War 25

17 1 0
                                    

Zelene's POV

I woke up being grumpy once again. Gusto ko na lamang humiga sa kama ko buong maghapon at walang gagawin pero hindi pwede, kailangan kong pumasok. Kaagad akong pumasok sa banyo at ginawa ang dapat kong gawin.

Paglabas ng kwarto ko ay nakasalubong ko si Ged na papalabas pa lang ng kwarto niya. Sinamaan niya ako ng tingin kaya inirapan ko din siya. Anong akala niya, magpapatalo ako? No way! Hindi kami bati hangga't hindi ako makakabawi sa ginawa niya sa ilong ko!

"Bakit ka ba sumusunod?!" Pasigaw kong tanong sa kaniya at nilingon siya sa likod ko. Tumaas naman ang kaniyang kilay.

"Stupid. We're going on the same way." Sabi niya bago ako nilagpasan. Ay oo nga pala.

"Pwe!"

Pagkababa ko ay wala na akong nakitang demonyo na nagngangalan ay Ged. Mabuti naman para hindi masira lalo ang umaga ko. I walk towards the dining to eat breakfast. Nadatnan ko si Randolph na nagluluto pa kaya lumapit ako sa kaniya.

"Ano 'yan?" Pag-usisa ko pa.

"This one is Egg Benedict."

"Itlog lang 'yan, eh."

"No, it's Egg Benedict."

"Ano naman 'to?" Turo ko sa isang pagkain na weird sa paningin ko though mukha naman siyang masarap.

"That one is Frittata." Napatango-tango ako. Nahiya naman ang pagkain ko noon na noodles sa breakfast, lunch at dinner kapag wala si mama. UTI malala.

Nakatayo lang ako sa harapan niya habang gumagawa siya ng pagkain namin. Hindi na ako nag tanong kung ano 'yong ibang niluluto niya at baka tamaan pa ako no'ng hawak niyang sandok.

"Chef ka ba?" Hindi ko napigilang tanong. He glanced at me forming a smile, shaking his head.

"No." No? How come that he's so skillful? Maybe, hobby?

"Do you mind calling the others, Zelene?" Napatayo ako ng maayos at saka umiling. I exit the dining hall before jogging towards the stairs.

Bakit hindi pa sila bumababa? Usually, sila ang unang nagigising kesa sa akin.

Una akong kumatok sa pintuan ni Dwayne ng tatlong beses. Wala akong nakuhang sagot kaya muli na naman akong kumatok. Aba! Ang hirap gisingin ng batang 'yon, ah!

Buang, I'm acting like an old person right now.

"Dwayne!" Sigaw ko at malakas na kinakalampag ang kaniyang pintuan. Naiinip na ako, ah.

O baka naman wala siya sa loob?

"¡Puaj! ¿Quién carajo eres tú para perturbar mi sueño?" Narinig kong pagsisigaw niya sa loob. Sa wakas at nagising na rin ang demonyo.

Translation: Who the fuck are you to disturb my sleep?!

"Bumaba ka na!" Huling sigaw ko rito bago sumunod sa pintuan ni Emerson. Kakatok na sana ako pero kaagad namang bumukas ang pintuan kaya naiwan ang kamay ko sa ere. He was wearing his school uniform already habang bitbit ang kaniyang bag. Ang fresh niya, nahiya naman akong mukhang panda kahit naligo na't lahat-lahat. Matagal naman akong natulog pero mukha pa rin akong panda.

"Panda's are cute." Bulong ko sa sarili kaya kaagad kong sinampal ang sarili ko. Nababaliw na ata ako.

"Why are you hurting your self?" Right, nandyan pa pala siya.

"Gising ka na pala." Pagbaliwala ko sa sinabi niya at tinalikuran na siya. Hindi ko alam kung nasaan ang kwarto ni Kuya Henry kaya babalik nalang ako sa baba. Naramdaman ko namang nakasunod siya sa akin.

One and OnlyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu