CHAPTER XI

386 24 1
                                    

HARVEY'S POV

"Harvs! Tanga, tingin sa daan!"

Pagkatapos ng meeting namin ng dragon ay dumiretso na ako sa canteen ng building nila Mavy. Hindi ko na namalayan na may nabunggo ako. Parehas kami bumagsak sa sahig at narinig ko eto tumili. Shet, yung boses.

"Again, Ms. Valentino?!" I gulped as I looked up to face Ms. Ruiz. She had an angry expression while staring at me. Alam mo yung titig na ma-ta-tae ka na lang? Oo ganon.

"M-ma'am... i'm so sorry again." Madali akong tumayo at inalayan ang propesora. Inalay ko ang kamay ko at mabuti naman ay kinuha 'rin niya eto. Akala ko pa nga ay 'di niya kukunin pa.

"Please, again, watch where you are going." She said as she dusted off her clothes and reached her stuff from me. "And avoid staying in other buildings for too long, you and your friend can hang outside the buildings."

Tumahimik na lang ako at baka madamay pa si Mavy at ang grades ko. Delikado na, isa pa naman tong dragon 'din.

"Yes ma'am... um... can I help bring your stuff to where you're headed po?" Magalang ako nag offer na tumulong dahil na gu-guilty na ako sa ilang beses ko na bunggo siya ngayong araw.

"That is not needed. Just watch where you are going next time and please help out sa mga booths." Napakamot na lang ako sa batok dahil tuwing nag "ta-try" kami mag ayos sa booth ay laging palpak ang gawa namin.

"Don't think that me and Ma'am Jha don't know about the incident with that male student. I'm warning you Valentino, no more stupid fights." Nakaramdam ako ng goosebumps sa leeg ko nang marinig ko ang malamig niyang boses. Si Elsa 'rin 'tong si ma'am eh.

With that, she left and I bowed at her in respect. Bigla naman lumapit si Mavy mula sa pwesto niya. Bahagya ako nagulat dahil kung saan saan na lang siya sumusulpot. "Ina naman, Mavy!"

"Bakit parang ilang beses na kayo nag ka-ka-bugguan nung professor na 'yon?" Nag kibit-balikat na lang ako dahil kahit ako ay hindi ko 'rin masagot kung bakit. "Hala! what if mag ka connection kayo niyan?"

"What connections?" I asked and gave her a weird look. "Alam mo 'yun? yung katulad sa mga libro?" I shookt my head. I don't normally read romantic books in general.

"Yung nag bungguan yung dalawang lead tas na in-love sila sa isa't isa." She said while she raises her eyebrows, teasingly.

"Siguro ganiyan 'din ini-imagine mo sainyo ni Genesis." Bigla namang lumungkot yung mukha ni Mavy at umiwas ng tingin sakin.

"Ano nangyari sayo? Bat ganiyan mukha mo?" Ma-drama niyang nilagay yung kamay niya sa dibdib niya na tila na o-offend. "Wow ah? Sorry ganto mukha ko."

"Apology accepted, tanggap kita kung ano ka." Binigyan ko siya ng isang mapangbiro na ngiti sabay umalis sa harap niya.

"Pota let me have my moment, Harvs?!" Bahagya ako natawa nang marinig kong pagmamaktol niya habang papalakad papunta sa usual na lugar namin.

Pero seryoso, ilang araw ko na 'rin napapansin ang pagbabago sa mood ni Mavy. Kung dati ay maingay siya at outgoing, ngayon naman ay kadalasan tahimik na lang siya. Panay titig pa nga siya sa kawalan na parang ang lalim ng pinag i-isipan niya.

Sure nag i-ingay pa 'rin siya pero hindi katulad ng usual niya. Hindi ko alam kung ano pinagdadaanan niya ngayon kase hindi naman siya yung tipong nag o-open up or nag ra-rant. Pero alam kong may pagbabago talaga sa kaniya, hindi ko lang alam kung bakit.

Not So Bad Where stories live. Discover now