War 1

93 4 0
                                    

"That's mine, motherfvcker!" 

"Stop whining like a child." 

"What the fvck did you just said?!" 

"That's enough!"

Napabuntong hininga nalang ako habang hinahanda ang niluluto ko. Hindi ko alam kung bakit napunta ako sa sitwasyong 'to. Kita mo ginawa pa akong katulong. Nakarinig ako nang pagkabasag kaya napa-iling na naman ako. Simula nang tumira ako kasama nang mga may saltik sa ulo na 'to, nasira na talaga ang tahimik na buhay ko. 

Kailan tumahimik ang buhay mo, Zelene?

Just kidding, hindi naman talaga tahimik ang buhay ko. Pinanganak na talaga akong habulin parati nang gulo. Pero mas masaya kaya 'yon kapag ginagawa mo nalang exercise ang pakikipag basag ulo. 

Kaagad akong napayuko nang may lumipad na vase papunta sa gawi ko saka 'yon bumasag sa dingding. 

"Fvck!"

"Shit!"

"Damn!"

"You asshole!"

Pagmumura nilang apat. Tumingin sila sa akin bago sa bunso nila pabalik ulit sa akin saka nila sinamaan ng tingin si Dwayne, ang bunso. Paniguradong siya ang tumapon no'n. May pakamot pa siya sa ulo habang nerbyos na tumawa habang umiiwas na tumingin sa mga kapatid niya.

"Opps?"

Pabagsak kong nilapag ang hawak kong sandok saka nilagay ang dalawa kong kamay sa beywang ko, "Eh kung paguuntugin ko kayo dyan?!" inirapan ko silang lahat saka lumabas ng kusina. Ang aga-aga paiinitin na naman nila ang ulo ko. Bwesit.

"Zelene!"

"Look what you've done, hindi na naman tayo makakain!"

"Then what's the use of ordering online?"

"Fvck you!"

Pagkasara ko ng pintuan nang kwarto ko ay kaagad akong humiga sa kama. Hayst, bakit parang hindi naman sila 'yong kinatatakutan sa school? Mas masahol pa sila sa bata kung umakto. Sinasabi ko naman sa inyo na may mga saltik sila sa ulo kaya pagpasensyahan niyo na.

Pero paano nga ba ako napunta sa sitwasyon na 'to?

3 weeks ago...

"Ma, kailangan ba talaga nating lumipat? Paano na 'yong mga kaibigan ko dito?" Tanong ko kay mama na busy sa page-empake ng mga gamit ko. Hindi ko alam kung anong rason kung bakit pabigla- bigla kaming lilipat eh maayos naman ang buhay namin dito. 

"I will tell you once we get out of here. Basta tulungan mo lang ako dito para maka-alis na tayo." sabi niya. Napabuntong hininga nalang ako saka siya tinulungan.

"Tulungan ko na po kayo, madame." Pagkababa namin ay sumalubong sa amin itong may katandaan na lalaki na naka suit. May kasama pa siyang ibang naka suit na parang robot kung kumilos. Yumuko ang dalawa sa harapan ko bago nila kinuha ang mga maletang dala ko saka sila lumabas.

"Sino sila, ma?" Bulong ko kay mama.

"I will tell you later."

Pagkalabas namin ng bahay ay nagulat pa ako nang lumantad sa amin ang isang maitim na limousine. Nanatili lamang akong nakatayo habang naguguluhan sa mga nangyari kaya hinila ako ni mama para pumasok. Sa pagkaka-alam ko ay hindi namin afford ang ganitong sasakyan. Oo, sa pagkaka-alam ko, malaki ang sahod ni mama bilang isang sekretarya nang kung sinong mayamang panot na tao pero alam kong hindi bibili si mama nang ganitong sasakyan na sobrang mahal. At ano 'tong mga lalaking naka suits? Bakit ang dami na para bang isa kaming presidente na kailangan proteksyonan dahil baka babarilin nalang bigla. 

"Ma, what is really happening?" hindi na siya sumagot at saka sumara ang pintuan. Nilibot ko ang paningin ko sa loob; it is very spacious. Pwede ko na atang gawing bahay 'to, eh. 

Nagsimula nang umandar ang sasakyan. Tumingin ako sa likod namin at dalawa atang magkasunod na sasakyan ang sumusunod sa amin. 

"Mind explaining what is really happening, ma?" bumuntong-hininga siya saka niya hinawakan ang dalawa kong kamay. Kumunot ang nuo ko nang lumuha siya.

"I am getting married." 

Apat na salita lang pero dahilan na 'yon para hindi ako makapagsalita. I knew that he has a boyfriend kahit hindi niya pa sinabi sa akin ang tungkol do'n. I accepted and wait until she is ready to tell me about that matter. I accepted that but she is telling me that she is getting married all of a sudden? Hindi ko nga man lang na-meet ang lalaki niya. Wala akong alam tungkol sa papakasalan niya kung anong klaseng tao man lang 'yon o mapapagkatiwalaan man lang siya na aalagaan niya ng mabuti si mama.

"I know this is so sudden and I apologize na ngayon ko lang 'to sinabi pero I love him very much, Zee." 

Napabuntong hininga ako saka siya nginitian. 

"I understand, ma. You also deserved the happiness pagkatapos nang lahat ng ginawa mo para sa akin." Ngumiti siya saka mabilis niya akong niyakap ng mahigpit. "Thank you so much, Zee."

"But can I meet him, ma?"

"Soon. Malapit na."

"We are here, madame." Sabi nang driver. Pinagbuksan kami ng pintuan ng naka suit saka kami lumabas. Tumingala ako sa building na nasa harapan namin.

El gran de Walton Hotel.

Hindi ba ito 'yong hotel na sobrang mayayamang tao lang ang nakaka-afford?! Kahit nga middle class hindi ma-afford 'to, eh.

Anong ginagawa namin dito?

Nagsimula nang maglakad papasok si mama kaya sumunod na ako. Parang nanliit ang sarili ko nang makasalubong namin ang kumikinang na mga kagamitan sa loob. Lobby pa lang, makikita mo talaga na totoong ginto ang ginagamit sa mga displays. Muntikan pang manlaki ang mata ko nang makita ang iilang presidente ng ibang bansa. 

Hindi kaya sila natatakot na baka holdap-in sila dito?

Sabagay, madami ding naka-armas na mga lalaki dito at mahigpit din ang seguridad bago ka makatapak sa gusaling 'to.

"This way, Miss Vargas." Sumunod kami sa babaeng stuff na mukhang mas mahal pa ata 'yong uniform na suot niya sa suot ko ngayon. Napansin ko pang "Manager" ang nakalagay sa name tag niya. Dumaan kami sa mahabang hallway, I even saw some freaking paintings that famous painters had made with their signiture on it.

I think I am dreaming.

Huminto kami sa isang ginintuang elevator na may nakalagay na "VIP ONLY" sa itaas. Pinindot 'yon nang  manager kaya bumukas 'yon saka niya kami pinapasok. Kami lang tatlo ang pumasok at nagpa-iwan ang mga naka-suits na lalaki na kanina pa ata nakasunod sa amin. Yumuko muna sila bago tuluyang sumara ang elevator. Namayani ang katahimikan namin bago bumukas ulit ang elevator. Bumungad sa amin ang sampung magkakaibang pintuan. Syempre, ginto ang kulay ng pintuan ano pa ba.

Humarap sa amin ang manager saka siya yumuko. "Enjoy your stay, madame." Saka siya umalis. Binuksan ni mama ang pintuan na nasa harapan namin saka siya pumasok dala-dala ang mga gamit namin. Nilibot ko ang paningin, parang mas malaki pa ata to sa living room namin sa bahay, eh. 

"This will be your room, Zee. The bedroom is right there together with your walk in closet. See you later. If you need anything, I am just beside this room." Nakangiting sabi ni mama saka siya lumabas dala ang dalawang luggage niya. Ilang minuto na ata akong nakatayo dito pero hindi ko pa din naiintidihan ang mga nangyayari.

She really owe me a lot of explanation.


One and OnlyWhere stories live. Discover now