CHAPTER: IX

445 35 1
                                    

HARVEY'S POV

We're currently at our booth trying to help out kase nasita na kami dati ng mga professor kaya ayon. Edi tutulong na nga diba? Baka isumbong pa kami kay Ma'am Jha.

"Harvs naman! para kang bobo!" Galit na singhal sa akin ni Mavy. Wala naman akong ginagawa para tawagin bobo, grabe naman.
"Ano ginawa ko??" Lito kong tanong sa kaniya.

"Baliktad yung poster na pinako mo, gaga!" Binalingan ko ang ginawa ko at napaawang. Tangina baliktad nga. "Kung ikaw kaya ipako ko?!" Pikon na singhal ni Mavy.

"Tumigil nga kayo diyan, mag lalagay na nga lang ng poster 'di niyo pa magawa!" Singit naman ni Asp habang lumapit sa amin at pinagmasdan ang ginawa ko.

"Hindi ko na pansin, bakit galit na galit kayo?" Pati na 'rin ako ay unti-unti nang napipikon. Napakamot na lang ako sa batok.
"Asp, abot mo nga sakin yung martilyo."

Gulat ko silang tinignan nang abutin talaga ni Asp yung martilyo. "H-hoy!" Binalingan naman ako neto ng tingin at tinaasan ako ng kilay. "Aayusin naman 'eh! eto na nga!"

Jusko naman 'tong si Mavy, plano pa talaga ata ako patayin. Dali dali ko na tinanggal muli ang poster para ayusin eto. "Akin na yung martilyo."

Nang ihahampas ko na sana ang martilyo ay hindi ko sinasadyang pukpukin ang kamay ni Mavy na nakahawak sa turnilyo. "ARAY KO-- HARVEY!"

Napangiwi ako nang kinurot ako neto sa tagiliran ko. "Aray ko! Sorry na!" Hindi neto tinigilan ang pangungurot sa akin kaya naman ay tinakbuhan ko na ito.

Hindi ko naman ito sinasadya, mas masakit pa ata pangungurot niya sa tagiliran ko! ang haba kaya ng kuko ng babaeng iyon. Daig pa nga neto ang pusa pag minsan ay nakakalmot niya ako.

"Bumalik ka nga 'rito! Puta ka!" Hindi ako nakinig sa mga pinagsisigaw ni Mavy dahil pinag-mumura niya na ako. Ramdam ko na 'rin ang mga titig ng ibang tao sa gawa namin.

Pagkatapos ng ilang minuto ng pagtakbo ay tumigil ako dahil sa paghingal. Sumilip ako sa likod at nang makita ko na wala na si Mavy ay nakahinga ako ng maluwag.

Babawi na lang talaga ako sa kaniya mamaya. Bilhan ko na lang siya ng ice coffee tutal sabi niya yun daw solusyon sa lahat ng problema niya 'eh. Edi bilhan ng ice coffee, problem solved. Tama? tama.

Napagisipan ko na 'rin lumibot ng mga booths dahil nandito na 'rin naman ako. Nagpaligoy-ligoy ako nang tingin ng makuha ng atensyon ko ang pamilyar na pigyur. Napakunot naman ako ng noo.

It was Ash with her asshole of a boyfriend. Law major ang kaniyang boyfriend na si Keithan. At sinasabi ko sainyo, itsura lang talaga meron ang lalaking iyon. Hindi ko nga alam bakit pinatulan ng isang katulad ni Ash ang ganong klaseng lalaking iyon.

"Keithan! Stop!" Galit na narinig kong sumigaw si Ash habang hinahawakan ng kupal na iyon ang kaniyang braso.

"Sabi ko naman kase lumayo ka 'don diba?" Mas lalo akong nagtaka sa sinabi ni Keithan. Anong ibig sabihin neto? I saw Ash's nervous face as her boyfriend becomes more aggresive.

"I'm not even going near that person!" Kabadong depensa ni Ash habang hinihila niya ang kaniyang braso na makawala sa kamay ni Keithan.

"Oh really?! Alam ko yang mga titig mo Asher! Ganiyan ka 'rin tumitig sa akin noon!"
Halata sa mukha ni Ash ang gulat at kaba na tila na gu-guilty siya.

"I- Are you accusing me of cheating??" The bastard laughed like a maniac and grabbed Ash's neck. Nakita ko ang takot sa mata ni Ash kaya agad kong sinugod ang lalaki.

Kinuha ko ang braso neto at binaliko ko ito. Sumigaw naman itong tila nasasaktan na sa ginagawa ko. "Asul- hey! calm down!"

Hinawakan ako ni Ash sa may braso at kalmado akong hinihila papalayo sa boyfriend niya. "Bitawan mo ko, Asher! 'Di pa ako tapos!" Galit kong saad habang madiin pa 'rin ang kapit ko sa braso neto.

Not So Bad Where stories live. Discover now