TAKEN

66 2 0
                                    

(MARCH 5, 2022)

Nagmamadali akong magbihis dahil may lakad ako ngayong hapon. Nakatulog ako kanina at muntik nang makalimutan na may date kami ni Lax.

Simpleng jeans at fitted pastel pink shirt lang ang sinuot ko. Naglagay rin ako ng kaunting make-up saka nag-rubber shoes. Pagkatpos ay kinuha ko na ang phone, sling bag, at susi ng sasakyan.

Patakbo akong bumaba ng hagdan, muntik pa ang mahulog kung hindi lang ako nahawakan ni Kuya.

"Ba't ka ba nagmamadali? Gusto mo atang sa ospital dumiretso at hindi sa kung saan man ang lakad mo," sarkastiko niyang sabi at sinabayan ako pababa.

Napakamot ako sa batok. "Sorry, Kuya. May date kasi kami ngayon ni Lax, eh, almost 30 minutes na akong late."

"Sus, parang hindi na 'yon nasanay sa 'yo, eh, parati ka namang late sa mga lakad niyo," pang-aasar niya saka tumalikod at lumakad papunta sa kusina.

Napanguso nalang ako at lumabas ng bahay. Agad kong pinaandar ang sasakyan at humarurot papunta sa resto.

Mabilis akong nakahanap ng parking space. Pagka-park ko sa sasakyan ay tumakbo na ako papasok. Tumayo ako sa entrance at nilibot ang paningin, hinahanap si Lax.

Nakita ko naman siyang nakaupo sa table na katabi lang ng stage, may kasama siyang isang lalaki at isang babae. Nakatalikod ang dalawa niyang kasama sa entrance habang siya ay nakaharap dito.

Siguro kakila lang niya at nag-uusap muna sila kasi hindi pa ako dumadating.

Inayos ko ang sarili at naglakad papunta doon. Nang makita niya ako ay tumayo siya at kumaway sa akin. Napangiti naman ako at binilisan ang paglalakad.

Pumunta ako sa tabi niya at hinalikan siya sa pisngi. "Hey, babe, sorry I'm late."

"It's fine," ngiti niya at humarap sa mga kasama. "Uh, Ja, you remember my cousin? Blake?"

Humarap ako sa kanila. "Ah, oo. Hi."

"This is her girlfriend, Shan." Tinuro niya ang babaeng katabi ng pinsan niya. Ngumiti ako at tinanguan niya. Nginitian niya naman ako pabalik.

Umupo na kami at sakto namang may dumating na pagkain. Mukhang nag-order na siya.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang may biglang dumating na isang lalaki. Isang lalaki ayaw na ayaw kong makita.

"Natagalan ako, naka-problema sa CR. May gunggong na nanggugulo doon," sabi niya at umupo sa tabi ni Blake.

Nabitawan ko ang kutsara dahilan para mapatingin sila sa amin. Nanlaki ang mata niya ng makita ako.

"Janice.." usal niya.

"Babe, you okay?" tanong ni Lax at pinulot ang nahulog kong kutsara. Inilagay niya iyon sa mesa saka humarap sa akin. "Are you okay?"

Lumingon ako sa kanya. "Uh.. Yeah, I'm good." Kinuha ko ang tubig at ininom iyon.

"Si Jackson nga pala, kaibigan ni Blake," pagpapakilala niya.

‘Kilala ko siya. Siya lang naman ang gago na nang-iwan sa akin.’ Gusto ko 'yang sabihin pero 'wag nalang. Baka magkagulo pa dito.

"I'm J-Janice, Lax's girlfriend," pagpapakilala ko at pinilit na hindi pumiyok.

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata niya pero agad din naman iyong nawala at ngumiti siya sa akin. "Jackson." Inilahad niya ang kamay.

Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya at nakipag-shake hands. Pagkatapos no'n ay binalik ko na ang atensyon sa pagkain. Pinilit kong ayusin ang sarili para hindi makahalata si Lax na naiilang ako.

Alam ni Lax na may ex ako pero hindi niya alam na kaharap namin ito. He never asked about his name pero alam niya ang pinagdaanan ko sa past relationship ko.

I just hope na magiging maayos itong araw na 'to kahit na uwing-uwi na ako.

I want to pero magtatanong si Lax kung bakit and I can't lie because he knows when I'm lying, mamumula ang tenga ko.

••••

"CR lang muna ako," paalam ko kay Lax at tumayo.

Nagmamadali akong pumunta sa CR at mabilisan lang ang ginawang pag-ihi. Lumabas ako ng cubicle saka naghugas ng kamay. Napatigil ako at tumingin sa repleksyon ko sa salamin.

Bakit? Kung kailan okay na ako, saka ko naman siya nakita. Dahil sa pagkikita namin ngayon, bumalik na naman sa isipan ko ang masasakit na ginawa niya sa akin.

Sigurado akong hindi ko na siya mahal dahil wala na akong nararamdaman pa bukod sa galit.

Lalabas na sana ako pero agad ring natigilan nang makita kung sino ang nakasandal sa gilid ng pinto at parang may hinihintay.

Nagsalubong ang kilay ko. "Anong ginagawa mo?"

Napalingon siya sa akin at umayos ng tayo.

"Janice, I'm so sorry." Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko at hindi ko siya hinayaan.

"Para saan pa? At bakit ka pa nagpakita?"

"I want to apologize for what I did before. I was such a jerk back then."

Pinagkrus ko ang mga kamay at tumingin lang sa kanya.

"Alam kong malaki ang naging kasalanan ko. Alam kong sobra kitang nasaktan noon pero gusto ko nang bumawi sa 'yo ngayon. Gusto ko ng itama ang lahat ng mali ko noon." Humakbang siya papunta sa akin kaya napaatras ako. "I want you back, Ja."

Tumawa ako ng malakas na para bang may sinabi siyang nakakatawa. "Bingi ka ba? Bulag ka ba? Hindi mo ba narinig kanina na girlfriend na ako ni Lax? Ngayong masaya na ako sa piling niya, guguluhin mo naman ako. Yes, pinapatawad na kita pero hindi na ako makikipagbalikan sa 'yo. I don't love you anymore, Jack."

Agad akong tumalikod at umalis doon. Nanggigigil ako sa pagmumukha niya. Kanina ko pa siya gustong sapakin, kaso baka magkagulo lang dito.

••••

"Uy, Ja, narinig ko maganda raw ang boses mo. Kantahan mo naman kami," sabi ni Blake.

Parang nahiya naman ako at agad na tumanggi.

"Sige na, babe. Isang beses pa lang kitang narinig na kumanta. Gusto kong marinig ulit ang boses mo," pang-uudyok pa ni Lax kaya wala na akong nagawa kun'di ang pumunta sa stage.

Kinausap ko ang banda at sinabi ang kakantahin ko. Alas otso na ng gabi kaya hindi na masyadong marami ang customer.

Tumikhim muna ako at inayos ang mic. Nagsimula nang tumugtog ang gitara kaya hinanda ko na ang sarili.

"Now that you can't have me, you suddenly want me?
Now that I'm with somebody else, you tell me love me~"

Tumingin ako kay Jackson na nakatingin rin pala sa akin.

"I slept on your doorstep, begging for one chance.
Now that I've finally moved on, you say that you miss me all along~"

Bigla kong naalala ang araw na nakita ko siyang kahalikan ang isang babae sa bar. Kung hindi pa ako pumunta doon, baka nagtatalik na sila.

"Who do you think you are? Who do you think I am?
You only love to see me breaking, you only want me cause I'm taken~
You don't really want my heart, no you just like to know you can~
Still be the one who gets it breaking, you only want when I'm taken~"

Maraming beses na niya akong sinaktan, maraming beses ko na siyang nahuli na may babae pero hindi ko maiwanan dahil mahal ko.

Pero isang araw, bigla nalang akong natauhan. Bigla ko nalang na-realise na sumusobra na siya, na inaabuso niya ang pagmamahal na binibigay ko. Kaya nakapag-desisyon akong hiwalayan na siya.

Hindi man lang niya ako pinigilan, masaya pa nga siya no'ng makipaghiwalay ako. Mas pinili pa niya ang kabit niya kesa sa akin.

He left a diamond and decided to take a simple rock.

Napatingin ako kay Lax. Nginitan ko siya at nag-flying kiss. Natatawa niya naman iyong sinalo at kunwaring nilagay ang halik ko sa bulsa niya.

Mahal na mahal ko si Lax at hinding-hindi ko siya iiwan. Sigurado na akong siya na ang kasama ko hanggang sa pagtanda.

@cloudnine

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now