sa akin. She tried to hold my feet but I kicked her.

"Wala ng magagawa iyang sorry mo." I looked at her with no emotion. Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto. Bago ko ito buksan ay nilingon ko muna siya.

"Happy birthday again, Liz. Hope you like your favorite cake." Tumawa ako at lumabas na.

@cloudnine

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now