War 39

23 2 0
                                    

Zelene’s POV

“Thanks.” Pagpapasalamat ko kay Kuya at kinuha ang inabot niya ang dalawang ice cream, “Sa ‘yo na ’tong isa.”

“Nah, I am good.”

“Dali na kasi!” Pamimilit ko at ako na mismo ang kumuha sa kamay niya para hawakan ang isa kong dala. “Kaya nga dalawa ang ipinabili ko para tig isa tayo.” I smiled at him. Hindi ko alam kung kumakain ba siya ng mga cheap na ice cream pero nakakahiya naman na ako lang mag isa ang kumakain.

Masaya kong binuksan ang ice cream at kinain. Mas masarap talaga kapag libre.

“Don’t you have plans on telling us the truth?” Biglaan niyang tanong kaya napalingon ako sa kanya na may ngiti sa labi.

I chuckled, “I see, you already knew. Expected from the heir of Walton.”

Nakita kong napangiti din siya.

“So, alam mo na din pala na alam ko? You do not look surprised at all.” Narinig kong sabi niya habang patuloy kong dinidilaan ang ice cream.

“Syempre. Knowing you, dapat kalkulado lahat ang nasa paligid mo.”

Lumingon siya sa akin, “Impressive. I shouldn’t have underestimated the Queen of the top district.” Sabi niya dahilan para mapangisi ako.

Binobola lang talaga namin ang isa’t-isa.

Ilang segundo ang katahimikan ang namayani sa amin hanggang sa may napagtanto ako. Kaagad akong tumayo sa kanyang harapan ng nakakunot ang noo. Napataas naman ang kanyang kilay.

“What?”

“Hindi mo naman siguro ako isusumbong kay mama, ‘no?” Parang mas kinabahan pa ata ako na malaman ni mama ang tungkol sa pagbalik ko kesa sa muntik na kaming matalo kanina o nang malaman ni Kuya ang tungkol dito.

Ibinaba niya ang kanyang kinakain na ice cream at ngumisi sa akin na may pang aasar.

“Depends.”

“Ihhhh Kuya naman, eh.” I whined like a child.

“Kung hindi ka na tatakas o umalis ng walang paalam, rest assured that I will keep my mouth shut.” Sabi nya. Umismid ako at inirapan siya. Bwisit.

“And, you will be grounded for three days.”

Mas lalo akong napa irap sa hangin.

“That would be five days for rolling your eyes.” Mas lalo akong napanganga sa sinabi niya.

“Kuya!” Nagkibit balikat lang siya.

“Anyways, how are you going to explain to them? You know that they won't stop until you tell them where you went.” He changed the topic. I just shrugged my shoulders. Hindi ko nga din alam.

“I don't know. Will you help me?” Nakangisi akong tumingin sa kanya.

He raised his brows, “Nah, deal with it.” Napanguso naman ako dahil doon.

Pagkatapos naming kumain ay napag pasyahan na namin na umuwi. Hindi ko na nakasalubong ang iba kaya nakahinga ako ng maluwag. Naningkit naman ang dalawa kong mata nang makitang nakangiti si Kuya na parang ewan habang papasok kami.

“Tinatawa mo d'yan?”

“You look like natatae.” Natatawa niyang sabi. Hindi ko naman mapigilan na napangiwi sa sinabi niya. Conyo yarn? Palihim ko nalang siyang inirapan at dumiretso na sa taas at baka malasin pa ako, makasalubong pa ako ng isa.

Sa kabutihang palad, nakarating ako sa kwarto ko ng matiwasay. Having them around is already giving me a headache. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako dahil alam kong may nag-aalala pa rin sa akin o mainis dahil parang bata nila akong binabantayan.

This feeling is actually new to me. Mama was so busy all the time and madalang ko lang siyang nakikita dahil palaging may work siya. I only have myself most of the time. Naiintindihan ko naman siya dahil ginagawa niya 'yan para sa akin, para sa amin.

Huminga ako nang malalim at humiga sa kama. Napagod ako ngayong araw. Tinatamad na akong maglinis ng katawan.

A/N: Hello, I am sorry for the late late late late update. This is will be for now, maraming school works binilin this weekend 😩

One and OnlyWhere stories live. Discover now