PROLOGUE

2.8K 83 1
                                    

"Dismissed!" The blonde bratty professor said. Akmang tatayo na sana ako kaso muli siya nag salit.

"Ms. Cortez, stay." napapikit ako at huminga ng malalim. Pasalamat ka maganda ka, prof.

Lumapit naman ako na nakangiti ng malapad. "Yes, prof?" Inirapan naman niya ako. Siya na nga tumawag sakin tinarayan pa din ako??

"I know you aren't ms. Cortez." tinamaan niya ko ng mga matatalim na titig. Tumawa na lang ako ng bahagya. "obvious po ba?" She rolled her eyes. "I'm not stupid, obviously!" oh bakit ka galit?

I looked at her deadpanned. "Edi congrats po, gusto niyo star?" Mas lalo naman sumama ang tingin neto sakin. Galit na galit, hindi ata dinidiligan si prof.

"Excuse me?! I'm your professor!" I rolled my eyes. "For your info, I don't even take this class." minasahe naman niya ang noo niya na tila stress na stress sa sitwasyon.

"Then what the hell are you doing here??" Naka-isip naman agad ako ng pwede ko pa pang pikon sa kanya. Nag kunwari akong tumingin sa taas na tila nag-iisip.

"To piss you off?" I grinned nung nakita kong galit na galit siya at akmang kukunin sana ang marker para ibato sakin.

Tumakbo naman ako papunta sa pinto pero bago ako umalis ay tinignan ko ulit siya. She just stared back with so much annoyance in her eyes.

"Bye ms. brat! nakalimutan ko pangalan mo eh!" Tumawa ako nang tinapon niya na nga ang marker na kanina niya pa hawak hawak.

"I'm not a brat!" I mocked her. "And i'm a law student." She looked at me confused. "You said you aren't?!" Tinignan ko siya ng maang maangan.

"Ay kala ko po sinasabi naten yung bagay na obvious naman na hindi tayo?" It took her a while to figure out pero when she did, her eyes grew and she threw a law book in my direction.

Jusko gusto pa ata ako patayin neto. Tumakbo na lang ako palabas habang tumatawa.

It's not so bad to come back here again.

Not So Bad Where stories live. Discover now