CHAPTER : VII

407 28 1
                                    

HARVEY'S POV

"What's the score between you and Genesis anyways?"

We're currently still in the parking lot ng building namin. Ilang minuto pa naman bago mag simula ang klase kaya naman napag-isipan na muna namin na tumambay dito.

"None." Mavy answered with a poker face on. Tila nawala ang sa mood itong isang 'to. "Impossible? you guys are—" Hindi pa natapos ni Ash yung sinasabi niya nang putulan siya ni Mavy.

"Straight and homophobic at it's finest." Bitter na usal ni Mavy habang walang emosyon ang kaniyang mukha. Aray na fall sa straight at homophobe.

She is rarely like this. Bukod kay Asp ay si Mavy 'din ang isa pa naming 'mood maker'. Silang dalawa ang palaging out-going at hyper sa aming apat. So seeing a emotionless Maleiah is a rare sight.

"Mavy, you literally have both boys and girls begging to date you!" Asher says with a matter-of-fact voice. "Why settle for a straight and a homophobe?"

"Coming from a straight, ha?" Palabiro ni Mavy at nakatanggap naman siya ng irap. "Sino ba kase nag sabi hindi ko siya kaya balikuin?" Confident niyang sabi habang may mayabang na ngiti.

Iba 'din talaga sayad neto 'eh. Parang impossible naman na makabaliko siya ng straight at homophobe. I know Genesis, I did my reaserch of her for Mavy. I heard she really despises the queers. She even go as far as bullying them. I already do not approve of her for Mavy pero hindi ko naman masabi ito sa kaniya kase mukhang gusto niya talaga yung babae.

Their last name is also quite influencial and well known. Kilala ang mga Agustin sa mundo ng mga businesses. Naka-trabaho na ito nila Daddy dati ngunit hindi ito nag tagal dahil halos buong pamilya ata nila ay well known na homophobes.

"Ako pa guys! i'm Maleiah Cortez, sinong a-ayaw sa mukhang 'to?" Pag mamayabang muli ni Mavy. Umiling na lang kami at hinayaan na lang siya. Ano pa nga ba magagawa namin, diba? Hambog 'eh.

"Si Ge—" Bigla naman binato ni Mavy yung purse niya kay Asp bago pa neto matapos ang sasabihin niya. Pag tinanong talaga kami dito ko kung kilala namin sila sasabihin ko ka agad ay hindi.

"Should we get going?" Biglang imik ni Ash habang nakatingin sa gold watch niya. Sinilip ko na 'rin ang orasan sa cellphone ko at tumungo. "Malapit na mag time." I said.

They all nodded and so we double checked our cars kung na lock na ba namin ng maayos bago umalis. Ngunit bago pa man ako makalakad ay nakarinig ako nang tumawag sa pangalan ko. A irritating one.

"HARVEY!" A awfully girly voice was heard. Tila bang babae na pinipilit i-pataas ang boses para maka-akit ng iba. I mentally cringed when I turn around and saw Jaiymee. I forgot this woman existed for a moment.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nang mga ugok sa likod ko. "Asul, yung girlfriend mo 'oh." Pabulong ako na inasar ni Asp na kaming apat lang ang makakarinig. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Shut up, askal!" I whisper-shouted.

"I haven't seen you since birthday ko! I miss you!" Maligayang usal sa akin neto bago hinaplos ang braso ko nang malanding paraan. "Apologies." Pormal kong sabi habang nanatiling walang emosyon ang aking mukha.

The twins also kept a poker face but you can see a glint of amusement in their eyes. "Ako Jaiymee, hindi mo na-miss?" Mavy being Mavy is just giving her a fake smile. Nakita ko ang pandidiri sa mukha ni Jaiymee kaya't naman lalong sumeryoso ang mukha ko.

"Err.. of course! kung hindi dahil sayo ay hindi makaka-attend si Harvey sa araw ko!" Plastik na plastik ang tono neto sa boses. She really just used Mavy as a way to invite me, how lame. Nakita ko naman napa-irap si Mavy at nawala na ang plastik niyang ngiti.

Not So Bad Where stories live. Discover now