CHAPTER : III

527 36 3
                                    

HARVEY'S POV

"What do you mean inaway mo si ma'am?!"

I immediately glared at Mavy. "I said inaway NIYA ako." Tinakpan naman ni Mavy mukha niya gamit mga kamay niya tila pinagsisihan desisyon niya. We're currently in the cafeteria ng building nila and kakapasok pa lang ni Mavy. Sabi niya kase okay na siya at kaya niya na pumasok.

"Harvey pag ako talaga bumagsak kay Ms. Avellino ay ibabagsak din kita kay satanas." Mariin niyang bigkas at napairap naman ako. "You're being dramatic, you're fine." She groaned and I silently laughed at her state. May sasabihin pa sana siya nang biglang sinara niya agad bibig niya habang malayo ang tingin.

Napakunot noo naman ako at tinignan ang direksyon kung saan siya nakatingin. Doon ko nakita si Ms. Brat kasama ang dalawa pang professor na hindi ko kakilala. Nag ka bungguan naman kami ng tingin at nginisian ko siya na ibinalik niya ng sama ng tingin at umirap.

Nawala ang focus ko sa kaniya nang biglaan ako naka ramdam ng hapdi sa braso ko. Bumalik ang tingin ko kay Mavy pag katapos niya ako hampasin sa braso ko. "Ang sakit—Aray naman Mavy!" Hinihimas ko ang braso ko habang masama ang tingin ko sa kaniya. "Huwag ka na tumingin diyan at baka ipahamak mo na naman ako!"

"Bumalik ka na kaya sa building mo—" Before Mavy can even continue, she closed her lips immediately. "Ano? puwede ba tapusin mo ng maayos sinasabi m—" I also immediately shut my mouth when I turn around to see the three professors behind me. "M-ma'am!" Utal utal na parang natataranta na si Mavy. Ako naman ay napalunok nang makita ko masama na naman timpla ng mukha ng isang blondita na professor.

"It's nice seeing you Ms. Cortez, one and two." Mataray niyang panimula habang nanliliit ang kaniyang mga asul na mata. "A-ay miss, I can explain po!" Ngunit hindi naman ito pinansin at nanatili masama ang tingin sa akin. Ako na naman, bakit sakin masama tingin niya? eh kasalanan naman neto ni Mavy. "Mga m-ma'am u-upo po ba kayo? kase willing naman po kami uma—" Hindi ulit pinatapos si Mavy nang nag salita ang isang 'di pamilyar na professor. Tangina kawawang Mavy. "Give us space, Cortez." Malamig na usal ng isang professor. Wao same vibes ni Ms. Brat, mas seryoso lang siya. "O-opo Ms. Ferrer." Dali dali naman umusog si Mavy at pati tuloy 'din ako ay umusog na 'rin.

"Move, Solis. I don't wan't to sit next to whoever the imposter is here." Inirapan lang niya kaming dalawa at umupo sa tabi ng isa pang professor. Imposter? Are you serious?? Napairap na lamang ako sa kaartehan ng isang 'to at humarap kay Mavy na bagsak ang panga. "...You don't seem to be familiar, miss. Are you a transferee?" The nicer professor asked while analyzing me. I could here certain mumbles and I looked over at the blonde to see her making a mocking face while rolling her eyes at me. Bata ba 'to? sa totoo?

"No po ma'am, I take Fine Arts po." Magalang kong sinagot ang tanong niya at dahan dahan ito tumungo. "So what are you doing here?" I looked over at Mavy. Mukhang natatae amputa. I looked back at the professor and pointed at Mavy. "I'm her friend, i'm just here to uhh..help her?" Unsure ko sinabi kase feeling ko wala naman talaga ako naitulong kase nag drawing lang ako sa period ng professor nila.

"Help my ass..." I heard her whisper and  I smiled at Mavy innocently and she just rolled her eyes. Natahimik naman ulit ang lamesa dahil busy na kumain ang mga professor at syempre nahiya na 'din kaming dalawa sa kanila kaya't tumahimik na 'din ako. Maya't maya ay naramdaman ko naman ang pag vibrate ng cellphone ko kaya kinuha ko ito galing sa bulsa ko at tinignan kung tungkol saan ang notification.

Nakita ko na nag message na sa akin ang isa sa mga kaibigan namin na Fine Arts major 'din. Yes we have two more friends, twins actually. Si Aspen Nevaeh at Asher Heaven or as we call them, Asp and Ash.

Not So Bad Where stories live. Discover now